Chapter 13: Starting to Take off his mask
Lumilipas ang mga araw at napapansin ko na si Dale na iba na ang kinikilos. Masyado na syang dumidikit sakin. Yung tipong wala na talagang time na hihiwalay manlang sya sakin. Palagi ko na sya katabi. Kahit di nya upuan uupo sya para lang makatabi ako. Napapagalitan na kami ng mga teachers namin pero wala lang syang paki. Grabe na sya.
-
"San ka pupunta?" Tanong nya.
Kakatapos lang ng 3rd subject namin. Recess na.
"Sa CR,bakit ba?"
"CR talaga ah."
"Ano ba? Naiihi na ako bitawan mo na ako."
"Sasamahan kita"
"Dale di ka pwede sa CR ng babae na-inform ka ba?"
"Dun lang ako sa labas hihintayin ka."
"Bahala ka sa buhay mo."
Hinila ko yung braso ko para matanggal yung pagkakahawak nya. Bwiset bumakat kamay nya.
Sinundan nya nga ako. Tinotoo nga nya na sasama sya. Ano ba talagang problema neto? Masyadong praning nakakainis na.
-
FASTFORWARD:
Natapos nanaman ang araw na ganon lang ang nangyari. Talagang di sya humiwalay. Haynako,nagsisimula na akong magsisi sakanya.
-
"Claudette tayo daw magbabantay sa gagawing drugtest bukas sa may clinic." Pagiinform sakin ni Stephanie.
Kasama kami ng girls sa isang org sa school na B-GLAD. bale kami yung nagchecheck ng mga nagtetake ng drugs sa school o kaya basta tungkol sa droga samin yon.
"Whole day daw yon?
"Oo. Sabi ni sir kasi buong Winchester University ichecheck ee"
"Yun buti naman! Thanks lord!"
"Hahahaha,tuwang tuwa ka malalayo ka kay Dale noh?"
"Oo naman! Excited na ako:'D"
-
KINABUKASAN:
Maaga palang nasa labas na si Dale. As usual naman e.
Sinabi ko sakanya na di ako pipila ngayon sa pilahan namin kasi may gagawin kami. Sinabi ko yung tungkol dun sa B-GLAD.
"Bat hindi mo tinext sakin kagabi? Dapat ngayon ko lang malaman?!"
Ang lakas ng boses nya.
"At ka sumisigaw?"
"Bat nga hindi mo sinabi?"
"Nakalimutan ko."
"Ang tagal mo kasi magreply kagabi e. Siguro ang dami mong katext kaya nakalimutan mo nang sabihin sakin"
Ano daw? Tama ba to pinagdududahan nya ako? Pakyu tong lalaking to ah. Lumalabas na tunay na ugali.
"Tantanan mo ko Dale ha. Punta na ako sa clinic."
Pumunta na ako sa clinic. Andun na yung iba pang members. Andun na din sila Ashley.
"Bat mo sinama yan?" Bulong sakin ni Ashley.
"Sino?"
Nagpout sya at tinura nya yung nasa likod ko.
"Bat ka andito?!" Di ko napigilang mapasigaw.
"Sinigurado ko lang na sa clinic talaga punta mo"
Putangina talaga. Ano nanaman to? Siniseryoso nya nga na higputan ako ah. Haynako!!!
BINABASA MO ANG
His Prisoner :)
RomanceHe's nice, brave and i think hes cute :) unang kita ko pa lang sakanya ay na-attract na ako :) ano pa nga bang hahanapin mo kung ganyan kaganda ang ipinapakita nyang attitude sayo ? You will definitely fall in love with him agad <3 But what if...