Chapter 17: So Weak😭
Kinabukasan mas inagahan ko yung paggising ko para mas maaga akong makapasok.
Siguro dati kung ang gising ko 5:30am ngayon 4am na para di ko na sya makita sa labas ng bahay.
Kagabi wala akong ibang ginawa kundi magisip ng paraan para maayos kong magawa na mahiwalayan sya. Yung hindi ako masasaktan. Yung walang eskandalo na mangyayari.
Napagdesisyunan ko na pagtapos nalang ng klase gawin yon para di muna ako ma-distract sa mga lessons. Malapit na din kasi ang periodical test at kailangan ko nanag mag-aral ng mabuti para naman di na ako bumagsak.
Nitong mga nakaraang mga quizzes kasi palaging mabababang scores nakukuha ko. Di na kasi ako makakinig ng maayos tuwing may lessons kasi palaging nakatabi sakin si Dale. Palaging bulong ng bulong ganon kaya wala na akong maintindihan.
-
Madilim pa nasa school na ako. Pwede naman na pumasok kaya dun muna ako nagstay sa may park ng school. Mabuti pa dito malamig tas di malamok. Mabuti pa dito tahimik. Walang nanggugulo.
May mga stars pa. Madami rami pa sila kahit maguumaga na.
Binuksan ko yung fown ko. Walang nagtetext. Oo nga pala wala akong sim.
Ngayon alam ko nang may benefits din pala tong pagkawala ng sim ko. Ngayon kahit anong gawin ni Dale di nya ako mako-contact. Wala syang magagawa. Kahit maghintay sya ng maghintay sakin sa labas ng bahay namin wala na syang iintayin nandito na ako e.bahala sya magintay dun HAHAHAHAHAAHAHAH!
-
Nagsisimula na yung first class ng dumating si Dale. Hahahahhahahha! Nalate sya.
Umupo agad sya sa tabi ko. Magkatabi nga kasi kami ng upuan pag first subject e.
Ako naman yumuko kunwari may sinusulat kahit wala naman talagang ipinapasulat samin.
"San ka galing?" Mahina nyang tanong
Di naman ako sumagot. Parang wala lang akong narinig. Kunwari parin may sinusulat ako.
"San ka galing?!" Pagulit nya na may medyo malakas.
Hindi pa rin ako sumagot at dun na sya nainis. Okay eto na galit nanaman sya. Masaya to. Makikita na ng adviser namin ang ugali ng transferee na to :'DD
Hinablot nya yung hawak kong ballpen. Kinalampag nya yung armchair at sumigaw.
"Pag tinatanong kita,sumagot ka agad! San ka galing?!"
Nagtinginan ang lahat sa kinaroroonan namin. Pati si Ma'am. Mabuti naman.
"Excuse me, anong nangyayari jan?" Tanong ng teacher namin
"Hindi ko din po alam kay Dale ma'am. Nagsusulat lang ako dito tas kinuha nya agad yung ballpen ko." Mahinahon kong sabi na akala mo wala talaga akong alam
"Umupo ka na." Sabi nya kay Dale. "Late ka na nga magiingay ka pa."
Umupo naman si Dale.
Ako naman palihim na ngumiti.
Pagkaupo nya tanong nanaman.
"Gusto mo pa akong mapahiya noh?"
"Hindi"
"Sumagot ka,san ka ba galing?!"
"Dito lang"
"Wala ka sa bahay nyo. Kanina pa ako dun at iniintay ka"
"Maaga ako pumasok e."
"San ka nagpunta?"
"Jan sa may park"

BINABASA MO ANG
His Prisoner :)
RomanceHe's nice, brave and i think hes cute :) unang kita ko pa lang sakanya ay na-attract na ako :) ano pa nga bang hahanapin mo kung ganyan kaganda ang ipinapakita nyang attitude sayo ? You will definitely fall in love with him agad <3 But what if...