Chapter 3 ♥

5.2K 55 5
                                    

Kath's POV

Tama ba yung narinig ko? Liligawan ako ni Daniel? Liligawan ako ng taong simula noon ay mahal ko na? Oh, cloud nine. ~ 

Hindi ako makapagsalita. Pero alam ko sa sarili ko na gusto ko. Nakita ko sila Julia, Ej, Kiray at si Kuya Neil. Naka-stare lang sila and parang kinikilig si Bes. 

"Uhm, kath?" Biglang nag salita si DJ.

"Ano, dj.. uhm..." Ngumiti ako. Yung may touch ng kakiligan. Sana naiintidihan niya ako na I was too stunned to react. Nagulat ako syempre. Matagal ko ng pinapangarap to. Waaaaaaaa. :">

DANIEL's POV

So I guess a smile means yes. Syempre, para makasigurado, I asked her.

"Kath, pwede?"

Tapos ngumiti siya.  

Sobra kong saya. Sa sobrang saya ko, nilapitan ko siya tapos niyakap ko siya. 

Bumulong si Kath.

"Hoy Mr. Padilla, nililigawan mo pa lang ako. Hindi pa po tayo"

Then she laughed.

Tumawa na lang din ako.

Ayun. Pag tapos nun, umuwi na kami. Tutal magkapitbahay naman kami, sabay na kami. Nagpaalam na kami sa barkada. 

Siguro nagtataka kayo na kung bakit isang araw pa lang, mahal ko na kaagad si Kathryn. Ganito yun, si Kath tska ako ay magkababata. Yung mom ko tska mom niya ay magkabarkada nung college.  Kaya bata pa lang, crush ko na si Kathryn. Syempre, sa gwapo kong 'to, aakalain ng mga tao na playboy ako. Hindi ah. Si Kath lang ang gusto kong maging girlfriend. If ever, gusto ko na siya ang maging first and last ko. 

Habang naglalakad, 

D: "Kath, ang awkward ng ganito"

K: "Ng?"

D: "Nang magkasama tayo pero di tayo nag uusap"

K: "Ah, yun ba. Haha. Di naman ako naiilang sayo kaya okay lang na mag usap tayo."

D: "AY. Oo nga pala Kath. Papaalam ako sa mommy mo. Na nililigawan nakita." Tas sabay wink.

Nakita kong gumilid siya ng tingin tapos ngumiti. Hay Kathryn Chandria Bernardo, mahal na mahal kita. 

Kath's POV

Ganito ba talaga pag in love ka? Walang panahong hindi kumakabog ang puso mo? Yie naman!! 

 "O, andito na pala tayo." Sabay pasok sa bahay. "Tara, DJ." 

"Ah, sige tara." 

Natawa ako kasi pinagpapawisan si DJ. Eh ang lamig naman ng panahon. 

"Bat ka pinagpapawisan?"

"Kinakabahan kasi ako eh." 

"Okay lang yan. Mabait naman si mommy."

Pag pasok namin, narinig kong may mga nagtatawanan at nag kwekwentuhan. Nakita kong nandito si Tita Karla. 

"DJ, mommy mo nandito."

"eh de perfect." Tas nag-wink siya.

Ano ba? Hindi ba niya alam na mas lalo akong nai-in love sa kanya pag ginagawa niya yun? Haha. :">

Nakita kagad kami ng mga mommy namin.

"Oh, DJ. Andito ka pala." Sabi ni mommy. 

"Nak, anong ginagawa mo dito? Aakyat ka ba ng ligaw?"

"Opo Mommy. Yun po ang dahilan kung bakit ako nandito. Nililigawan ko po ang anak niyo, tita Andrea. Sana po payagan niyo po ako. Hinding hindi ko po sasaktan si Kathryn dahil mahal na mahal na mahal ko po siya."

Yung mga nanay namin, nagulat, syempre. They we're too stunned to react. Tas nagulat ako nung nagsalita si mommy. 

"Alam mo, DJ, ang bait mo, bagay kayo ng anak ko. Pero DJ, huwag kang magkakamaling saktan si Kathryn."

"Tama, anak!" sabi pa ni tita Karla.

"Opo, hindi ko po siya sasaktan." Tapos nag bigay siya ng isang honest smile. 

Pag tapos nun, nag paalam na sila na uuwi na. Nag bbye ako kay Tita Karla tska kay DJ. Before sila umuwi, hinawakan ni DJ yung kamay ko tapos sinabi niya..

"Kath, mag iingat ka. I love you so much" Tapos hinalikan niya ko sa noo.

"Bye, DJ. ingat ka din. :)"

Buti nga nasabi ko pa yan eh. Kinikilig na kasi ako. Girls, naiintindihan niyo ako diba? Mahirap mag salita ng pahinhin lalo na kung kinikilig ka. ALAM NIYO YAN. haha.

at yun, umakyat na ako sa kwarto ko at nag online sa facebook. 

Daniel's POV

Yes! Ang saya ko! Makapag post nga sa wall ni Kath.

"Kath, bat parang may kulang sa pangalan mo? o.O"

Ang bilis. Nag comment agad siya.

"Ha? Ano? Ilang beses ko namang chineck, wala naman mali ah?"

" Meron. Apelyido ko. :) " 

" wushu. :"> " 

Speechless si Kath. :) At yun, chinat ko na lang siya. 

"Kath, araw ka ba?" 

"Bakit?"

"Kasi ikaw ang nagbibigay liwanag sa puso ko eh."

"Bumanat ka na naman. Hahaha. Nga pala, DJ una na ko. Gabi na masyado. Tutulog na po ako. Good night. Sweet dreams."

"Sige, see you in my dreams. :*"

"Haha, sige bye na. :)"

Kath's POV

Si DJ naman, bumabanat! Ano baaaaaaaaaaaa. Kinikilig ako. HAHA. :"> Tama na nga. Matutulog na ako. At alam kong sweet dreams ako ngayon. :)

______________________________________________________________________________

Ikaw Na Kaya Talaga? [CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon