Chapter 8 ♥

4.2K 37 11
                                    

Kathryn's POV

Nakita ko si DJ. He's with someone. Girl yun. Maganda, sexy at mukhang matalino. Kung ano anong conclusions ang pumasok sa isip ko. Naiyak ako bigla. Kasi ang saya saya nila. Parang sila. Wala namang PDA pero sobrang nasaktan ako. 

"Mang Karlo, Punta po ako sa park. Uwi na po kayo. Salamat po."

"Pero ma'am.."

"Okay lang po ako. Sige na po. Ingat."

"Sige po kung yan gusto niyo..Sasabihan ko na lang po so Ma'am Andrea."

"Manong wag na po. Ako na po. Paki bigay na lang po 'tong pinabibili ni mommy. Salamat po." Sabay takbo.

Nakaupo ako sa isang bench dun sa park. Natanaw ko yung swing. Parang kahapon lang, ang saya saya namin dito. Pero asan siya ngayon? Kasama siya nung babaeng yun at pinabayaan niya akong mag-isa. 

Anong oras na? Hapon na di ba? Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng kaibigan. Kailangan ko si Julia.  Kahit umiiyak ako, tinawagan ko si Julia. 

"Bes, hello?" 

"Bes, *sobs* I need you. Pwede mo ba akong puntahan dito sa park? Hintayin kita. *sobs*"

"Sige, hintayin mo ko diyan. Ingat ka diyan."

Mga sandaling panahon pa, nakita ko si Julia.  Mukha siyang nag-alala. Tumanaw siya sa paligid para hanapin ako at nakita naman niya ako kaagad. 

Tumayo ako para yakapin si Julia. 

"Bes, bakit ganito? Ang sakit sakit!"

"Kathryn! Ano ba nangyari sa'yo? Bat ka umiiyak?"

Hindi lang ako nagsasalita. Basta iyak lang ako ng iyak. 

Julia's POV. 

Iyak lang ng iyak si bes. Kino-comfort ko lang siya. Naglabas din ako ng mineral water galing sa bag ko at binigay ko sa kanya. Kath, please kalma na. 

"Bes, pasensya ka na. Hindi ko lang talaga kayang mag-isa ngayon" Tapos biglang tumulo yung luha niya. 

"Anong nangyari? Okay lang. Mag bestfriends tayo, kath. Walang iwanan. Ngayon, kumalma ka at sabihin mo sa akin kung anong nangyari. "

"Di ba kanina, nag pasama ako sayo tapos hindi ka pwede. Inaya ko din si DJ, hindi siya nakasama kasi may pupuntahan daw sila ng mommy nila... On my way home nakita kong may kasama siya. Maganda, sexy at mukhang matalino. Ang saya nga nilang tignan eh. Ngayon ayan, nagmumukmok ako. Masyado ko siyang mahal na to the point na di ko na kaya pag nasaktan ako..."

Nababahala na ako. Gripo na yung mga mata ni Kath. 

"Bes, malay mo kaibigan niya lang. Alamin mo muna yung story. Tawagan ko si DJ, Papuntahin ko siya dito."

"Bes, wag na. Makikita niya lang akong miserable. Ayoko ng ganun."

"Kahit nasasaktan ka na?"

Natahimik lang si Kath. So I guess tuloy ko na?

Lumayo muna ako at tinawagan ko si DJ. 

"Hello."

"Hoy. asan ka?"

"Sa bahay ng business partner ni daddy."

"Oh really?"

"Oo nga. Bakit PO ba?"

"Umiiyak si Kath. Pumunta ka dito sa park. "

"Bakit anong nangyari?"

"Ask yourself."

"Jul-"

Call ended.

Kathryn's POV. 

2:00 PM nung nakita ko silang magkasama. Nun ako nagsimulang umiyak. Anong oras na ba? Oh, 4:00. 2 oras na ako umiiyak. Ngayon pa lang nangyari 'to. Alam niyo bang dati, 10 mins. ang pinakamatagal kong iyak? Tss. 

"Bes, salamat nandito ka. Di ko alam gagawin ko kung wala ka.."

"Okay lang, bes. Ganito ka rin naman sakin. Mag bestfriends tayo. :)"

"Awwwwwww" Tapos niyakap ko si Julia. 

"Alam mo, bes, pagsubok lang 'to. Hindi kayo magiging matatag kung hindi kayo dadaan sa mga problema. Tsaka, baka naman namalikmata ka lang. Baka hindi si DJ yun."

"Bes, boyfriend ko si DJ kaya alam ko na siya yun. Bawat anggulo ng mukha niya, makita ko pa lang, alam kong siya yun. Pero hindi ko pa rin mapigil ang mga mata ko sa pag-iyak. Mahal na mahal ko si DJ. At ang sakit sakit nung nakita ko siya kaninang may kasama... Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. pero basta... Ayan... naiiyak na ulit ako....." 

Ngumiti na lang ako habang naluluha para naman mawala kahit konti yung sakit. 

Nakita kong lumapit si DJ at hinila ko naman si Julia papalayo. 

"Bes, uwi na tayo.."

"Kath, wait.."

Di ko siya pinansin...

"Kath! Kath!"

Ayokong lumingon. Habulin niya kami hangga't gusto niya. Basta ayokong lumingon. Naiiyak na ulit ako. Basta Kath, wag na wag mo siyang lilingunin.

Ikaw Na Kaya Talaga? [CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon