"DJ, sabihin mo kay manang ipagtimpla ako ng kape."
"Opo."
Naiwan ako mag isa. Para akong nasa one-on-one interview with Kris Aquino na baka sa mga tanong niya wala akong maisagot. Feeling ko nga may dilaw na ilaw na gumegewang gewang sa harap ko. Ini-interrogate na ako.
"Iha, ilang taon ka na?"
"16 po."
"Saan ka nakatira?"
"Sa Bulacan po. Malapit po sa bahay dati nila DJ."
"Anong apelyido mo?"
"Bernardo po."
"Saan ka nag-aaral?"
"Dun din po sa school ni DJ."
"Gaano ka katagal niligawan ng apo ko?"
"Hindi ko pa ho siya sinasagot. Nililigawan pa lang po niya ako, sir."
"Ilang buwan na?"
"Sampung buwan na po, sir."
"Wag mo na akong tawaging sir. Call me lolo."
Tapos ngumiti si sir- I mean lolo. At nagkaroon ako ng pag-asang mabubuhay pa ako. Joke! Hahaha. Natakot kasi ako diba?
"Lolo, kape mo po." dumating si DJ at binigay yung kape. Nagtaka lang ako. Hapon tapos ang init tapos nagkape si lolo.
"DJ, ano pa ang hinihintay mo diyan? Ipasyal mo na si Kath!" sabi ni lolo.
"Ah eh, lolo, mainit na po kasi ng tuluyan. Pwede po bang maya-maya ko na po ipasyal si Kath? Baka po mahilo siya sa sobrang init eh"
"Sige."
--
Nasa sala kami ngayon nila DJ. Buti malamig dito.
"Kath, dala mo charger mo?" tanong niya. Pareho kasi kami na iPhone ang gamit. Hindi ko alam kung destiny yun o gaya gaya lang talaga si DJ. Haha!
"Hindi. Bat naman ako magdadala ng charger sa birthday? Haha!"
"Oo nga naman. Hahaha. Sige, pa text nalang ako."
Inabot ko yung iPhone ko tapos may naalala ako. Kukunin ko na sana pabalik yung cellphone kasi baka makita ni DJ! Yung ano! Ano!
Tapos nagulat na lang ako na nakita na pala niya. Naka-smirk siya.
"Danieeeeeeeeeeeeeeel!"
"Hahahahahahahaha! You don't need to explain, Kath. I understand. Alam ko naman kung gaano ako kagwapo kaya gusto mo ng picture ko eh." sabi niya, tumatawa pa din.
"Ang kapal mo!" sabi ko na parang galit ang reaksyon.
"Totoo naman," nilapit niya yung mukha niya sa akin. "diba?"
"Aksidente yun. Napindot ko yung camera nung natutulog ka!" sabi ko.
"Reasons. Aksidente din na nagawa mong wallpaper yung gwapo kong picture habang natutulog kanina? Kaya pala naalimpungatan ako kanina. Haha." tas kumindat siya.
"Che! Eh de papalitan na."
"Hinde, hinde. Joke lang eto naman."
Di ko pa rin siya pinapansin.
"Galit ka?" tanong niya.
"Hinde. Ano palagay mo sakin, mababaw? yun lang eh. haha!"
"Mabuti. Kasi kailangan na nating umuwi." sabi niya.
"Agad agad?!"
"Oo eh."
Nagpaalam na kami sa mga kamag anak niya at umuwi na din kami. Kasabay namin yung mga kabanda niya pero di kasabay sa kotse.
"Bakit pa tayo umuwi kaagad?" tanong ko.
"May problema kasi. Nagtext si Kiray sayo eh."
"Ahh. Di ko napansin. Tawagan ko muna."
--
"Hello?"
"Kath, buti naman napatawag ka na! Nasan ka na ba?"
"Malapit na kami. Ano bang nangyari?" tanong ko.
"Ahh ehh, di ko alam gagawin ko kay Julia eh!"
"Ano nga ba kasing nangyari?"
"Ahh ehh may dysmenorrhea ata tong si Julia. Hindi! Okay lang naman na di kayo pumunta. basta ano bang gagawin ko para mapakalma si julia?" sagot niya.
"DYSMENORRHEA?! Maniwala ako sayo Kiray." sabi ko
"Totoo nga, Kath." sabi niya.
"Sige, spell!"
"Syempre joke lang yun! May iba siyang problema. Uwi ka na bilis. Bye!" tapos pinatay na niya.
*toooot tooot toooot*
--
"Kath.." Nakita kong parang malungkot si DJ.
"Yes?"
"Kelan mo ba ako sasagutin?" tanong niya.
"Napapagod ka na ba?"
"Hindi naman.. Alam mo naman na pagdating sayo, hindi ako mapapagod. Tanong lang." kinilig naman ako dun. :""""">
"Secret." sabi ko, pero kiniss ko siya sa cheeks. "Thank you."
"Saan?" tanong niya.
"Sa pagtatyaga mo." tapos ngumiti ako.
Ngumiti siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
--
Ano kaya ang problema ni Julia? :\
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Kaya Talaga? [CURRENTLY EDITING]
Ficção AdolescenteYour typical teen fiction story. Light story lang. Fan fiction story about KathNiel. My first! ♥