Daniel's POV
1 week na lang ang natitirang panahon na nandito ako sa Pilipinas. And still, hindi pa nagigising si Kath. Paano pag nagising siya ng wala ako? Paano pag nagising siya tapos hinanap niya ako? Hindi ko maatim na umalis ng hindi man lang nakakapagpaalam sa kanya ng maayos at personal.
Nakahanda na lahat ng kailangan ko. Kahit isang linggo pa ako dito, naka-impake na ang mga gamit ko. Nakapagpaalam na ako at nakausap ko na ng maayos si Ate Coleen at si Mommy. Pati sa barkada, nakapagpaalam na ako. Sa mga classmates, sa teachers, sa mga friends, sa mga kapitbahay, pati na nga sa alaga kong aso na si Ysrel, nakapagpaalam na ako. Mamimiss ko sila. Ilang taon kaya ako doon? 3? 4? Masyadong matagal pag ganun. Isa na lang naman ang hindi ko nagagawa, Ang magpaalam sa ka-isa-isang babaeng mahal ko.
Gumawa ako ng sulat. Just in case na hindi pa rin okay si Kath. At least kahit sa sulat maramdaman niya ang pagmaamahal ko. Habang sinusulat ko nga yung letter, hindi ko mapigilang umiyak. The fact na aalis ako ng ganun ang kondisyon niya at matatagalan pa, plus may chance na hindi niya ko maabutang umalis. knock on wood. ERASE ERASE! Magigising si Kathryn ng hindi ako umaalis. Confident ako dun.
For my dearest,
Ngayong binabasa mo 'to, malamang nakaalis na ako. Pasensya ka na. I just have to do this for my family. Pero Kathryn, tandaan mong mahal na mahal kita. At hindi magbabago yun kahit magkalayo tayo. Wag ka sanang magalit dahil hindi ako nakapagpaalam sayo ng personal. Dalawang buwan kitang hinintay pero hindi ka pa nagigisng. Sana gumaling ka na kaagad. Sana ngayon, nasa mabuti kang kalagayan. Siguro mga ilang taon akong mawawala.. Pero wag kang mag alala, kahit araw araw mag uusap tayo through phone, o kaya araw araw tayo mag skype. Basta Kathryn, sana hindi mo ako makalimutan. I love you. At hindi na magbabago yun.
DJ.
Isang linggo. Anong pwedeng mangyari sa isang linggo? Ah, alam ko na. Siguro mag bo-bonding muna kami ng barkada. Pero hindi kasama si Kathryn dahil hindi pa siya nagigising. Pero sana naman wag niyong isipin na hindi namin iniisip si Kathryn. Namiss ko rin 'tong barkada ko. Kahit isang araw eh gusto ko namang magsaya kasama sila. Kahit isang araw lang. Dahil alam ko naman na baka huli na 'to. Ilang taon akong mawawala. Siguro pag balik ko, professionals na rin kaming lahat.
Si Neil, baka nagseryoso na. Aba teka, nasabi ko na ba sa inyong sila na ni Yen? Napatino ni Yen si Neil, salamat naman. Siguro pagbalik ko may sarili na silang pamilya, may marangal na trabaho at masayang buhay.
Pero sana hindi pa rin nabubuwag ang barkada.
Siguro si EJ at si Kiray, successful na pag ganun, hano? Siguro si Diego, Doctor na? Siguro, si Julia, fashion designer na? At, sana kami naman ni Kath, nagmamahalan pa rin. Kahit magkalayo kami. Sana successful na si Kath nun. Sana lahat kami.
Bakit ko pa kasi kailangang umalis? tang*na, pwede bang mag-back out na lang? Kasi ngayong kung kelan na maayos na lahat sa pag alis ko, tska ko na realize na nandito talaga yung buhay ko sa Pilipinas. Na may mga kaibigan akong nagmamahal sakin kung ano man ako. Kahit gago man ako.
"Pre, maiyak ka diyan. Wag ka! Baka kami rin, maiyak!!!" Sabi sakin ni Neil ng makarating kami sa ospital para kay Kath.
"Kasi naman, pare. Mamimiss ko kayo. Wag niyo kong kakalimutan, ha? Sana pagbalik ko magkakaibigan pa rin tayo!" Sabi ko, pero di ako nakatingin sa kanila. Alam ko kasi na anytime tutulo luha ko.
Naramdaman ko ang mga throw pillow na binato sakin. Mga pito sigurong unan yun.
"Bwiset ka DJ! NAKAKAINIS KA! WAG KA NGANG GANYAN! MAGKIKITA PA TAYONG LAHAT!" Sabi ni Julia, habang pinupunasan mga luha niya.
"Hay nako, Tara nga kayo dito! *GROUP HUG* kainis! mamimiss ko kayong lahat!" Sabi ko pa.
------
*1 week after, di pa rin gumigising si kath*
Eto na. Bago ako umalis, dadaanan ko si Kath, baka sakaling magising siya.
2:00
3:00
4:00
Flight ko na ng 5:30 PM kaya dapat na akong pumuntang airport. Pero hindi pa din gumigising si Kath.
Bago ako umalis, niyakap ko si Kath mula sa bed niya at hinalikan ko siya sa noo at sinabing.. "Hintayin mo ako. Mahal na mahal kita" Tapos nilagay ko yung letter sa ilalim ng unan niya.
Niyakap ko din ang barkada bago ako umalis. Umiiyak na ako, ano ba yan. Lhat kami nag iiyakan na rin.
--
Bumalik ako sa kotse kung saan andun si mommy at si ate.
"Dj, we love you. Mag iingat ka dun."
"Opo mommy, ingat din po kayo."
"Hoy Ate, pag may nanliligaw sayo padaanin mo muna sakin!" Pabiro ko pang sabi kay Ate Coleen para naman hindi masyadong madrama.
Sinampal ako ng pabiro ni Ate at niyakap.
"Hoy ikaw, mag iingat ka dun. We love you, bunso. Mamimiss ka namin."
Bakit parang masyadong mabilis ang oras? nandito na kami sa tapat ng airport, lumabas ako ng kotse at nagpaalam kay mommy at ate.
Umupo ako sa mga upuan dun, hinihintay ang flight ko.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Kaya Talaga? [CURRENTLY EDITING]
Teen FictionYour typical teen fiction story. Light story lang. Fan fiction story about KathNiel. My first! ♥