Chapter 26 ♥

2.9K 32 24
                                    

“Oh my.” Yan na lang ang tanging nasabi ni Kath habang tinatapik tapik ang mukha nang walang malay na lalaki na nagligtas sa kanya. Luminga si Kathryn para maghanap ng pwedeng tumulong sa kanila.

“Kuya Neil!” Sigaw ni Kath ng makita niya si Neil na patawid din papuntang mall.

“Kath! Anong nangyari?” Tanong naman ni Neil.

Dalin natin siya sa ospital! Wala siyang malay kuya!”

*wieeng wieeeeng wiengggggg* Isa rumaragasang ambulansya ang huminto sa harap nila. Lumabas ang mga nurse doon at nilagay ang lalaki sa isang stretcher. Sumakay na rin ang dalawa sa ambulansya.

Tinawagan ni Kath si Julia para sabihin ang nangyari.

“Juls, papunta kaming ospital Basta basta! Long story!”

“Saang ospital?”

“Sa ****************, Julia! Sumunod kayo, please. Niligtas niya ko. Patay na sana ako ngayon kung di dahil sa kanya!”

“Sige sige pupunta kami diyan!”

Kathryn’s POV

Nakikilala ko yung lalaki. Kababata ko siya. Syempre besides Julia and DJ. Bago ko sila nakilala andiyan na siya. Kaso lumipat sila Cebu. Nandun kasi nagtatrabaho yung parents niya. Yun. 10 years na ata ang nakalipas nung huli kong nakita tong kaibigan ko. Kaya nga nagulat ako na nandito siya. At ganito pa kami nagkita muli.

Mabuti naman at hindi siya duguan, mahina lang siguro ang impact ng pagkakatama sa kanya. O baka naman nahimatay lang siya dahil sa asthma niya.

“Doc, kamusta po?”

“Uhm, are you the girlfriend?”

“No, just a friend.”

“Oh. By the way, you better call her parents and tell them about this. Hindi naman siya malala. Inatake lang siya ng asthma, dahil sa incident kanina.”

“Ah, sige po.”

Umalis ang doctor at pagkita ko sa kanya na nakahiga sa bed, pinipilit niyang tumayo.

“Op op op op! Bawal munang tumayo.”

“Ahm, Sino ka po ba?”

“What? Di mo na ko kilala? Uy! Si Kath ‘to!”

Napatingin ulit siya sa akin at natawa ko sa biglang paglaki ng mata niya.

O____________O

“KATH?!”

“Oo! It’s meeee! Kamusta ka na?”

Hindi niya ko sinagot. Hinila niya ako at niyakap habang nakaupo siya sa higaan niya. 

“Grabe! Namiss mo naman akong sobra! HAHAHA” Yan na lang ang nasabi ko kasi, 3 minutes na niya kong niyayakap.

“Syempre naman. Makakalimutan ba naman kita? Ha SIOPAO?" Hmmm, nang asar pa ha. Miss mo lang ako kaya ganyan! HAHA!

"Weh! Kaya pala...." Ginaya ko yung reaction nya kanina. "Ahm, sino ka po?"

"HAHAHA! Syempre, 10 taon ba naman tayo di nagkita! Namiss talaga kita! Tara nga dito!" Hinila niya ulit ako at niyakap. Ba, chansing na 'to ah! Joke. 

"Obvious nga." Kumalakas ako sa pagkakayakap niya. "Kamusta na? Nakakahiya sayo. Sa ganitong paraan pa tayo nagkita."

"Maiyak ka diyan. Hahaha. Bumalik talaga ko galing ng Cebu.Pinuntahan nga kita sa bahay niyo eh. Kaso nakita kong palabas ka, tapos malungkot ka. Kaya sinundan kita papuntang mall.. Yun."

"Naks, knight in shining armor ang drama mo, ha." Sabi ko, nabanggit niya kasing malungkot ako kanina. Ayoko na lang pag usapan yun kaya tinatanggal ko na lang sa usapan. 

"Eh ikaw, kamusta ka na ba?"

"Ako?" Umikot ako nilagay ang dalawa kong kamay sa bewang ko. "Eto, sexy na. Di na ako siopao! Kala mo ha." Tapos tawanan kami. Hay, namiss ko 'tong taong 'to!

"Kapal mo pa rin." Sabi niya. "Kidd! HAHAHA. 

Sinigaw ko na lang ng pagkalakas lakas ang pangalan niya. 

Humanda ka sakin mamaya, iiinterrogate kita. *evil laugh*

Ikaw Na Kaya Talaga? [CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon