Daniel's POV
10 AM na, hindi pa din nag tetext si Kath. Last time na nagkaganito siya, yung may sakit siya. Kaya pumunta ako sa bahay nila para tignan kung kamusta si Kath..
Si Yaya lang ata ang tao sa bahay. May kausap pa siya sa phone at naiiyak siya.
"--Kanina po, sir. Umuwi na po kayo dito.. Di ko po alam gagawin ko.. May nangyari po.. kay Kathryn " *Sobs*
Ano?! Anong nangyari kay Kathryn? Dali dali akong nagdasal.
"Ya, ano po nangyari kay Kath?!" Natataranta kong tanong sa yaya ni Kath..
"Nasa.. " Hinihingal si Yaya dahil sa kakaiyak at sa pagka-aligaga sa pag aalala.
"Asan po?! May nangyari po ba kay Kath?"
"Nasa.. Ospital siya. Naaksidente si Kath.."
"ANO?! Saang hospital po?"
"************, iho.." -Yaya
Dali dali akong sumakay ng isang taxi at nagpahatid sa ospital na sinabi ni yaya.
Unti unting dumadaloy yung luha sa mukha ko.. Anong nangyari? Anong nangyari sa babaeng mahal ko?
Dapat kasama niya ako eh. Dapat kasama niya ako kung saan man siya nagpunta para wala sana siya sa ganoong kundisyon.
Nakadating ako sa ospital at tinanong ko kung saan ang room ni Kath...
--
"Kalalabas lang ng ER ni Kath.." Bungad sakin ni Tita Andrea habang tinitignan niya at hinahaplos ang ulo ng walang malay na si Kathryn.
"A-ano po bang nangyari sa kanya?"
"Papunta kasi dapat kami ng mall.. Alam mo na.. Bonding kaming dalawa. Pero dahil tumawag ang daddy niya, pinauna ko na siya.. Sabi ko sa kanya, 'Kathryn, mauna ka na, tumawag kasi ang daddy mo.. Susunod ako. Will call you pag nandun na ako' Tapos si Kathryn, being a very understanding daughter, pumayag naman dahil daddy niya naman yun.. Kiniss niya pa nga ako sa cheek eh. After an hour, imbes na ako yung tumawag, nagulat ako kasi tinatawagan niya ako. Pag sagot ko dun sa call, lalaki yung sumagot. Pulis. Sinabi na nabangga daw ng isang van yung sinasakyan ni Kath.. Patay na yung driver namin, luckily, si Kath ay nakaligtas. Alam mo, iho, Pakiramdam ko kasalanan ko 'tong lahat ng 'to..." Sabay punas ng luha niya..
"Hay nako, sige, labas na muna ako, kakausapin ko lang si Doc, dito ka muna ha." Dagdag pa ni tita.
Tumango lang ako at nilapitan ko si Kathryn.
Hinawakan ko ang kamay niya at automatic ulit na tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko..
"Kathryn, di ba sabi mo, walang iwanan? Wag mo akong iiwan. Hindi ko makakayanan kapag wala ka... Hindi ko tinanggap yung offer ni daddy na tumira sa states kasi ayaw kitang iwan. Be fair, Kath. Don't leave me. Mahal na mahal kita...."
Kinakausap ko siya kahit alam kong hindi niya ako naririnig..
Wala ng tigil sa pag agos ang luha mula sa mga mata ko. Sana maging maayos na si Kath..
Biglang nag flashback sa akin yung mga oras na napakasaya namin..
"Kathryn, naalala mo pa ba nung nandun tayo sa swing.. binigyan kita nun ng singsing.. Naku, suot mo pa rin pala." Mas lalong bumuhos ang mga luha, at hinalikan ko ang mga kamay ni Kath..
"Eh yung una nating pag kikita.. Mga bata pa tayo nun pero sinabi ko agad sa sarili ko na.. 'ito yung babaeng pakakasalan ko.. Yung makakasama ko habang buhay..' Tapos nung nagtapat ako sayo, naalala mo pa? Nasa classroom nga tayo nun, sa harap ng barkada.. nagtapat ako sayo na mahal na mahal kita.. Natatandaan mo nung nandun tayo sa ulanan? Hinarana kita nun, natatandaan mo pa ba? Nagselos ka kasi noon kay Miles eh." Sabi pa ni DJ ng nakangiti pero umiiyak pa rin.. "Kathryn naman eh, kung kelan maayos na tayo, wala na si Dimples.. Boto sakin ang pamilya mo at ganun rin naman sa side ko.. Kathryn, gumising ka na.. Mahal na mahal kita.."
Biglang gumalaw yung daliri ni Kath..
"Dok! Dok! Gumalaw po yung mga daliri ni Kathryn!!!!!" Sinisigaw ko yan palabas ng kwarto, naghahanap ng doktor na titingin kay Kathryn.. Agad agad namang may pumasok na doktor at sinabi saking..
"Iho, normal lang yung nangyari dito kay Kathryn. Siguro mga 2 o 3 buwan siyang walang malay muna dahil sa nangyaring aksidente. Hindi ko sinasabing na comatose si Kathryn. Pero buti na lang, nadala siya agad sa ospital at naagapan. Tandaan mong kailangan niya ng matinding pag aalaga. Osiya, maiwan na muna kita, iho."
---
Tinawagan ko si Julia para sabihin sa kaniya ang nangyari.
D: Hello, Julia?
J: Hello? Oh? Bat ganyan boses mo? Umiyak ka?
D: Si Kath..
J: ANONG NANGYARI KAY KATHRYN?!
D: Pumunta ka dito sa ospital. sa @#$%^*. Andito ako ngayon. Sabihan mo na rin ang barkada..Hihintayin namin kayo ni Kathryn..
Call ended.
Ano na ba gagawin ko? Natutulala na lang ako. 3 buwan? Oo, makakayanan kong maghintay. Sandali lang naman yun..
Basta para kay Kathryn.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Kaya Talaga? [CURRENTLY EDITING]
Novela JuvenilYour typical teen fiction story. Light story lang. Fan fiction story about KathNiel. My first! ♥