"Jjjjeeeeeeaaaannnnnn!!!!!!!!" sigaw ng Kuya Jeano ko. Mula sa baba.
Sya ang alarm clock ko hehehe.. Panigurado naka kunot-noo na naman si Kuya nito.Dali dali akong bumangon at gawin ang morning rituals ko. Alam nyo na yun...
Ako nga pala si
Ansherina Jean Haruna,, College student sa isang eklusibong University.
Ang kinukuha kong kurso ay Business Ad. Graduating Student na ako sa Lincolin-Jung University...
I'm 20 years old, Cute ako period hehe. Syempre mabait ako at Friendly...
May pagka bookworm ako dahil gusto kong matataas lagi ang grades ko para maging Proud sila sakin.."Jean!! Tara na dito sa hapag,at kanina ka pa namin inaantay nila Mama at Papa.." inis na sigaw ni Kuya.
Pababa na ako at naka pluster ang isang matamis na ngiti sa labi ko, nakita ko naman na masama akong tinignan ni Kuya Jeano na para bang sinasabi na -anong ngiti yan..-look
"Tsss ang bagal kahit na kailan ng Baby Sister ko,malilate tayo nyan .. ulit!!" at pinag diinan pa yung salitang "ulit" bagyang napatawa nalang kami nila Mama kaya napa shrugged nalang si Kuya Jeano.
At sinamaan ulit ako ng tingin.."Oh mga Anak ,tama na yan at kumain na kayo baka lalo kayong malate sige kayo.." malumanay na wika ni Mama
"Isasabay ko na kayo sa Pagpasok Drew at Sherina" wika naman ni Papa kaya napa Giggled ako hihihi
"Pa,ako nang bahala sa Baby Sister ko.. Baka malate pa kayo.. Diba may meeting pa kayo???" sabat ni Kuya Jeano at tumingin sakin..
Napatango nalang si Papa dahil mukha ngang kailangan ang Presence nya sa Board meeting nayun.
Pagkatapos naming kumain ay nag paalam na kami kina Mama At Papa. Gayundin si Papa kay Mama... Ang sweet talaga ng Parents ko..
Diko mapigilang kiligin hanggang sa pagsakay sa kotse ni Kuya Jeano."Tss kinikilig kana naman dyan,Jean.. Bakit di ka maghanap ng boyfriend mo nang di ka naiinggit" taas kilay nitong sabi sakin habang nagmamaneho panaka naka nya akong sinusulyapan
"Tsk inaasar mo ba ako Kuya Jeano?? Porque kabi-kabila yang mga babae mo ganyan kana, forever Casanova ang Peg ganun??" pang aasar ko din sa kanya. Nag pout ako kasi tinawanan lang nya ako at pag tapos ginulo ang buhok ko..
"Iihhhhh kainis ka Kuya Andrew Jeano!!!! Hmff" pakli ko at lalo lamang syang tumawa. Natigil lang ang pagtawa nya nung huminto na kami. Nandito na pala kami sa Lincolin-Jung Univ. Aka LJ Univ.
Diko napansin na nakababa na pala si Kuya, napaka ungentleman talaga nito. Pero pagdating sa mga babae nya hmff Nakakaselos lang. Pagkuwan ay bumaba na ako at baka malate pa ako sa first subject ko..
"Jean, huwag ka munang mag bo-boyfriend huh?? Maliwanag .. Una na ako Baby Sis" seryosong saad ni Kuya at tuluyan ng umalis.
"Tss kasasabi nya lang kanina na mag boyfriend na ako tapos biglang binawi?? Bipolar lang talaga si Kuya Jeano" pailing iling kong wika habang naglalakad. Di ko napansin yung paparating na Estudyante din ng LJ Univ.. Kaya nagkabungguan kami...
Napaupo ako at nalaglag ang mga librong dala ko, napansin kong nakatayo yung lalaking nakabangga sakin..at nakatingin lang,, tsss that nerve hindi man lang ako inalalayang tumayo.
Pagkatayo ko ay sya namang alis ng Herodes na yun at naka ngisi pa.
Dahil dun uminit ulo ko."Bastos! Walang Modo! Panget!!! Ang yabang mo!!" sigaw ko. Alam kong madaming nakakita at nakadinig sa mga sinabi ko pero wala akong paki alam. Kahit na nasulyapan ko ang itsura nya at medyo napalunok pa ako pero dahil nadin sa inis ko ay At nag martsa ako paalis sa lugar na yun na para bang walang nangyari.
Homeroom
Naririnig ko silang nagbubulungan,kahit na kayuko ako.. tss bulong paba ang tawag dun e dinig ko naman.
"Diba sya yung babaeng nakabunggo kay Aldrich"
"Oo sya nga yun,,"
"Kapal ng mukha nyang pagsalitaan ng ganun si Papa Drich"
"Di naman sya maganda tsk"
"Yeah ang panget nya"
Nakakarindi naman sila, ako pala ang pinag uusapan ng mga eskandalosang to..
Ako panget?? Ang cute ko kaya..Naramdaman ko nalang na may lumapit sakin, at pansamantalang tumahimik ang Classroom namin. Kaya napatingala ako at ganon nalang ang pinag taka ko nang mamukhaan ko sya..
【・ヘ・?】 ( ・◇・)?
BINABASA MO ANG
Its You To Find Out
De Todo"I dont believe in Fairy tales before but when I met you again.. You give me the reason to believe that there has a happy ending in every story. "Its Me to do the moves.. And Its You to Find Out" -