Chapter 1

421 7 4
                                    

(Kringggg...)

Ngayon na lang ulit ako gumising ng maaga simula nung mag-summer, well pasukan ulit kaya kailangan uling masanay. Five in the morning, nagising ako ng dahil sa alarm clock.

Last year na ng pagiging high school ko and for the last 16 years naging peaceful ang buhay ko and napakathankful ko ng dahil dun.

Bakit ko nga ba gusto ng matahimik na buhay? First of all magulo ang mundo at ayoko ng dumagdag and next is masyado silang mayabang, scandal dun scandal dito haisshhh kaartihan nila. Well, magaayos muna ako for school.

Aaayyy... hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Nica Famin, isang Pilipino, may black brown long straight hair, medyo maputi, 5'4, brown eyes, blah blah blah at hindi masyadong popular dahil hindi ako nangangarap maging isa, well hindi naman ako kagandahan katulad ng iba.Well magaayos muna ako para hindi naman ako malate sa first day of class.

Okay, time to go na. Pagdating ko sa school sinalubong ako ng mga bestfriends ko na sina Kylee at Hanah.

Si Kylee ay isa sa mga popular na studyante sa school namin, Cramberson High School, dahil maganda siya at matalino kumbaga beauty and brains pero hindi siya katulad ng ibang popular kasi sobrang down to Earth siya.

Si Hanah naman, ang super shy na isa ko pang bestfriend pero kahit shy siya promise maiinspire ka sa mga payo niya at matutuwa ka sa mga stories niya.

"Hello Nica!" nagulat ako nang sabay pang nagsalita sila Kylee at Hanah.

"Hello, kailangan sabay?" sabi ko sa kanila tapos sumabat si Kylee "Bakit bawal? Batas?" Adik talaga siya.

"Wew... tama na nga tara na parating na si Ma'am Ronie, ingat ka dun kasi terror daw yun sa mga seniors"

Nakita ko si Hanah na takot na takot dahil sa sinabi ko "Nica sana naman hindi iyan totoo"

(Kriinggg...)

After ng bell dumiretso na kami sa room namin. Nakakapanibago parang bakasyon pa rin. Nagtingin tingin ako ng mga mukha ng classmates namin, nakita ko si Kara, ang queen of the populars, Julius, the ever so loyal boyfriend ni Kylee. Wow, swerte naman ni Kylee pero okay hindi ako masyadong interesado buhay niya yun eh. Next is si Liana, ang top student last year, si Michael, ang best friend ng nerd na kaklase rin namin, si Raniel, at ang bad news, si Cain, ang most popular maangas na king ng populars.

Medyo disente naman ang mga kaklase ko at least pero buti na lang classmates ko sina Kylee at Hanah. Last year nalayo kami ni Hanah kay Kylee kasi naiba siya ng section pero what I know is magiging masaya ang school year na ito.

After ng klase ni Sir Kin dumiretso na kaming canteen, nakakagutom ang first day of class pero masaya kasi wala pa kaming ginagawa. Well, masaya na sana ang first day ko ng biglang lumapit si Cain.

"Hello babe" eww... nakakadiri. "Sinong babe Cain? Hindi ba parang naliligaw ka?" umalis ka na, umalis ka na, umalis ka na.

"Well babe, hindi ako naliligaw dahil ikaw ang pinunta ko dahil I'm interested at you" haha nakakatawa talaga si Cain, haha

"Haha Cain, nakakatawa, well I'm not Interested at you" bakit baa yaw umalis nito!?

"Well, I'll make you like me" Haayyy... nakakasawa namang kausapin ang taong ito, ang pinakamagandang gawin ay huwag siyang pansinin.

"Speechless dahil ayaw mong malaman kong may mansanas na sa pisngi mo?" aissshh... naiinis na talaga ako!

"FYI walang mansanas sa pisngi ko well merong green apple dahil sa nakakasuka ang mga sinasabi mo, grabe ka! Nakakainis ka na! Babe babe ka pa pumunta ka sa litsunan maghanap ka ng babe mo!" Madala ka n asana.

"Whatever, alam kong magugustuhan mo rin ako" Yes, sawakas umalis na rin siya.

"Ang galling mo Nica, first time lang naming makakita na may nagsalita ng ganyan kay Cain" sabi ni Kylee.

"Anong nakakahanga dun? He deserves that dahil nakakainis na siya at napaka... napaka YABANG niya, sobra".

Sana lubayan na niya ako for the rest of my life dahil ayoko sa kanya. Nakakainis siya. Lahat na.

"Okay lang yan bes huwag kang masyadong mamroblema, marami pang mga bagay ang mas dapat pagtuunan natin ng pansin" ang galling talaga ni Hanah magpayo.

"Salamat Hanah dear".

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon