I

1.3K 36 18
                                    

[AURA]

Halos hindi naman ako nakatulog kagabi, wala pa rin ang housemate ko! Tapos natatakot ako! Baka biglang pasukin 'tong bahay ko, ayoko pa mamatay. Nang matapos na ako kumain ay tumingin ulit ako sa salamin, mukha namang matatago ang eyebags ko dahil sa make-up ko. Ayoko magmukhang zombie!

Paglabas ko naman ng bahay ay kaagad akong tumakbo papunta sa bus stop, wala pang masyadong tao at hindi pa dumarating ang bus. May lumapit naman sa akin na isang babae at may inabot na paper bag.

“Ano iyan?”,tanong ko

“Look.”,sabi niya sabay inabot sa akin ang paper bag.

Tinignan ko naman ito pero agad ko itong nabitawan at napaatras. Nasusuka ako.. napatingin ako sa babae at tinignan niya ko na parang nandidiri siya.

“Seriously, what a weakling! Ikaw ba talaga ang sinasabi nilang makakatulong sa amin?”,rinig kong sambit niya at initapon malapit sa akin ang laman ng paper bag.

Napasigaw naman ako at kaagad na napatakbo. Ano ang nasa loob no’n? Pugot na ulo.

“Just run,bitch. Run! Subukan mong magsumbong at sa susunod, ulo mo na ang ipapakita ko sa iba!”,I heard her laughing as she walked away.

Lesson learned, hindi na ako aalis ng bahay nang napakaaga. Hingal na hingal naman akong nakarating sa school, may mga estyudante na. Napangiti ako, I must be safe here. Sana..

Nagpunta naman ako doon sa mismong main hall ng university dahil sa program bilang pagw-welcome sa amin. May mga nagperform naman hanggang sa pumunta na ang MC sa stage.

“Welcome,everyone! I hope that you will have fun staying at Summerville. Now, I’m quite sure that all of you are curious on some stuff. So ask whatever you want!”,sabi ng MC

Madami naman ang nagtanong tungol sa university at sa kung anu-ano pa at sinagot ito ng MC. Makapagtanong nga..

Nagtaas naman ako ng kamay at pinatayo ako ng MC,“Sino po ang Psychopath Squad?”

Mistulang natahimik ang buong hall, hindi mapinta ang itsura ng MC. Napatingin ako sa ibang mga professor at mga staff, mistulang natatakot at nagtataka sila.

“P-Psychopath Squad? Sila lang naman ang mga batang hamog na troublemakers, wala kayong dapat ikatakot sa mga iyon.”,saad ng MC pero halatang kinakabahan siya.

Aalis na sana agad siya ng stage nang biglang mamatay ang ilaw kaya napasigaw ang ilan sa amin. Kinabahan naman ako..l-ligtas naman dito di’ba? Napayakap ako nang mahigpit sa bag ko at napapikit.

Umilaw na ulit, pero rinig ko na nagsigawan ulit ang mga estyudante. Pagdilat ko ng mata ko,mistulang napako sa mismong kinauupuan ko. ‘Yong MC na buhay pa kanina, tadtad na ng saksak ngayon. May tao naman na nasa tabi niya, nakamaskara ito at humahalakhak.

“Hindi naman kasi  kita papatayin, kung hindi lang mali ang information na sinambit mo. First of all, hindi kami batang hamog. Second, we’re not troublemakers. We’re fighting for justice and last but not the least, dapat talaga kaming katakutan. Lalo na ng mga taong talagang gumagawa ng kagaguhan sa lugar na ito!”,rinig naming saad ng taong nakamaskara at sinipa ang bangkay ng MC.

Nahulog naman ito sa stage at tumilamsik sa buong paligid ang dugo at laman ng MC kaya nagtakbuhan na talaga at nagkastampede. Nawala naman na ang taong pumatay sa MC, isa kaya siya sa Psychopath Squad?

“Don’t just sit there! Stand up!”,rinig kong saad ng isang lalaki at hinatak ako palabas ng main hall.

Nang makaalis kami at makapunta sa corridor, napatingin ako sa kanya. Napakatangkad niya, gwapo? Oo. Wow, knight in shining armor ko na ba ‘to?

The Psychopath SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon