[THIRD PERSON]
Nakatingin naman si Blair sa mga kasamahan niya na talagang busy sa pinaggagawa nila at napasinghal.
“Kailan niyo po balak makipagbati kay Eroll? Hindi niya tayo pinapansin simula kahapon.”,pagmamaktol niya.
Napatingin naman si Venom sa kanya,“Bayaan mo, papansinin din niya tayo.”
“Yeah right Venom.. alam mo naman na mahilig magtanim ng sama ng loob si Eroll eh. We fucked up.. big time.”,sambit ni Keith at napatingin sa kisame,“Because of Aura.. nagkagano'n siya. Just wow.”
Nang bumalik si Blair sa kwarto niya ay naiwan si Keith at Venom sa sala.
“Let's just kill her already.”,saad naman ni Venom.
“You know that we can't do that yet..”,sabi ni Keith at napasapo ng mukha niya,“Kapag napatay siya,mahihirapan tayo lalo. Kailangan natin siya na makatulong kay Eroll habang nago-OJT sila doon.”
“We can just pick any person than her.”,asik naman ni Venom,“Naiinis ako sa babaeng iyon.”
“Venom,alam mo ba kung bakit siya ang napili nila Ate Kyanne, Kuya Dan at Kuya Kiel na tumulong sa'tin? It's because she's different than the others.”,saad naman ni Keith,“Binantaan natin siya, pero naging mabait siya. She was there for us.. kahit na kaya natin siya patayin, she just kept on trusting us. Kung ibang tao iyan, baka nagsumbong na siya sa pulisya. But Aura? She never did. She's trying to befriend all of us. She never told a single soul about us. She just kept quiet, and she's trying to gain our trust,too. And she have that motherly side kaya todo lapit sa kanya si Blair, you know what Blair suffered to her mother before.. pero dahil kay Aura,medyo umokay siya.”
Tinignan ni Venom si Keith nang matalim,“Are you starting to like her? Pati ba naman ikaw?”
Napashrug naman si Keith,“Nope. I don't like her,but I don't hate her naman. Neutral kumbaga.”
“Whatever.”,Venom muttered.
Napatigil sila sa pag-uusap nang lumapit si Kyanne sa kanya at tinawag sila, nagkatinginan naman ang dalawa at sumunod kay Kyanne papunta sa basement nila. Nang makapasok sila ay agad naman itong sinara ni Kyanne.. pagtingin nila ay nakita nila si Kiel na nasa nakasandal sa pader.
“Anong me'ron?”,tanong ni Keith kay Kyanne.
Nagsulat naman si Kiel sa sketchpad niya at ipinakita sa kanila,‘Meeting.’
“Tungkol saan?”,tanong naman ni Venom
‘Just wait.’,iyon ang isinulat naman ngayon ni Kiel bilang sagot sa tanong ni Venom.
“So, now we're here. Gusto ko sana pag-usapan ang tungkol kay Aura.”,saad naman ni Kyanne,“At since tayong apat lang ang hindi gaano gusto si Aura, gusto ko lang klaruhin sa inyo na walang mananakit sa kanya. Eroll suspected Kiel yesterday even though it wasn't him. At alam kong may kinalaman ka doon,Venom.”
Napashrug si Venom at ngumisi,“Hindi naman siya namatay eh,okay lang 'yan.”
“Venom, answer my question. Sino ang gumawa no’n kay Aura?”,tanong naman ni Kyanne at tinignan ito.
“I won't answer your question. But I'll ask you about something.”,nakangising saad ni Venom,“Since dumating na si boss and he's staying for good, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang nag-iba ang Psychopath Squad? At ano ang gagawin niya?”
BINABASA MO ANG
The Psychopath Squad
Misterio / SuspensoAng Summerville ay parte ng isang isla na may sariling republika, what if isang araw, isa si Aura sa swerteng matatanggap na manirahan doon? Ano kaya ang kanyang masisilayan? At.. alamin kung sinu-sino ang Psychopath Squad.