[THIRD PERSON]
Tulad ng iplinano nila Astaroth ay todo bantay silang lahat kay Jei. Wala namang magawa si Jei kundi pabayaan ang mga kasamahan niya dahil alam niya na sa ayaw at sa gusto niya.. ang utos pa rin ni Astaroth ang masusunod.
“Dalawang linggo na lang, mag-uumpisa na ang rebolusyon.”,saad ni Andy kaya napatingin siya dito.
“Eh ano?”,pagtataray niya sa binata.
Isang henyo si Andy at alam iyon ni Jei, kinupkop si Andy ng mismong minister noong napag-alaman nito ang angking talino na mayroon ang binata tsaka binigyan ng isang disenteng trabaho. Simula no'n, nahahati ang atensyon at puri na nakukuha ni Jei.. dahil iyon ay napupunta kay Andy. Ayaw nila sa isa't isa, sadyang malayo ang loob ni Andy kay Jei at walang pakialam si Jei sa kanya. Nagdudulot ito ng tensyon sa kanilang grupo ngunit walang pakialam ang dalawa dahil alam nilang sanay na ang mga ito sa kanilang dalawa.
“Isa lang ang ibig sabihin no'n, malapit ka na mamatay.” Ngumisi nang nakakaloko si Andy at muling ibinalik ang tingin sa tanawin na tinitignan niya mula sa malaking bintana “Paparating na ang karma mo sa lahat ng pinaggagawa mo.”
Napahalakhak naman si Jei,“Why? Still salty about your beloved ‘students’ and their horrible death? Or was it your deceased bestfriend and crush?”
Nainis si Andy pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya,“Nope. Ayaw ko lang talaga sa'yo tsaka mas madadagdagan ang sweldo ko 'pag nadispatsya ka na.”
“Talaga lang ha?”,nab-bwisit na sabi ni Jei,“Guess what? Hindi ako magpapatalo. Say whatever you want, I won't die.”
Napahagikhik naman si Andy,“Let's just wait and see, kakainin mo rin iyang sinasabi mo.”
Naglakad naman palayo si Andy ngunit hindi niya inaasahan na pinagmamasdan siya ng isang tao at nakangiti nang nakakaloko habang hawak ang baril niya.
“What a scene.”,natatawa niyang sambit bago maglakad palayo.
Naglalakad naman si Aura mag-isa nang may mapansin siyang sumusunod sa kanya, napabuntong hininga siya at hinigpitan ang paghawak sa bag niya.
“Anong ka—” Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang biglang may nagtakip ng panyo sa bibig niya.
Nagpupumiglas naman siya habang pilit na sumisigaw ngunit masyadong malakas yata ang may hawak sa kanya. Unti-unti siyang nakaramdam ng pagkahilo at panghihina, kitang-kita niya na mistulang idadala siya sa itim na van na nasa harap niya.
Napapikit na lang siya at naiiyak na sa sobrang kaba at panghihina na nararamdaman niya. Pero napasinghap siya nang maramdaman niya na naitapon siya sa sahig.
“Don't you dare lay your filthy hands on her!”,rinig niyang sigaw ng isang pamilyar na boses at hindi na niya mapigilan na maiyak.
Pagtingin niya ay nakahalandusay sa sahig ang taong nagtangkang dakpin siya at agad-agad na tumayo para pumasok sa van nito.
“That's right! Run away and don't ever do something bad at Aura or else.. I'll crush all of your bones.. one by one.”,pagbabanta ni Eroll.
Tuluyan nang umandar paalis ang van at sinundan iyon ng tingin ni Eroll, napatingin naman si Aura sa kanya at hindi nito mapigilan na makonsensya sa nagawa niya.
“E-Eroll, I’m s—” Napatigil naman si Aura nang tignan siya ni Eroll na mistula'y wala itong interes sa kanya.
Gan'yan ang pagtingin ni Eroll sa kanya noong una silang nagtagpo, mistulang walang interes na mabuhay si Eroll noon at dahil sa nagawa niya ay nagbalik ulit ang binata sa dati niyang pagkatao. Ang pagkatao nito na pilit niyang binago..
BINABASA MO ANG
The Psychopath Squad
Misterio / SuspensoAng Summerville ay parte ng isang isla na may sariling republika, what if isang araw, isa si Aura sa swerteng matatanggap na manirahan doon? Ano kaya ang kanyang masisilayan? At.. alamin kung sinu-sino ang Psychopath Squad.