K I N O
Nang matapos ko ang video call ko kay Ate Aura ay tinapos ko na ang pag-impake ko para sa papasukan kong paaralan. Kahit papaano ay nae-excite ako, doon kasi mag-aaral si Mio. She's my childhood friend.
“Kino, kailangan mo ba ng tulong diyan?” Napatingin naman ako kay tita.
Umiling ako “No need, tita. By the way, I called Ate Aura a while ago.”
“Anong nangyari sa kaniya? Kamusta ang trabaho at pag-aaral niya? Nakakakain ba siya nang maayos? Maayos ba ang pamumuhay niya?” Sunud-sunod na tanong ni tita sa akin kaya napatawa ako nang mahina.
“Maayos naman po siya, parang hindi niyo naman kilala iyong si Ate Aura. She'll be able to manage it,” Pag-aassure ko sa kaniya.
Ngumiti si tita nang tipid “You’re right. Pinalaki namin ang batang iyon para maging isang mabuting tao, sigurado naman ako na maayos siya. Pero namimiss ko na talaga siya.”
“Likewise,tita. Ang tahimik ng bahay kapag wala siya,” Saad ko at ngumiti nang malungkot.
“Iyon na nga eh, tapos pati ikaw.. aalis na,” Saad niya sabay mas lumungkot ang ekspresyon “Matatanda na talaga kayong dalawa. Nakakatuwang masilayan kayong lumaki nang ganiyan.”
Tumayo naman ako sabay yinakap si tita then ngumiti nang napakalapad “Si tita naman eh! Alam mo naman na kailangan ko lang lumipat para makagraduate na ko ng high school! Kapag nakagraduate ako sa paaralan na sinasabi ko sa inyo, siguradong kukuyugin ako ng mga agencies para magtrabaho sa kanila!”
“Magaling ka talaga pagdating sa ganiyan!” Saad niya sa akin at tinapik ang likod ko “Sigurado ako na kung nasaan man ang mga magulang mo ay proud na proud sila ngayon!”
“Y-Yeah..” Bulong ko at napatungo.
Parents,huh? Nasaan na kaya sila? Simula noong bata ako ay kinupkop na ko ng mga kamag-anak ko dahil nawala na parang bula ang mga magulang ko.. hindi ko man lang alam kung ano ang nangyari sa kanila. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa, palipat-lipat ako ng tinitirahan hanggang sa kinupkop ako nila Ate Aura. Utang na loob ko ang buhay ko sa kanila...
“Don’t worry,tita. Sigurado naman ako na kapag nakagraduate na si Ate Aura ay babalik iyon tapos madaming pera din! Hindi niyo na kakailanganin pang magtrabaho para sa amin!” Pagpapaalala ko sa kaniya “Onting pag-aantay na lang.”
Ngumiti naman si tita “Alam ko iyon, o'sya! Babalik na ko sa kusina, kumain ka muna bago umalis ha?”
“Opo.” Tumango ako sabay nagthumbs up sa kanila.
Muli ko namang ibinalik ang atensyon ko sa pag-iimpake nang lumabas na si tita sa kwarto ko. Mula sa mga kakailanganin ko at ilan sa gadgets ko, inilagay ko sa maleta at bag ko. Napahiga naman ako muli sa kama ko sabay napatingin sa kisame. Ah, I’m going to miss this room.
“Kino.. this is worth it, you have to do this..” Bulong ko at pinaalala iyon sa sarili ko “Hindi dapat nila malaman ang gagawin mo..”
BINABASA MO ANG
The Psychopath Squad
Mystery / ThrillerAng Summerville ay parte ng isang isla na may sariling republika, what if isang araw, isa si Aura sa swerteng matatanggap na manirahan doon? Ano kaya ang kanyang masisilayan? At.. alamin kung sinu-sino ang Psychopath Squad.