XVIII

357 18 5
                                    

[CYPHER]

Dumating naman si Dark bigla na puno ng dugo ang damit. He killed an another one.. wala naman akong magawa kasi siya ang 'ace' sa tatlong bagong salta. But still, I'm better than him.

“Anong nangyari sa'yo?”,tanong ni Kyanne sa kanya.

“Killed Josef.”,tipid nitong sagot bago umakyat papunta sa kwarto niya



Nagkatinginan naman kami ni Kyanne at napasinghal, typical Dark De Vera. Dumating naman si Blair na maraming dala na puro pugot na ulo ng ibang pulis habang nakangiti. She's a childish girl, but a deadly one. But still a childish one, nonetheless. Masyadong nakafocus ang isa't isa sa kanya-kanyang misyon, ang boring tuloy. Tas wala pa kaming matanggap na balita tungkol kay Kiel.

“Hello!”

Bumukas naman ulit ang pinto at tumumbad sa amin ang magsyota este si Aura at Eroll na may dalang groceries. Agad naman tumakbo si Levi at kumuha ng pagkain. Tanginang patay gutom.


“Andito pala ang lovebirds.”,pang-aasar naman ni Kuya Dan

“S-Shut up!”,asik ni Eroll na namumula kaya nagtawanan kami.

“Bakit? Hindi pa ba kayo magsyota?”,tanong ni Kuya Dan

“Hindi po! Magkaibigan lang kami!”,tanggi ni Aura.

Napasinghal naman ako,“Torpe siguro silang dalawa. Antagal magkaaminan eh.”

“That's not it!”,sabay nilang sigaw kaya nagtawanan ulit kami.

Buti pa 'tong si Eroll, luma-lovelife kahit papaano. Wala eh, mas mahalaga 'to sa'min..

“Guys, may nakuha pala kaming impormasyon.”,saad ni Eroll kaya agad na lumapit ang iba dito.

“Ano iyon?”,tanong ni Ashnora.

May inilabas na folder si Eroll at kinuha ito ni Dan para basahin,“So.. may hidden organization dito at nagbebenta sila ng human meat at organs?”

“Makasali nga d'yan at ibenta natin ang mga nakukuha nating bangkay!”,sambit naman ni Keith kaya binatukan siya ni Venom,“Ow! What was that for?”

“Alam mong pinagbabawal iyan. We'd rather burn the dead bodies than sell them. 'Yong pera ng bumibili doon, mapupunta sa republika dito and that's a no no.”,saad ko habang nakatingin kay Dan.

He's mad. Napatingin ako kay Levi, Aphrodite at Venom.. we all know why Dan's like that. Medyo sensitive ang topic na 'to sa amin.

“Human auction. Kaya maraming lumilipat sa Summerville na mayayaman, ito ang dahilan. Lalo na sa mga turista na nangangailangan ng donor but in the end, they're gonna get killed for stepping inside the island.”,saad ni Aphrodite

Halata naman na natakot si Aura, oo nga pala. Gusto niya makalabas ng isla na ito.. pero sa kasamaang palad, hindi niya iyon magagawa.

“A-Anong ibig ninyong sabihin?”,tanong ni Aura sa amin.

Ngumisi si Levi,“Once na nasa isla ka na ito, kung hindi ka miyembro ng mga mahahalagang tao dito. Hindi ka makakalabas ng buhay, maaaring mailabas ka kaso habang nasa kalagitnaan kayo ng himpapawid o karagatan, they'll kill you there.”

“N-No way..”,bulong ni Aura at napatakip ng bibig.

“Yes way.”,sambit ni Levi,“That's the reaon why I became an orphan pati na rin si Cypher. Pinatay nila ang mga magulang namin.”

The Psychopath SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon