Ice Cream

514 17 0
                                    

SETTING: CONDO, POST CONCERT, EATING ICE CREAM

"May tanong ako Meng."
"Tanong, tanong."
"Kelan mo talaga narealize na crush moko? And no, wag ka magdedeny kasi naamin mo na yun dati pa."
"......."
"Ba't ka nangingiti dyan?"
"Eh kasi po naalala ko lang yung Akyat Ligaw episode."
"Aliw na aliw ka na naman kakaalala nung pagtagaktak ng pawis ko?"
"HAHAHAHAHA!"
"'Ge tawa pa more, Meng."
"Hindi kasi yun, sira. Naalala ko kasi talaga nung pagbaba ko ng hagdan."
"Nasilaw ka sa kagwapuhan ko? Anong konek sa tanong ko?"
"Ay wow. Wag na lang."
"Di na, hindi na. Sige na kwento na." (Shifts in seat, faces her)

"Ayun na nga. Kasi yung pagbaba ko talaga ng hagdan, sobrang nauutot talaga ako. Totoo yun."
"PFFT. HAHAHAHAHAHAHA!"
"Tatawa ka ba o I'll forever hold my silence?"
(A acts as if to zip his mouth)
"Tapos, muntik ko na sabihin kina Ate pat na nababanyo ako. Kasi feeling ko may sasama talaga pag nautot ak- huy itawa mo na yan sasabog ka na."
"AHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" (Pilipit na kakatawa)
"Okay na? Pwede na ituloy?"
"Haha-oo sige na go on-haha grabe!!"
"So ayun nga. Sobrang tense nako, kaya bumaba na lang ako para to get things over. Tas pagbaba ko, nasilip na kita from the stairs."
"Tapos?"
"......"
"Ayun, yun na yung sagot sa tanong mo."
"Ha? Magulo. Please expound."
"Pag inexpound ko, magfefeeling pogi ka na naman."
"Dali na Meng, daya mo naman eh. Tunaw na yung ice cream di mo pa nasasagot."
*sigh* "Yun nga yung sagot. Nung nakita kita pagbaba ko ng hagdan."

"Anong special dun? Mas kinilig ka dun kesa Tamang Panahon?"
"Yung tingin mo nun. Yun yung special."
"Dahiilll?" (Grins widely)
"Kasi... Para kang..alam mo yung...parang bulag na nakakita for the first time. Anlaki ng ngiti mo."
"Aaahh. Go on."
<*blushing furiously*> "Kasi alam ko naman na gwapo ka nga *rolls eyes*, pero nung nakita kita dun, iba yung dating. Noon lang ako nakakita ng taong sobrang naamaze na makita ako. Never seen anything like it."
"Alam mo kung bakit?"
"Ano?"
"Kasi nga tama ka- I've never seen anyone like you before."
"Yassss banat of the day."
"No, hindi yun banat."
"?"
"Nicomaine, five years in this industry and lahat ng nakatrabaho ko, magaganda. I don't deny that."
"And you found me unique dahil weird ako?"
"No, kasi sa kanilang lahat, ikaw lang ngumingiti ng ganyan."

"Ganito ba?" (Grade 2 smile)
"Haha! Hindi. Yung smile talaga na normal."
"Yung ganito?" (Beams widely)
"Exactly. You want to know kung anong effect niyan sakin?"
"Ano?"
(Grabs M's right hand, places in his chest)
"See? Anong meron?"
"Mabilis. Heartbeat."
"Smile more, Love."
(Pushes him playfully)
"Kilig ka no?"
(Gazes away) "... Oo na. Ako naman magtatanong."
"Hindi ako sasagot hanggang di ka nakatingin sa'kin." (Inches face closer to her)
(Stares back) "Yan na. Tanong: Nagtampo ka ba kasi di ako nakapunta kanina? People were expecting."

"Hindi."
"Weh."
"Nagtatanong ka pa di ka naman maniniwala. Basher ka no?"
"Haha! Kasi naman, bakit daw concert ni Sam Smith napuntahan ko, sa'yo hindi."
"May point."
"Sabi na eh."
"Haha! Hindi! No stop, stop. I really don't."
"...."
"Love, I really appreciate yung video greeting. Maski yung fans. I really do. Pero..."
"Pero ano?"
"Nothing compares to this." (Kisses away ice cream on her lower lip)
"Hoy! Ano yon?!?"
"May dumi!"
"Ewan ko sa'yo Alden!"
"Aray, Alden na daw oh. Love..."

"Pero iba pa din yung nakikita ng Aldubnation. We owe it to them."
"Hmm. Bahala sila maghulaan. Basta masarap yung ice cream."
"Yung galing sa baso o yung sa'kin?"
"Syempre yung iyo. Lasang ano..."
"Lasang what? Ayusin mo!"
"Lasang... Forever."
"Bleh. Waley!"
"Meng... I love you."
(Leans over, kisses the smudged ice cream on the corner of his mouth)
"Tama ka. Lasang forever nga."
~END~

HukayseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon