Author's note:
Ang hirap po sa kalooban pramis.
Ang hirap magsulat habang sabog ang feels ko dahil sa live video feed kanina ng MaiChard habang break nila! Jeskelerd! How do I live?😂
Pero moving on (oha), ito na po ang part three. Still in Alden's POV. Jusko anong oras na, imbis na matulog nako, nagpapakafanney na naman ako. 😂 #BuhayFangirl
At usual disclaimer: LAHAT PO ITO AY KATHANG ISIP LAMANG. Malayo sa katotohanan. Kaya ang funny, ibabaon ko sa hukay!
~AdminGraveyard💀
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Comò, Italia
Dodici maggio
11:38 pmGusto kong lumabas ulit ng kwarto. Baka namali ako.
Si Meng kasi nakahiga sa kama, may manipis na talukbong at katabi si Mommy. Tulog yata siya.
Wala namang problema, kasi di pa humuhupa sinat ni Meng. Ang kaso, sa kama ko siya nakahiga.
Kama.
Ko.Teka may mali eh.
"Mommy? Ano pong problema? Bakit nandito si Meng?" Usisa ko pagkalapit ko sa kanang dalawa. "Wag ka na lang muna maingay RJ, katutulog lang nya eh. Doon tayo sa common room." anyaya ni Mommy. Lumabas muna kami saglit at dumiretso sa common room ng suite namin. Magkasama kasi sina Meng at mommy nya sa room, at may connecting common room naman papunta sa amin ni Sam. Kinuha ko yung phone ko na ichacharge ko sana kasi nalowbat. Plano ko kasi dapat tapusin pakinggan lahat ng kanta for the album, kaso may case at hand. Inilapag ko na lang sa may side table sa tabi ng outlet at sinaksak sa malapit na outlet.
"Nauna kasing umakyat si Meng pagtapos ng dinner nya. Kaso nung gagamitin na namin yung heater nagloko bigla. Sakto namang naka-on pa yung heater kasi lumabas saglit si Leysam. Parating pa lang yung sa Utility para ayusin. Kaya ayun, napilitan tumambay sa kwarto niyo. Pasensya na." paumanhin ni Mommy. "Nako Mommy, ayos lang po yun. Eh buti nga po maigi-igi na pakiramdam niyan eh. Matindi pa yan lamigin kesa sakin. Ayaw kasi mag-gym para hashtag healthy." Biro ko naman. Napailing at nagsmile naman si Mommy bilang sagot. "Taong bahay yan. Masipag yan gumala, pero ayaw niyan ng mga work-out work-out na yan. Nagtataka nga ako bakit siya lang ang payat sa kanilang lima kahit anlalakas naman nilang kumain pare-pareho." kwento naman ni Mommy.
Silence.
Wait.
A moment of epiphany. Nagkukwentuhan ba talaga kami ng Nanay ni Maine? As in si Tita Mary Ann?
Wow.
Sa sobrang awkward ng silence, isang ninenerbyos na ngiti lang ang naisagot ko. Susmaryosep, I was not prepared for this! HashtagYudontknoHowAymPilingRaytNow!
Pero syempre, chill lang. Mahirap na, ngayon pa ba ako mangangatog kung kelan payag naman na sila sa amin ni Meng? Pero iba kasi nung yung si Tatay ang kausap ko. Syempre lalaki sa lalaki yun. Iba pag nanay ang kausap. Kaya chill lang. Para iwas stress, ikinonekta ko yung speaker ng player sa phone ko para may music. Diba sabi nila, music calms people? Kailangan ko yata nito.
Now Playing: SILA by SUD
Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumadaan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman"Bagong kanta mo ba 'yan, RJ?" tanong ni Mommy. "Ah opo. Plan po sana is cover songs para sa next album. Pinapaaral muna sa'kin yung iba tapos pinapapili na lang po kung anong mga gusto. Kaso madami pong songs, twelve lang pwede." sagot ko naman, scrolling through sa playlist again. So far nakakatatlong kanta na.
BINABASA MO ANG
Hukayserye
FanfictionA collection of one-shots insipred by Aldub/Maichard. Babala: Ang funny, isasama ko sa Hukay! ~AdminGraveyard