TWELVE TRACKS: INSTANT HEATER

448 11 0
                                    

Author's note:

Kamusta ang Maichard Sepanx natin guys? Huhuhuhu kulang nako sa kilig-ness sa kanila 😭 . Mantakin niyong three weeks natin tong titiisin? Pero kaya yan friends! Kapit lang! Pordalab!😂

Anyways, habang bumalik na muna ang iba sa realidad ng buhay (trabaho, pamilya, etc.), naisipan kong gumawa muna ng part 2 for this story. From here onwards, POV ni RJ ang lahat. Sana magtuloy-tuloy ang sipag ko.😂

So ayun, go on and read. Sana matuwa kayo kahit papano. And as always: Lahat po ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakatulad sa mga totoong tao, lugar at pangyayari ay sadyang nagkataon lang. ANG FUNNY IHUHULOG KO SA HUKAY! 😂

-Admin Graveyard 💀

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Comò, Italia
12:00nn

Day three ng shoot at not feeling well parin si Meng. If there's one thing na pinagkapareho talaga namin, yun ay ang pagiging sakitin naming dalawa. Maambunan lang, sisipunin na agad. Konting shift lang ng temperatura, sobra na kung lamigin. Pero sakin, mabilis akong gumaling, thank heavens dahil sa daily exercise. But Meng is a different case. She doesn't work out, she rolls her eyes at me kapag sinasabihan ko sya to cut down on processed foods, at malayo sya sa healthy living. So you get the picture kung bakit medyo matagal ang down time nya pag may sakit.

Yun na nga. People found our pictures off cam wherein she was wearing my jacket. We were waiting for the next scene kasi that time, and Ms. Jenny was reminding us of our blocking when I noticed her clutching at the hem of her jacket.

"Huy, nilalamig ka pa rin?" I asked, grabbing her hand and what the hell, parang nilagay sa freezer yung kamay niya. She just shook her head and said, "Kaya pa." This time, ako naman yung napailing. There's no arguing with Maine, at proven na iyon. One time may shoot ako for an ad na natapos ng 2am, and I lost it when I learned na pinilit nya pa si Mama Ten na wag sabihin sa'kin na she was waiting. Hindi ko naman nagawang magalit sa kanya (well, paano ka magagalit when you practically see her peaceful sleeping form inside your van?), kaya I know this time, all I could do was to keep her comfy.

"Suotin mo. Nangangatal ka na, susmaryosep." I pointed out as I zipped up the jacket. "Thank you," she said with a sniffle. At that moment, Mommy tugged at the sleeves of the jacket and faced me. "RJ, nilalamig pa? Nako salamat sa jacket. Ilang layers narin 'tong suot mo Menggay, sigurado kang ayos ka pa?" Mommy asked her. Again, Maine just nodded and gave her previous reply. For a moment, nagkatinginan kami ni Mommy at nagtaka ako kung bakit parang amused na amused ang hitsura nya. I shrugged it off and smiled at her instead.

Alright. Kanina pa'ko Mommy ng Mommy. Well, you see... medyo nakasanayan na rin. I was resolved on calling Tita Mary Ann as 'Tita', but she insisted otherwise. If my memory serves me right, ang sabi nya, 'Nako Alden, para quits na tayo, tatawagin kitang RJ, at Mommy naman itawag mo sa'kin. Wala tayo sa harap ng camera ngayon.' Kung kailan yun nagsimula, bale, bahala na kayong humula at magSOCO.

Natapos namin ang dalawang scenes ng maayos, at medyo nabawasan narin ang ngatal ni Meng. Buti na lang at nag announce ng one hour break si Direk. I grabbed the chance to pull her away to the side, at tumambay panandalian sa ledge near the lake.

"RJ, share tayo." she offered, habang ibinabalot yung gray scarf sa leeg naming dalawa. Nasabi ko na dati diba? How I appreciate Meng's small gestures? Well, ito ang isang example. "Di maganda weather. Malamig tapos maulan. Nubayern." she said, stuffing her hands inside her jacket. I tried to stifle a yawn pero wala, tanghaling tapat inaantok ako. "Umuulan ulit. Ayos diba?" I said, looking out into the overcast sky above. Maine didn't reply, instead, she turned around and leaned forward into the ledge, taking a look into the equally gray waters below. I followed suit. "Bakit palaging may ulan pag may milestone sa buhay natin? Blessing? Tapos pag naambunan pareho tayong magkakasakit. Ang ironic lang." She asked with a grin, leaning close to my side. I resisted the urge to loop my arms around her. "Ganun talaga. Blessing in disguise yon pag nagkakasakit tayo. Kasi naaalagaan natin isa't-isa. Diba nga nung shoot for MBL-" I was cut off as she covered my mouth with her clammy hand. "Ssshh. Marami pang fans o. Mamaya niyan..." She warned, pointing to the line of fans nearby the crew. I grinned widely at the memory na ayaw niyang sabihin ko out loud.

To steer the conversation to another topic, kinuha ko na lang yung phone ko from my pocket and plugged the earphones. I was stalled from listening to the rest of the possible tracks to be included sa next album dahil sa shoot, kaya I took the chance to browse through the playlist again.

Now playing: GEMINI by SPONGECOLA

Come a little closer flicker in flight
We'll have about an inch space but I'm here
I can breathe in what you breathe out

Ah, memorable sakin 'tong kantang 'to. Bukod sa sikat at paborito ko ang Sponge during early 2000's, this song's MV reminds me of Romeo and Juliet. Yung magsyotang suicidal.

Teka.

Gemini.

Romeo and Juliet?

Comò, Italy?

Wow, wala na bang isasakto pa yung lyrics at timing nung kanta?

Maine coughed and cleared her throat. She started rubbing her hands together, hoping for additional warmth from the friction. She seemed taken aback nung kinuha ko yung isang kamay niya and rubbed it in between mine. Sasamantalahin ko na 'to, habang busy pa sila at nakatalikod kami.

Let me know if I'm doing this right
Let me know if my grips too tight
Let me know if I can stay all of my life
Let me know if dreams can come true
Let me know if this one's yours too
Coz I see it (Oh...)
And I feel it right here
And I feel you right here

Ay nakalimutan ko. Sinuggest kong isama 'tong Gemini kasi this song reminded me of the Tamang Panahon. That was so extraordinary, sobrang magical, na hanggang ngayon, it's still in the top five of my top ten favorite Richard Faulkerson Jr. moments. Yes, my personal favorite, especially the waltz part. Kasi doon, for the first time in my adult life, amidst all the praises I've received for my talent and looks, I felt so unsure. Ni hindi ko alam kung paanong twirl ang gagawin ko sa kanya as we danced, o kung gagalaw pa ba ako o tititigan na lang siya. I wondered if everything I was doing- from the moment I saw her up until that time, was alright with her.

Because for the first time, everything felt right for me, and I wanted every moment to last forever.

The vacuous night steps aside
To give meaning to
Gemini's dreaming
The moon on it's back and the seemingly
Veiled room's lit
By the same star

"Masaya ka ba, Meng?" Tanong ko sa kanya as I played with her clammy hand. She snorted and replied, "Oo naman. Palagi. Basta ikaw kasama." At susmaryosep, parang mapupunit yata pisngi ko sa lawak ng ngiti ko. "Ikaw, masaya ka ba na nasa Italy tayo?" Tanong nya pabalik. "Oo naman. Mas gusto ko rin 'to minsan. Yung ganitong malayo. Malayo tayo sa kanila," I pointed at the horizon in front of us, "Malayo sa kanila, pero ikaw mas mapapalapit sa'kin." I mumbled. At dahil iba ang reflexes ng babaeng ito, isang mahinang tulak na naman ang natanggap ko.

"Corny mo, muset."
"Eh love mo naman."
"Shhh- Nay!"

Napabalikwas kaming dalawa nung lumapit si Mommy. "Minsan masarap din ang malamig na klima, ano RJ?" tanong ni Mommy sa akin. Kung anong ikinaputla ni Meng eh siya namang ikinapula ko ngayon. Nakakahiya juskolord. "Nay, masarap talaga pag malamig ang panahon, amin na nga kamay mo," salo naman ni Meng sabay abot ng kamay ng mommy nya, "diba? Instant heater!"

Napatawa si Mommy. "Loko kayo ha, baka mamaya kung saan mapunta yang instant heater na yan 'pag wala ako?" Sabi niya sabay taas ng kilay sa amin. This time, ako naman ang nag-assure. "Mommy, hanggang kamay lang po yung instant heater pramis." I said, raising my hand halfway up as a sign of it. Kahit naman makulit ako, I know my limits, especially kapag nandyan ang family niya. Tiis muna sa holding hands.

For now.

Maya-maya pa, tinawag na kami ulit to resume the shoot. This time, sabay na kukunan yung scene namin wherein there's this old Italian man na nagbebenta ng isang vintage bag sa street. And then-

Oops. I invoke my right to against self-incrimination. Basta maganda tong scene na 'to. Isa din 'to sa inabangan namin nung nagstory con kami. Basta abangan niyo. Anyways, naputol na naman ako sa playlist. Will continue this later, and perhaps get Meng's opinions kung ano pang magandang gawan ng cover.

Later!

(END OF PART TWO)

HukayseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon