SUPPLIES

434 20 0
                                    

5:00 am, PST

(Phone rings)

"Love ang aga moooo manggising."
"Nicomaine."
"Hmm? Nagbreakfast ka na ba? Happy 37th Weeksary!"
"Nicomaine. Nasaan yung medallion na bigay ko sa'yo?"
"Nasa bag ko. Bakit?"
"Can you wear it today please?"
"Basta. Wala lang."
"Eh pano pag pinaalis mamaya? Lagi ko naman gusto isuot yun eh."
"Sige na. Ako bahala. Basta isuot mo lang."
"Bat mo naisipan yan?"
"Basta ngaaaaa."
"RJ, praning ka no? Dahil sa hula ni ate. Kahapon?"
"...."
"Bingo. Hahaha!"
"Maine naman, wag mo na mang-asar. Suotin mo na lang please?"

"Nakakaloka. Naniniwala ka pala sa hula? Diba sabi mo dati only God can tell what's in store for us?"
"Wala naman mawawala kung mag-iingat. Syempre alam kong si Lord lang may hawak ng kapalaran natin."
"Oo na sige na, sige na."
"Promise? Checheck ko yan mamaya. Happy 37h! Love you!"

<<11:30 am, Broadway Centrum>>

(A looks over to M, who was about to have her lunch)

"Nagkakandahaba na naman yang leeg mo Alden. Tabihan mo na."
"Kuya Wally, naniniwala ka ba sa hula?"
"Ayun, kaya pala parang binabad sa suka yang mukha mo. Kulubot sa pag-aalala! Alam mo, madasalin ka namang tao, malakas ka sa itaas. Walang hindi nakakayanan ang dasal."
"Oo nga po kuya. Mas naniniwala po ako doon. Kaya lang minsan, mapamahiin din po ako eh."
(Places down his plate and utensils)

"Hmm. Sabagay. Pero alam mo, sa amin kasi sa Naga, sikat din yang hula-hula tsaka
pangkukulam. Di nga lang kasing tindi sa Siquijor. May naalala ako dating hula sa akin."
"Ano yun Kuya?"
"Kasi may kagrupo ako sa teatro dati. Tubong Siquijor yun. Teenager pa'ko nun eh, tapos isang araw, natripan nya basahin yung palad namin after ng isang play."
"Anong sabi?"
"Nung sa'kin, ang sabi eh malubak na daan daw ang tatahakin ng buhay ko. Maraming pagsubok. Marami akong makikilala, at marami ding aalis. Pero may isang taong hindi aayaw."
"?"
"Sino pa ba, edi yung misis ko. Ika nga nila, everything else was history."
"Ah... Kuya, tingin mo ano... Kami ni Meng-"

"Bakit, may iba ka ba?"
"Kuya naman. Alam mo na nga yun eh."
"Oh, bakit, sa lagay mong yan tingin mo aabot ka pa miski hanggang 2018?"
"Parang di na nga Kuya, eh."

"At may family planning pa ha! Pareho talaga kayo ng likaw nun (points his lips towards M's direction) sabi ba naman tatlong anak din gusto?"
"HAHAHA! Malay mo kuya... Eh pero, nag-aalala talaga ako eh."
"Saan? Dun sa maaaksidente daw siya?"
"Opo. Kasi naman, naaalala ko yung humiga sya sa kabaong, tapos nagkasakit pagtapos. Di ko na alam." (Scratches his nape)
"Alden, sabi nga ni Zenaida Seva dati, 'Ang mga bituin ay gabay lamang. Hindi nito hawak ang iyong kapalaran'. Alam mo kung anong surebol na combo? Okay, maniwala sa hula at mag-ingat, pero magdasal. Sobrang daming dasal. Dasal lang, dasal lang talaga."
(Sigh) "Tama siguro si Meng, praning talaga ako minsan."
"At sabi nga ni Ariel Rivera, dahil ang minsan ay magpakailanman! Ganun ang level mo ng worry!"
"Grabe ka sa'kin kuya, di ba pwedeng-"
"Oo na oo na! Mahal mo lang talaga! O sya dun ka na't magliligpit pa kami ng pinagkainan!"
(Hugs Wally briefly) "Bye kuya!"

"Lalim yata ng usap niyo ni Kuya Wally ah."
"Wala. 'La lang yun. May napag-usapan lang."
"Ahh."
"Teka, nasaan na yung medallion mo?"
(Shows the pendant) "Ito na po, Master."
(Pats her head) "Good job."

(Phone rings)
"Hello? Hello, Tay? Opo kakatapos lang po kumain. Si RJ po? Ay teka baka po nakapatay yung phone, bigay ko po sa kanya."
"Love kausapin ka raw ni Tatay."
(Grins widely) "Hello po, Tay? Goodafternoon po...Opo...ganun nga po sana, kung ayos lang po sa inyo? Opo...pasensya na po talaga sa abala...TALAGA PO?"
(Nudges his side and whispers) "Huy, ano yan Tisoy?"
(Waves his hand dismissively)
"Nako sobrang Thank You po, Tay! Sobrang thank you! Ah, sige po...opo...salamat po talaga. Ingat din po kayo. Bye po!"
(Ends call)
"So talagang pinatay mo pa phone mo ngayon? Pano pag may emergency ka?"
"Walaaa. Saka alam naman nina Dad na pwede akong mareach through your phone."
"So ano ako, Customer Service hotline, genoin?"

"Hinde. Fiancee."

"SSSHH! Pag narinig tayo iuuntog kita."
"Luh, grabe sya! Pwede pag inuntog mo'ko, sa lips mo na lang?" (Wiggles brows)
"Heh! Wag mo'ko idistract! Anong sinabi sa'yo ni Tatay?"
"Seeecreeet. Sikretong malupet."
"Aba, hoy Alden-"
"Basta, malalaman mo rin."

"Den, Meng, salang na kayo in five ha. Standby na!"
"Thanks Reezabels!"

<<2:00pm, Kalyeserye segment, Broadway Centrum>>

(After answering random questions from Dabarkads in studio and Twitter)

"Uh, Maine, natatandaan mo ba yung promise ko sa'yo nung birthday mo?"
"Alin dun? Yung letter 'E'?"
(Audience screams)
"Haha! Excited lang? De, di muna yun. Diba promise ko sa'yo kahit nasaan ka pa, pupuntahan kita. At hindi kita iiwan."
(Audience goes ballistic)
"Oo. Haha. Naalala ko nga. Anong meron? Nako ha may pasabog ka na naman no?" (Playfully slaps his arm)
"Haha. Mamaya. Malalaman mo rin, for your eyes only talaga."
(Audience: "I-SHARE NA YAN! I-SHARE NA YAN!")

"Hoy nakakarami na kayo niyang For your eyes only na yan ha!"
"Miss A naman, secret na lang!"
"Secret secret, eh naso-SOCO naman kayo! Tago pa more!"
"Basta po. Surprise ko na kay Meng yun. Happy 37th weeksary!"
"Happy weeksary din, kahit naiintriga na naman ako!"

(HONK HONK HOOOOONK!)

<<7:00pm, Bulacan>>

"Ate, ba't nakaayos yung guest room? Dadalaw ba sina Tita?"
(Clears throat) "Ah, ay oo. Nakalimutan ko sabihin sa'yo. Bibisita daw sila Tita kasi may proposal daw na bagong project kay Tatay."
"Ah. Sige tulog na'ko."
"WAG! I mean, wag ka muna matulog. Kasi sabi ni Tita, ngayon daw siya dadating."
"Ano? Ba't ang aga?"

(Doorbell rings)

"Hindi nagdala ng sasakyan si Tita?"
(Ate Nikki shrugs, pushes Meng towards the main door out to the gate, rushes back in and shouts)
"Ikaw na sumalubong!"
(M opens gate)

"...."
"SUPPLIES!"
"HUY ANONG GINAGAWA MO DITO? BA'T ANDAMI MONG DALA? TEKA DI PA'KO NAGSASABI KINA TATAY-"
"Oh hijo, RJ. Andyan ka na pala. Pasok na sa loob."
"Tay? Ano po to? Akala ko po sina Tita-"
"Nak, nagpaalam siya ng maayos."
"TAY? SERYOSO? HOMAYGAD! Hoy, ano to, June to August pa yun, March pa lang! At paano ka nagpunta dito?"
"Daig ng maagap ang masikap. Nagcommute ako."
"Basta RJ, sa guest room ka lang ha. GUEST ROOM. Hindi Meng's Room. Ayoko ng aksidenteng magdadala sa atin sa Delivery Room!"
"Opo Tay, thank you!"
"HALA?! TAY!"
"Nak, minsan ayos din maniwala sa hula."

~END~

HukayseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon