TWELVE TRACKS: BLANKETS AND WINE

572 23 1
                                    


Author's Note:

Teka hihinga lang ako. Hooooooo! Maygad andaming ganap sa Maichard. Sa wakas nakauwi na sila from Italia. Pero hindi nagtatapos doon ang kiligan. Dahil marami silang baong stories na kakaiba. At marami silang ginawa doon na hindi natin alam kung ano. We can only make hukay. 😂

Pero goodness gracious great balls of fire, may upcoming album na pala talaga si Alden. Happy for you paps! 😭👏 at bilang pagremind sa mga tao na tangkilikin ang iyong album, huhukay na naman tayo today! At katulad ng mga past HS, this one''s in Alden's POV however sa dulo may isang ibang POV.
And also, feel free to listen/watch the vid above for the feels.

As always mga kapanaligs, purely fictional ang lahat ng nasusulat. ANG MANIWALA AY EWAN KO SA INYO. 😂
~Admin Graveyard💀
======================================

Ang tao raw, kalahating kasiyahan, one fourth na kalungkutan, at one fourth na nerbyos. Hindi daw dapat nagpapantay ang lahat ng emosyon ng tao sa araw-araw dahil walang ganoong balanse sa chemical reactions at hormones ng katawan ng tao. Kaya may lalamang at lalamang talagang emosyon mo every day. Pero pinaka-ideal na laging mas mataas ang level ng happiness mo para makafunction ka sa society.

Sa lagay ko ngayon, malayo ako sa ideal.

"Hijo, teka kukuha muna ako ng tubig." Halos gumabay si Tita Mary Ann sa high chair na malapit sa bintana ng common room. Hindi ko alam kung dadaluhan ko muna si Tita Mary Ann na namumutla o kakaltukan ko yung sarili ko dahil hindi talaga ako marunong mang-orient. Pero sa huli pinili ko ang nauna. "Tita umupo lang muna po kayo, ako na po." Sabi ko at dali-daling tumakbo sa mini ref ng kwarto ko. Kung nakikita niyo ang lagay ko Aldubnation, baka tanggalin niyo ang titulong Pambansang Bae sa ulo ko at palitan ng Epic Fail King.

"Tita, ito na po." sabi ko sabay abot ng bote ng mineral water kay Tita Mary Ann. Mukhang naging okay naman na sya pagkainom, at nagkakulay na ang mukha. Matapos takpan ulit ang bote binaling ni Tita ang tingin sa akin. "Hijo. Ipaintindi mo nga sa akin. Tama ako ng narinig kanina sa sinabi mo diba? Hindi pa naman ako bingi. Tama?" Tanong nya, isang kamay sa dibdib at pinapakalma parin ang sarili. Napakamot ako sa batok ko, at ramdam ko na naman ang tenga kong umiinit.

"Opo. Tama po yung narinig niyo. Ngayon na po yun." Sagot ko na di makatingin. Aba maganda ang pattern ng carpet.

"Hindi na ba makakapaghintay yan sa Pilipinas, RJ?" Nag-aalalang tanong ni Tita. Napabuntong-hininga ako. Umiling na lang ako bilang sagot. Napabuntong-hininga rin si Tita. "Sabagay. Alam ko naman na yan eh. Nung sinabi mo pa lang na sana makasama ako dito sa inyo sa Como, may kutob na ako eh. Pero RJ, baka naman makakapaghintay pa yan hanggang sa June. Hanggang sa makauwi lang tayo." Mahinahong tanong ni Tita ulit sa akin. Natahimik ako.

Tanong ko rin yan sa sarili ko. Hindi na ba talaga makakapaghintay? Baka pwedeng ipostpone nga naman, RJ. Wala kang galang.

Pasensyoso naman talaga akong tao. Nung minsang pinaghintay ako ni Riza after ng event ng org nila dati sa Tanauan, katatapos lang ng isang shoot ko noon for Ilustrado. Ginawa akong P.A at driver, pero dahil naintindihan kong may rason yung paghihintay ko kaya ayos lang. Baka ganun din this time. Baka dapat hintayin kong makauwi man lang kami, at yung kumpleto naman.

Pero RJ, bulong ng isang boses sa likod ng isip ko, hindi ba...nakauwi ka na?

"Tita. Sorry po talaga. Pero kasi po...matagal na rin akong naghintay. Hindi pa naman po 'ito' yun eh, yung simula pa lang po. Yung bagay na yun, sisiguraduhin ko pong sa harap niyo ni Tatay ko gagawin." Sagot ko, alanganin pero totoo. Pinagsalikop ni Tita ang mga kamay niya at ipinatong sa tuhod nya. "Diyos ko Alden, sana man lang isinama mo dito ang Daddy mo para may karamay ako! Nakakaloka ka!" Pabiro niyang sabi, at  mabilis na pinalis ang nangingilid na luha sa kanang mata niya. Good job Alden Richards, pinaiyak mo pa si Tita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HukayseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon