NORTH

291 9 1
                                    

5:24 am

"Alam mo, kung may award for being the Most Attentive BF ever, ikaw na first honor."

"Haha! Bakit, yung BF ba na yan eh BestFriend or..."

"Tigilan mo nga ako. Di yun yung point ko. What I meant was sobrang attentive mo, memorized mo na yata lahat ng blog entries ko."

"Talaga ba? Parang di naman."

"Stargazing. Picnic. Wine. Hoy Mr. Alden Richards, memoryado mo nga."

"I was trying to be your Landon Carter, even just for a night."

*sigh* "Yan tayo eh, kung hindi mala-Romeo and Juliet ang setup natin, Landon-Jamie naman. Di naman tayo mahilig sa mga star-crossed love stories ano? Baka naman mamaya niyan ang ending eh-"

"Nicomaine."
"Ano?"

"I know what you're thinking about, and I'm telling you, yung traits lang. Hindi pati tragic ending. Never gonna happen. Walang ending to."

"To naman. Syempre alam ko yun. Pero di mo naman maiaalis sakin mag-isip ng mga bagay minsan."

"Tulad ng?"

"Tulad ng kung may isang star kang hihingian ng wish, na maging tuloy-tuloy na lahat, mabibigay nya kaya yun? Kasi I still believe in wishing on falling stars, pero as I grew older, feeling ko kaya hindi natutupad yung wish ko kasi sa bituing nalalaglag ako nagwiwish."

"Ah. May solusyon tayo diyan."
"Wow ambilis ah. Prepared ka talaga!"
"Hindi. Eto. (Opens up google)"
"Ano yan?"

"Sabi mo diba gusto mo ng star na tutupad ng wish mo na hindi nalalaglag? Ayan nga oh."
"Anong star yan?"

"Polaris. Most commonly known as the Northern Star. Yan ang reference point ng lahat ng location ng stars sa North Pole kasi hindi yan gumagalaw. Steady lang."

"Wow."
"May kasabihan sa old ages, na kapag nawawala ka raw sa gabi anywhere in the world, hanapin mo lang daw yan and start finding your way from there. Kaya yung mga travellers noon, madali silang nakaka-navigate, lalo na mga nasa dagat."

"Ay ang galing. Ehdi ikaw na lang Polaris ko."
"Huh?"
"Kasi biruin mo, anlayo naman natin sa isa't-isa, pero nagkita parin tayo. Hindi ka nagbabago. Consistent ka. Kahit nasaan ako, kapag di ko na alam kung saan ako pupunta, ikaw lang hahanapin ko. Where you are is where I should be. Kaya ikaw ang Northern Star ko."
"Love you, my North Pole."

HukayseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon