8pm, PST, Facetime
"Loooovveee! Congraaats!"
"Meng! Thank you! Teka sandali-"
"ATE HUHUHU MISS YOU NA!"
"Riz! OMG! So happy for you! Finally!"
"Ate thank you! Kuya mamaya ka na, ngayon lang kami maguusap ni Ate Meng eh!"
"Haha! Ilayo mo muna yung phone para machika mo'ko genoin!"
"Kuya, peram muna ng phone! Mamaya ka na maglambing kay Ate!"
"Hahaha! 'Yaan mo muna kuya mo, update mo muna ko sa graduation."
"Ate, ang gaan sa feeling! As in super, after ilang years sa wakas. Diploma na. Pero pinakawinner itsura ni kuya kanina eh."
"Oh anong ganap?"
"Bukod sa muntik magmukhang mall tour kanina, priceless itsura ni kuya. Maiiiyak na ewan."
"Syempre Riz, sobrang laking achievement yun sa part nya. Biruin mo, nakapagpatapos siya ng isang kapatid.""Oo naman ate, sobrang thankful ako kay Kuya. Sobra. Time na para ako naman ang tumulong. Para magkaron nadin naman siya ng time sa sarili niya. Sa inyong dalawa."
"Ayuuun. Pero alam mo ba, gusto ko din makita siya nakatoga. Gusto kong mag-aral siya ulit. Sana..."
"Ate, kung kailangan pingutin pa natin sya para bumalik ng school, tig-isa pa tayong tenga. Tama na yung ako, panahon na para siya naman. Di ko nga lang alam kung uunahin nya yung letter E o yung diploma nya-""Psst huy. Time's up. Ako naman."
"Hay nako ate. Mamaya tawagan na lang kita pag-uwi. Patapos naman na din dinner namin. Thank you ate! Ingats!"
"Bye Riz! Congrats again!"
"Alam mo masamang nagtetelebabad kayong dalawa. Di kayo maawat eh."
"RJ! I am so happy for Rizza! Nakakaiyak!"
"Oo nga eh. Ako rin. Super happy."
"Tisoy, thank you."
"Oh bakit?"
"Kasi hindi ka sumuko. Kay Rizza."
"Paiiyakin mo na naman ako."
"RJ, seryoso. I wasn't there nung nagsisimula ka, but seeing how Rizza is now, I can definitely see how much you've done for her. Bihira na lang ang tulad mo."
"Mas lalo ba 'kong nakakainlove?"
"Oo."(Silence)
"RJ. Can you promise me one thing?"
"Hm?"
"Do whatever it takes para makabalik sa school. Tapusin mo yung degree mo, plith."
"Ginagawan na po ng paraan. Multi-tasking."
"RJ, if it's me you're worried about, don't. Maghihintay ako, sasamahan kita sa lahat. Team nga tayo diba?"
"Eh pano na yung letter E?"
"RJ. Ang edukasyon, mas maiging makuha habang bata pa tayo. Habang mas bata, iimprove natin yung mga nalalaman natin. Yun mismo- bata pa tayo. Marami pang oras. Makakapaghintay yung letter E."
"Okay. Pero ikaw sasama sakin sa Commencement Exercises.""Aynako, ako pa photographer at cheerleader mo when that day comes."
"Di ba pwedeng sabay yung letter E tska letter D for diploma?"
"Hahaha! Loko!"(Background) "Ate, pagsasabayin nya yan! Major in Time Management yan! Tiwala lang!"
"Dun ka nga! Hello Meng? Asar, biglang nang-aagaw ng phone to eh."
"Love, ikaw na double degree holder. Business and Time Management pa more."
"Gagawan ko ng paraan Meng. Promise. Para sa'yo."
"No, Love. Do it for yourself. Do it for your self-fulfillment."
"Nicomaine. Kaya ko. Hintayin mo lang ako."
"Tisoy, matagal na kitang ipinagpray at hinintay. Hindi ako aalis. I'm here to stay."~END~
BINABASA MO ANG
Hukayserye
FanficA collection of one-shots insipred by Aldub/Maichard. Babala: Ang funny, isasama ko sa Hukay! ~AdminGraveyard