8:07 PM, Philippine Standard Time
"Hello?"
"Nicomaine."
"Bakit buo? Hello, love."
"I've read it."
"Ah. The blog post. What about the vids?"
"As always, ang galing."
"Well kasi magaling kang cameraman."
"Nicomaine."
"Hmm?"
"May kwento ako sa'yo."
"Tungkol saan?"
"Sa isang babaeng takot magjetski."
"Pfft. Tuloy."
"May isang babaeng nagpunta sa Boracay. Tapos nagjetski sila nung Better Half niya. Eh kaso ang bagal ng takbo niya, parang batang nag-aaral magbike."
"Grabe. Tapos?"
"Yung better half niya, di mapakali. Kasi gusto niya at full speed na sila, pero di pa kaya nung isa. Kaya ang ginawa niya, pinaangkas nya sa jetski nya."
"Owkaay.""Alam mo ba kung anong nasa isip niya nung habang angkas nya si Better half?"
"Ano?"
"Sabi nya, 'Bilisan ko kaya? Para magulat. Tapos hahahaha.' Kaso, naramdaman niya kung gano kahigpit yung yakap sa kanya nung Better half nya. Kaya, abort mission."
"..."
"Naisip nung lalaki, minsan lang sya kakapit sa kanya ng ganun. Baka nga never in her life pa syang may nakapitan ng ganun. Kaya hindi nya bibigyan ng chance na makabitaw si Better Half. End of story."
(Silence)"RJ?"
"Maine, pwede bang magtanong?"
"Ask away."
"Sa tingin mo ba, yung babae sa kwento ko, bibitiw siya, kahit malaglag sila?"
"RJ, alam mo ba may kwento rin ako sa'yo."
"Madaya. Sagutin mo muna tanong ko."
"Yung kwento ko yung sagot."
"'Ge na nga. Ano?"
"May isang babaeng takot magjetski. Kasi nalaglag na siya noon, at oh so traumatic.""Oh?"
"Tapos isang araw, sinurpresa siya ng Better Half niya na nakatampuhan niya. Niyaya siyang magjetski. Dahil ayaw naman niyang tanggihan ang effort ni Better Half niya, nagjetski sya kahit Afraidy Aguilar na siya."
"Oh tapossss?"
"Tapos dahil alam ng Better Half nya na takot sya, pinaangkas sya dun. Todo kapit sya for dear life. At bwisit, tawang-tawa naman ang Better Half."
"AHAHAHAHA!"
"Tapos naisip nya. Kung hindi sya kakapit, titilapon sya sa dagat at malulunod. Pero kung kakapit naman siya, sa ibang bagay naman siya malulunod. Kaya pumili siya."
"Anong pinili nya?""Pinili niyang malunod ng nakakapit."
(Silence)"Nicomaine."
"Naaaliw ka na masyado sa pangalan ko, RJ."
"Wala, I just love hearing your name, Nicomaine."
"Ano ngaaa ang kuliiitt."
"Wag kang bibitiw sa'kin ha?"
"Never. Pinky Swear."~END~
BINABASA MO ANG
Hukayserye
FanficA collection of one-shots insipred by Aldub/Maichard. Babala: Ang funny, isasama ko sa Hukay! ~AdminGraveyard