DIAMOND JEWELLERY
Dito ako dinala ni Klien matapos ang mahabang kissing scene na naganap sa hallway kanina.
Inikot ko ang aking paningin sa loob ng Diamond Jewellery boutique.
Puro mga singsing ang naka-display dito.
"How can i help you,Sir?"Magalang na bungad sa amin nung saleslady.
Haist!gusto ko tuloy mapairap sa kawalan nang mapansin ko kung gaano kalagkit ang pagkakatingin nya kay Klien.
"Show us a couple ring..yung new collection,new model and the expensive one!"
Ano daw?
"This way po,Sir!"
Tinuro nya ang lalagyan ng maraming kumpol ng white gold ring.
"Sweetheart,what do you think of this?"
May kinuhang isang box si giant at pinakita sa akin.Muntik na akong mapaubo kasi nakuha ng atensyon ko yung presyo na nakakabit sa ring at hindi yung design ng singsing.
Katumbas na yata ng isang painting na likha ko yung presyo?
Oh my god!
Sigurado ba talagang hindi fake yan?Baka mamaya yung diamond nyan ay puwit lang pala ng baso at bahagyang idinikit dyan.
Tsk!
"I don't like it..maghanap ka ng walang diamond.."Maigi na yung sigurado diba?
Marahan namang ibinalik ni Klien sa lalagyan ang box.
"How about this?"
Muli kong sinilip yung presyo na nakakabit doon.
Oh god!makabili na ako ng bahay naming tatlo ni Missy at Manang yung katumbas ng presyo.
Maganda naman sya..simple lang yung design pero hindi talaga nawawala sa isip ko kung gaano ka-expensive ang isang ito.
"Hindi ko type...maghanap ka pa ng iba..."
Napabuga ng hangin si Klien pero agad naman nyang ibinalik sa lalagyan nito ang box ng ring.
Pabalik-balik pa sya habang inisa-isang tingnan yung mga naka-display na singsing.
Samantalang ako?heto sitting pretty...
Sumasakit kasi ang ulo ko sa katatitig ng mga nagkikislapang crystal.
"Try this one sweetheart..."
Mukhang nakahalata na yata si Klien dahil itong huling pinakita nya sa akin ay wala ng tag price.Saglit ko syang tinitigan at nakita ko nga ang pagpipigil nya sa pagngisi.
"What?"Singhal ko sa kanya.
"Nothing...akin na ang kamay mo para masukat mo,but tell me first type mo ba ang design?pakiramdam ko kasi bagay na bagay ito sa daliri mo." Napakagat sya sa kanyang labi matapos magsalita.
"Eh type mo naman pala eh!bakit kailangan mo pang itanong sa akin?" Nakanguso kong tanong. Nagpa-feeling badtrip.
Bahagya syang umupo para magpantay kami.
Then he lift my chin up bago ako hinalikan sa aking labi.Napakurap nalang ako nang pakawalan nya ang aking mga labi.
"Dahil ang gusto ko yung manggaling mismo sa bibig mo na perfect ang mga bagay na ipagkakaloob ko sa'yo." Malambing nyang sinabi.
"Mr Klien Staneil Alfemo...hindi po ako materialistic na tao,at isa pa hindi ko maintindihan kung bakit mo ako binibilhan ng ganitong ka-expensive na singsing...hindi ko gusto na gumagastos ka ng malaki para lang sa akin.." Seryoso kong sabi.
BINABASA MO ANG
When The Coldhearted Beast Awaken
ChickLitMissy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sariling pamilya. Pero..kahit tinalikuran na ako ng lahat ng mga taong pinapahalagahan ko.. I don't fuc...