Chapter 2

40.8K 908 11
                                    

Rein's POV


Pagkatapos kong maisara ang maliit na trolley bag ay saka ko hinarap sina Manang at Missy na kasalukuyang nakatayo sa may likuran ko.

"Baby,Missy..come here..."

Agad ko syang niyakap ng mahigpit nang tuluyan syang makalapit sa akin.

"Momtie..aalis ka na naman ba?"

Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinitigan ko ang kanyang magagandang mata.

Hindi ko alam kung bakit pamilyar sa akin ang mga mata na yan.

Hindi ganito ang mata ni Milly...ang namayapa na nyang ina.

At ang pinakamamahal kong bestfriend.

"Dalawang araw lang akong mawawala,baby...kaya magpakabait ka kay Manang hah?hwag makulit baka lalayasan tayo ng pinakamamahal nating yaya.."

"Always naman akong mabait po eh...at tsaka love na love ko din po si yaya,kayong dalawa po ang love ko Momtie!"

Nag-puppy eyes pa ito kaya mas lalong naging cute sa paningin ko.

Napakurap ako...alam ko na may isang tao na kilala ko kapag gumi-gesture ng ganito si Missy eh!

'Milly..do you hear me?bantayan mo ang anak mo while I'm away,okay?para din ito sa kinabukasan nya kaya hwag kang magtatampo..' Kausap ko sa isip.

"Manang,ikaw na muna ang bahala dito...kung pwede lang sana na ipasama kayo eh di sana-"

"Rein,hijah...hwag kang mag-alala,malaki na si Missy ngayon ka pa ba mag-aalanganin na iwan kaming mag-isa dito?tsaka dalawang araw ka lang naman mawawala.."

Tugon ni Manang habang nakangiti sa akin.

Ewan ko ba,para kasing iba ang pakiramdam ko eh!

Pagkatapos kong yakapin si Missy at Manang ay agad na akong nagpaalam.

Doon kasi kami magtipon-tipon sa Blue Company ngayon para sabay kaming makaalis lahat.

Baguio ang destination namin this time.

*

*

*

After two days..

Excited akong pumasok sa inuupahan naming apartment pagkababa ko pa lamang mula sa taxi.

Grabe!dalawang araw ko lang hindi nakikita si Missy ay para na akong hihimatayin dahil sa pagkasabik na makita sya.

Walang pasok ngayon kaya alam ko nasa bahay lang sila ni Manang.

Hindi kasi pinapasyal ni Manang si Missy kapag nagkataon na hindi nila ako kasama.

Sinalakay ako ng kaba nang katahimikan ng buong bahay ang bumungad sa akin.

"Manang?Missy?I'm home!"

Masigla kong tawag kahit na nga ba ay sinasalakay na ako ng matinding kaba na nagmumula sa aking dibdib.

Iniisip kong pinagtataguan ako ng dalawa kahit naman malinaw para sa akin na hindi nila gawain ang ganoon.

Tutungo na sana ako sa aking kwarto nang mapansin ko ang isang note na nakapatong malapit sa lalagyan ng telepono.

Mabilis ko itong dinampot bago basahin.

'Rein,sundan mo kami sa address na yan.

Hwag kang mag-panic we'll be safe.

ALFEMO RESIDENCE.'

When The Coldhearted Beast Awaken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon