Rein's POV
It's past nine o'clock in the evening pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Panay ang tawag sa akin ni Mom at Manang kanina para kamustahin ako dahil sobra na daw silang nag-aalala sa akin sa hindi ko pag-uwi sa bahay.
Gustong-gusto kong sabihin kay Manang ang tungkol sa kalagayan ko ngayon pero nagdadalawang-isip parin ako.
At si Mom?heto at binabalot na naman ako ng guilt dahil sa naging kalagayan ko.
Anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanila sa kabila ng nangyari sa amin ni Klien?
I'm pregnant pero tuluyan na akong kinalimutan ni Klien.
Okay...ako na yung kawawa!
Buntis na nga kahit wala pang asawa...dagdag pa dahil magiging jobless na naman ako.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang tumunog ang message alert tone ng phone ko.
Tamad kong binuksan ang message para basahin.Pero halos mahulog na ako mula sa kama nang bigla akong mapabalikwas ng bangon.
Message from giant my love...
'Hihintayin kita sa Alfemo Hotel,room 101'
Oh god!
Kung hindi lang sana ako buntis?baka nagtatalon na ako dito dahil sa sobrang tuwa.
Pag-aari ni giant ang Alfemo Hotel.Minsan na nya akong dinala doon kaya alam ko na kung saan iyon.
Haist!sapat na ang katotohanan na magkikita kami ni giant ngayon para magkaroon ako ng panibagong lakas.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay patakbo na akong lumabas para tunguhin ang aking motorbike.
*
*
*
Pagkapasok ko sa loob ng Alfemo Hotel ay may mga iilang staff din na nakakakilala sa akin.Tinanong ko sa receptionist kung saang banda ang room 101.
Sabi nya nasa first floor tapos kumanan daw ako. Kaagad ko namang sinunod ang sinabi ng receptionist.
Huminga muna ako ng malalim at kinompose ang sarili bago ko naisipang pihitin yung doorknob nang mapatapat ako sa nasabing room.
"Giant I'm here-"
Napako ako sa kinatatayuan nang lumipad sa ibabaw ng kama ang aking paningin.
Ang ngiti na nakaukit sa aking labi ay unti-unting nawala.
Ang excitement na namumuo sa aking puso ay napalitan ng pagkagulat.
Kung pwede lang sanang pakiusapan yung tiled na sahig para bumukas at lamunin ako mula sa kinatatayuan ko ngayon ay di sana ginawa ko na.
Ang isang butil na luha ay naging sunod-sunod na sa paglandas mula sa aking mga mata.
No!no!
It must be a nightmare!
Pero anuman ang gawin kong pagkurap..
Anuman ang gawin kong pagpikit..
Sa pagdilat ko ay ang katotohanang nakalantad sa harapan ko ngayon ang nasisilayan ko.
Klien in his half naked body...hindi ko alam kung may pang-ibabang saplot ba sya dahil nakabalot ng kumot ang pang-ibabang katawan nya.
And beside him...isang babae na nakadapa na wala man lang ni isang saplot sa katawan.She's a totally naked!
BINABASA MO ANG
When The Coldhearted Beast Awaken
ChickLitMissy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sariling pamilya. Pero..kahit tinalikuran na ako ng lahat ng mga taong pinapahalagahan ko.. I don't fuc...