Klien's POV
Kanina na ako nakatitig sa mga tambak na papeles na nakapatong dito sa library table ko pero ni isa ay wala pa akong nasimulan na pirmahan.
Paano naman kasi..nadi-distract ako sa isiping makakasama ko sa pagtulog ang babaeng halos ilang linggo na nagpapagulo sa aking isipan ngayong gabi.
Napa-facepalm nalang ako at muling inilapag ang hawak kong ballpen.
No choice...
Kailangan ko ng pumanhik sa kwarto ko kahit pa nga ba na its too early pa para sa akin ang matulog.
*
*
Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob ng aking silid.Dumiretso ang aking paningin sa ibabaw ng kama na kung saan ay mahimbing na natutulog si Rein.
Balot na balot sya ng kumot na tanging ulo lang nya ang nakalabas habang nakatagilid ng higa.
Sumilay ang pilyong ngiti mula sa aking labi bago napailing.
Kung ang ibang mga babae na dumidikit sa akin ay halos maghubad na sa harapan ko para lamang mapansin ko.
Pero itong si Rein kung iisiping mabuti parang hindi pa nagkaroon ng anak kapag kumilos.
Halata kasi na parang naiilang sya at laging dumidistansya sa akin.
Look now,talagang pinaramdam nya sa akin na wala syang ka'inte-interest na makakatabi nya ako sa pagtulog ngayon.
Marahan akong sumampa sa kama at inangat ang kalahating kumot.
Napakunot ang aking noo nang mahipo ng aking kamay ang mahabang unan na ginawang pangharang sa gitna ng kama.
Marahas kong tinanggal ang unan at nilagay sa tabi..humiga ako at umusog sa pwesto ni Rein.
Ipinulupot ko ang aking kamay sa kanyang katawan.Biglang bumigat ang aking paghinga nang yakapin ko sya mula sa likuran.
Shit!naramdaman ko kaagad ang pagkabuhay ng halimaw na nakatago sa loob ng boxer ko.
Grabe talaga ang epekto ng babaeng ito sa akin ah!
Amoy pa lang nya ay naghaharumintado na ang buong kalamnan ko dahil sa biglang pagdaloy ng init na nararamdaman ng aking katawan ngayon.
Bigla akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at mabilis na umahon sa kama.
Hindi ko na kasi kayang pigilan ang halimaw na nagwawala sa ibaba..kailangan ko muna syang pakalmahin kaya mabilis ko ng tinungo ang bathroom.
Pahamak! istorbo talaga sa pagmo-moment ko eh,noh?
*
*
Kailangan ko ba talagang pasalamatan ang ama ni Missy dahil sa ginawa nyang pag-iwan kay Rein?
Dahil kung hindi nya ginawa iyon?baka hindi ko natagpuan ang babaeng ito na mahimbing na natutulog sa tabi ko ngayon.
Sa pagkakataong ito ay nakatihaya na sya ng higa kaya malaya kong pinagmamasdan ang kanyang innocent and angelic face.
Marahan kong pinadaanan ng aking daliri ang makinis nyang mukha..
Beautiful...
Dinampian ko muna sya ng halik sa kanyang noo bago ako nagpasyang matulog.
"Goodnight,sweetheart..."
Bulong ko sa kanya bago ko iniyakap ang aking kabilang braso sa ibabaw ng kanyang tyan.
BINABASA MO ANG
When The Coldhearted Beast Awaken
Literatura KobiecaMissy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sariling pamilya. Pero..kahit tinalikuran na ako ng lahat ng mga taong pinapahalagahan ko.. I don't fuc...