Marahan kong binuksan ang pintuan ng aming apartment pagdating ko.
The last time i came here noong galing ako ng Baguio at nadatnan ko nalang na blangko na ang aming bahay.
And it was three days ago..
Every six months payment kasi ang ginagawa kong pangbayad sa upa nitong tinitarahan naming apartment kaya naman kahit walang tao ay hindi parin magawa nung may-ari na ipaupa sa iba.
Tumuloy ako sa loob ng aking kwarto.Napangiti nalang ako nang makita ang trolley bag na dala ko noong pag-alis ko.
Atleast naman ay may mga gamit akong naiwan dito sa loob ng bahay.
Binuksan ko ang trolley bag para kunin yung mga damit ko sa loob.Kailangan ko pa kasing labahan ang mga iyon.
Wala namang problema kasi matutuyo din naman ito kaagad dahil mayroon naman kaming dryer kahit papano.
Nang maisalang ko sa loob ng washing machine ang mga damit ko ay naisipan ko nalang na linisin ang buong bahay.
Pagod akong napaupo sa mahabang sofa pagkatapos kong maglinis.
Naisipan ko nalang tawagan si Manang para ipaalam dito na hindi ako makakauwi.
Sasabihin ko nalang na may importante akong gagawin.
Pagkatapos kong kausapin si Manang ay muli kong tinungo ang laundry room.Inilagay ko sa dryer yung mga damit ko bago ako bumalik sa sala para magpahinga.
Binuksan ko muna ang television bago ako nahiga sa mahabang sofa.
Grabe,ngayon lang yata ako nagkaroon ng panahon para makapanood ng tv.
Cinderella yata yung palabas..nasa cartoons channel kasi dahil ito ang paboritong pinapanood ni Missy.
Ni hindi na ako nag-abalang ilipat pa sa ibang channel since hindi naman ako mahilig sa panonood ng drama.
Napailing nalang ako habang nakatutok sa screen ang aking paningin.Sa nakikita ko kasi ngayon?
Parang ako si Cinderella at si Klien naman yung Prince!
Haha.so funny...
Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko pala ang panonood ng tv.
*
*
*
Pupungas-pungas pa ako nang magising at saka ko na-realize na nakahilata pala ako sa ibabaw ng mahabang sofa.
What time is it?
Agad kong sinilip ang suot kong wrist watch..the clock says its six pm already.
What?
Six pm?
Napabalikwas ako ng bangon..seriously?ni hindi ako kumain ng pananghalian?
Agad akong tumayo at muling pumunta sa laundry room para kunin ang mga damit ko.
Pagkatapos kong tupiin at i-arrange sa loob ng closet ko ang mga damit ay saka pa ako tumungo sa kusina.
Binuksan ko ang ref at wala naman akong mahagilap na pwedeng lulutuin.
Haist...
Binuksan ko yung kitchen cabinet at nakita ko ang ilang bundle ng instant noodles up there.
Napangiti ako..bigla ko yatang na-miss ang noodles ah!
Paborito kasi naming tatlo ni Manang at Missy yung noodles kaya hwag na kayong magtaka kung bakit andami naming imbak nyan sa loob ng cabinet.
BINABASA MO ANG
When The Coldhearted Beast Awaken
ChickLitMissy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sariling pamilya. Pero..kahit tinalikuran na ako ng lahat ng mga taong pinapahalagahan ko.. I don't fuc...