Nagkaroon ako ng pagkakataon na maglibot mag-isa sa loob ng painting exhibition center habang abala si Klien sa pakikipag-usap sa mga guests.
Alam kong pinagmamalaki na naman nya siguro si baby Klyde Stanley..hindi parin nya kasi binibitawan yung anak namin mula pa kanina.
Si Manang naman kasama si Mom at Missy habang si Dad ay nakikipag-usap sa ibang businessmen.
Si kuya nakita ko kanina na kasama yung mga kaibigan nya siguro.
At saan naman kaya yung mga kaibigan ko?baka nasa sulok-sulok lang ang mga iyon habang nagto-tour dito sa loob ng painting exhibition center.
Naging magkaibigan na kasi sina Mom at Manang kaya hwag na kayong magtataka kung hindi na sila mapaghihiwalay.
Si Mom ka pa?madaldal yan...parang ako?
Pero,atleast naman...pinapayagan naman sya ni Dad na makipagkwentuhan sa iba.
Eh ako?hwag nyo ng tanungin ang mahal kong asawa...kapag nandyan sya?dapat nasa kanya lang ang atensyon ko.
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nakawala ako ngayon?
Kasi ang sabi ko sa kanya magsi-CR lang ako kaya hayun...pinayagan nya akong umalis mula sa tabi nya.
Syempre..ngiti hanggang tainga ako ngayon!dahil nagkaroon ako ng time para mahanap ang mga kaibigan ko.
O,baka hindi na naman nila ako sinipot ngayon..
Yung first and second wedding anniversary namin ni Klien noon?hindi rin sila dumalo...kesyo nagkataon din daw na may importante silang aasikasuhin..at kung anu-ano pa ang mga reasons nila.
Sabagay may kalakihan din naman kasi itong painting exhibition center na pag-aari ko.
Bawat corner iba-ibang theme ang makikita.
Maganda ang pagkakaayos ng mga painting.
Kung flowers ang motif...buong space nyan ay flowers lahat ang naka-display.
At sa maniwala kayo at sa hindi?halos kalahati na ng likha kong painting ay mukha ng asawa ko.
Kaya hwag na kayong magtaka kung mas lalo pa syang magiging popular!
Hindi ko nga alam kung maa-appreciate pa ba ang galing ko sa pagpipinta or yung mukha na ni Klien ang hinahangaan ng lahat na dumadayo dito sa loob.
Karamihan pa naman mga babae ang bumibisita dito..minsan naisip ko,tatanggalin ko nalang kaya ang mga portraits ni Klien?
Ayoko kasing pinagnanasaan sya ng iba!
Alam nyo ba kung gaano sya ka-unfair?ni isang portrait ko ay wala man lang nakasabit dito...dahil ayaw ni Klien.
Actually,mayroon akong dalawang portrait...yung isa nakasabit sa kwarto namin ni Klien,at yung isa naman ay nasa loob ng secret room ng kanyang office sa Alfemo tower.
Oo,kahit portrait ko ay pinagdadamot nya!dapat sya lang ang nakatitig doon!
Gusto kong mapairap sa kawalan nang madaanan ko ang maraming kumpol na mga kababaihan habang nakatitig sa painting ni Klien.
Oh god!ini-imagine na kaya nila na tinititigan din sila ng expressive eyes na yan?
Hinahalikan ng mapang-akit ng labing iyan?
Oh c'mon Rein...ngayon maiinis ka matapos mong ipagmalaki ang gawa mo?
Haist!bakit kasi napaka-handsome ni giant!
Naikuyom ko ang aking kamao nang sa paglingon ko ay nakita ko si Klien na may kausap ng ibang babae.
At nasaan na kaya ang anak namin?hindi na nya kasi hawak si baby Klyde Stanley!ganyan sya kasaya makipagkwentuhan sa babaeng iyan at nawala na sa isip nya na hanapin ako?
BINABASA MO ANG
When The Coldhearted Beast Awaken
ChickLitMissy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sariling pamilya. Pero..kahit tinalikuran na ako ng lahat ng mga taong pinapahalagahan ko.. I don't fuc...