Matapos yung meeting kung matatawag man na meeting yung kanina..o mas tama pang sabihin na announcement?ay muli akong hinatid ni Klien dito sa loob ng painting room ko.
Hindi ko alam kung ano ang problema nya kung bakit ayaw nya akong palabasin hanggat hindi daw sya kasama.
May kakausapin daw kasi syang importanteng tao kaya ikinulong nya ako dito.
As if naman na hindi ko alam kung sino ang kakausapin nya.Ano ang akala nya sa akin bingi?
Narinig ko kaya yung sinabi ng kanyang secretary kanina na nag-aantay daw sa kanya si Gio.
Tss..
Dinampot ko nalang ang bagong sketchbook ko at nag-isip ng maiguguhit.
Unang araw ko dito sa Alfemo tower..ano kaya ang magandang painting na gagawin ko na pwedeng magpa-alala sa unang araw na pagtuntong ko dito?
Napangiti ako nang may idea na biglang sumuksok sa aking isip.
At ilang minuto pa ang lumipas ay naging abala na ako sa pagguhit na gawin kong motif sa first painting ko dito.
Alam nyo ba kung ano ang nahanap kong idea?
Ito yung view na natatanaw mula sa glass window ng office ni Klien.At mula sa bintana kailangan ko ding iguhit ang half body figure ni Klien habang naka-side view na nakadungaw habang tinatanaw ang magandang tanawin sa labas.
Great idea diba?
Pilit kong iniisip ang feature ni Klien habang abala naman ang aking kamay sa ibabaw ng sketchbook.
Nang mabuo ko na ang one sided face nya ay saglit akong tumigil sa ginagawa at mariing tinitigan ang guhit na ginawa ko.
Kahit nasa kapirasong papel at tanging pinadaanan lang ng lapis para mabuo ang hitsura nya ay hindi parin maikukubli ang kakisigan nito.
Napahagikhik nalang ako sa kawalan..
Hindi nagtagal ay tuluyan na akong na-distract sa mga alaala ni Klien.Marahan kong nailapag ang hawak na pencil at isinubsob ang mukha sa mesa.
Napapikit ako habang binabalikan ng tanaw yung naganap sa loob ng meeting kanina.
Pinatawag nya pala ang lahat ng employees sa ibat-ibang department para lang ipagbigay alam ang presensya ko.
'Listen everyone!this meeting is not long..pinatawag ko kayo para ipakilala ang taong isa sa pinakamahalaga sa buhay ko.Starting today she is the part of Alfemo Of Company here in Alfemo tower.The woman in front of you right now no other than Miss Emyrein Meyer!she is the love of my life..kaya respect her the way you respect me!kung sino ang susuway sa mga inilahad ko ngayon ay hwag nyo nang hintayin na ako mismo ang magpatalsik sa inyo mula dito..if you do?just pack your things and get out of my building!that's all..the meeting is adjourned!'
Napatuwid ako ng upo at marahang hinawakan ang aking pisngi.
Seriously?
Nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng aking pisngi.
Oh my gosh!
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayaring ito sa buhay ko ngayon.
Haist!
Ang tagal naman ni giant..nabo-bored na ako dito..
Hindi ako sanay na mag-isa...atleast doon sa Blue Company,kahit na nasa loob kami ng painting room ay nandoon naman ang mga kaibigan ko at kasama kong nakikipagkulitan.
Tumayo ako mula sa upuan at bahagyang nag-stretch ng katawan.Nami-miss ko na sila Minna.
Tinapunan ko ng tingin ang nakapinid na pintuan.Mas maigi pa siguro na mag-iikot muna ako sa loob nitong building kaysa naman magmumukmok ako dito mula pa kanina.
BINABASA MO ANG
When The Coldhearted Beast Awaken
ChickLitMissy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sariling pamilya. Pero..kahit tinalikuran na ako ng lahat ng mga taong pinapahalagahan ko.. I don't fuc...