Chapter 17

26.2K 582 8
                                    

"Where's your food?"Seryosong tanong ni Klien sa akin nang makapasok kami sa loob ng kusina.

"Hayan oh!"

Buong pagmamalaki ko pang turo sa kaserola na may lamang umuusok na noodles.

"For heaven's sake!matatawag mo bang pagkain ito?"

Unti-unting nawawala ang magandang pagkakangiti ko nang mapagmasdan ang ekspresyon sa mukha ni Klien habang nakatitig sa loob ng kaserola.

Laitin nalang nya ang lahat hwag lang yung pagkain ko!hindi ba nya alam na kanina pa ako naglalaway dito?

"Itabi mo na yan at mag-order ako ng makakain natin."

Konting respeto naman giant!

"Ayaw mo nito?"Nakapamewang ko pang tanong sa kanya.

"Nah!i don't eat the stuff like that!hindi ko maintidihan kung bakit ka kumakain ng ganyan..walang maidudulot ng maganda sa katawan yan!"Walang preno nyang sabi.

To be imagine?hindi nagiging kompleto ang araw namin nina  Manang at Missy kapag walang noodles!

Paborito naming tatlo ito...

Nitong mga nagdaang araw lang na hindi kami nakatikim ng noodles dahil nakakahiya namang magsasabi sa tagaluto doon sa mansyon ng giant na'to!

Tapos ngayon?ipapasantabi lang nya?

"Get out..."Sabay turo ko sa pintuan..

"Sweetheart-"

"KLIEN STANEIL GET OUT NOW!" Sigaw ko sa mukha nya. Akala nya nagbibiro ako? Hell, no!

"Sweetheart,ano na naman bang problema?"

"Ikaw!ikaw ang problema ko!!minamaliit mo itong noodles na'to?Klien,you know what?itong nakahain sa mesa ngayon?special na'to para sa aming mahihirap!pero dahil lumaki ka naman sa marangyang buhay kaya hindi mo naiintindihan kung gaano ito kahalaga para sa akin..kaya nakabukas ang pintuan para sa'yo!lumabas kana ngayon din at maghanap ka ng pagkain mo sa labas...at hwag na hwag ka ng bumalik pa dito dahil i swear hindi kita pagbubuksan ng pintuan!" Halos hindi na ako himihinga sa pagsasalita.

The next move he did?

Mabilis syang humila ng dining chair at marahang naupo doon.

"Sweetheart ano pa ang hinihintay mo?gutom ako, maghain kana.."

Napaawang ang aking bibig pero wala namang salita na lumabas mula doon.

"Giant...hwag mong pilitin ang sarili mo kapag hindi mo naman maatim na kainin yan!"Sabi ko nalang nang makabawi ako sa pagkatulala.

"Susubukan kong kainin...maupo kana at nang makakain na tayo."

Haist...napabuga nalang ako ng hangin bago muling kumuha ng isa pang mangkok at chopsticks para sa kanya.

Sumandok ako ng noodles para lagyan ang dalawang mangkok bago ako naupo sa pwesto ko na kaharap lang ni giant.

"Now eat!"

Utos ko sa kanya bago ko nilantakan yung noodles na nasa loob ng aking mangkok.

Nakatatlong subo na ako nang biglang umangat ang aking mukha para tingnan kung ano ang ginagawa ni Klien.

At nakita ko nalang na mariin nyang tinititigan yung noodles na bahagya pang nilalaro-laro ng hawak nyang chopsticks.

"Giant!yung pagkain ay kinakain at hindi pinaglalaruan!"

Gulat syang napatingin sa akin.

"I don't know  how-"

"Tss...akin na nga yang chopsticks mo..."Putol ko sa kanyang sasabihin.

When The Coldhearted Beast Awaken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon