Klien's POV
Saka muling napanatag ang aking kalooban nang bumalik na naman sa dati ang samahan namin ni Rein.
Sa isang pitik ng aking daliri ay lahat nagagawa ko..ni hindi ako nakakaramdam ng kaba o takot.
Ni hindi rin ako nakakaramdam ng awa o pagsisisi sa kahit na sino man ang aking nasasagasaan kung tagumpay ang pag-uusapan.
Pero hindi ko buong akalain na pagdating sa babaeng mahal ko ay...kahit gaano pa ako katatag at katapang o sabihin pa nating kahit gaano ako kabangis ay magagawa nya akong paamuin.
Pinaparamdam nya sa akin ang takot...takot na tuluyang lumayo sa akin ang kanyang kalooban.
Sa ginawa kong paraan para matanggal sya sa kanyang trabaho?in-expect ko na talaga na magagalit sya dahil sa ginawa ko kaya gayon pa man ay hinanda ko na ang aking sarili sa anumang panunumbat na ibabato nya sa akin.
Nang tumawag sa akin ang bodyguard na inilaan ko para sumunod kay Rein saan man sya pumunta kanina ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi magpanic.
Pinapaalis daw sila ni Rein at nabulyawan ko na nga sila sa phone dahil sinabi kong hwag magpatinag sa kanyang sasabihin.
Pero nung sinabi ng tauhan ko na nasasaktan na daw ni Rein ang kanyang sarili dahil sa malakas na pwersa nito para sipain yung gulong ng sasakyan ng mga tauhan ko ay bigla akong natigilan.
Kaya sinabi ko nalang na paunlakan nalang nila ang kagustuhan ni Rein..kampante naman ako kasi naka-back up naman ang grupo ni Carlo sa kabilang kalsada na lingid sa kaalaman ni Rein.
Napangisi nalang ako sa kawalan...bakit simula nang makilala ko si Rein ay parang hindi ko narin kilala ang aking sarili?
Ang dating seryoso at laging mainitin kong ulo ay naglaho na parang bula?
Para bang yung mga kasakiman at madilim kong nakaraan ay isa lamang masamang panaginip.
And I'm awaken now...I'm awaken when i found Rein!
I found the love of my life!!
Kaya hindi nyo na ako masisisi kung bakit kailangan kong ipagkait sya sa iba.
No one can mess with my girl!or else i will kill them all!!
☆☆☆
Rein's POV
"So..this is your room..."
Inikot ng kanyang paningin ang apat na sulok ng aking kwarto.
Sinusukat kaya nya sa kanyang isip kung ano ang measurement nitong silid ko compare sa lawak ng kanyang kwarto sa mansyon?
"Giant look pwede ka ng umuwi...hindi ka nababagay dito.Sa totoo lang hindi naman ganoon kalambot yang kama ng higaan ko baka sumakit pa yang likod mo.At hindi rin naman ganoon kalamig yung air condition nitong kwarto ko..tsaka hindi tayo kasya dito,this bed is just for only one person.."
Mahaba kong paliwanag..and i doubt it kung naintindihan din nya ang mga palatak ko sa kanya ngayon-ngayon lang.
Knowing him?
Salita nya ang batas!
"Pinapauwi mo ako sa ganitong oras?gusto mong mapahamak ako sa daan?"
"Oh c'mon!sino pa ba ang lolokohin mo?mapahamak?sa daming nakabuntot na bodyguards?"
Napangiti lang sya bago nagsalita.
"Mag-isa lang ako pumunta dito dahil nagsilayasan na ang mga bodyguards ko...natakot silang magpakita sa akin dahil may pinagawa ako sa kanila na sinuway nila ngayong araw...makikita ko din ang mga iyon at mag-iingat talaga sila kapag nagkataon dahil isa-isahin ko silang patutulugin!"
BINABASA MO ANG
When The Coldhearted Beast Awaken
Literatura KobiecaMissy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sariling pamilya. Pero..kahit tinalikuran na ako ng lahat ng mga taong pinapahalagahan ko.. I don't fuc...