Chapter 39

24.1K 543 2
                                    

(NARRATOR)

Isang linggo pa ang pananatili ni Rein sa loob ng hospital bago sya tuluyang mai-discharge.

At sa loob ng isang linggo na yun ay panay din ang pagtulong nya sa sarili para mabilis ang recovery ng kanyang paa.

Si Raisynzee ang walang sawang umaalalay sa kanya kung sinusubukan nyang ihakbang ang kanyang mga paa.

Pero nauuwi din sa matinding disappointment ang kanyang nararamdaman dahil kahit anong gawin nya ay hindi parin nya kayang mabalanse ang kanyang katawan.

Hindi naman kasi ganoon kabilis para tuluyan na syang gumaling...isang linggo palang ang lumipas matapos ang nangyaring aksidente na yon.

Pero para kay Rein...pinipilit parin nya ang kanyang sarili para kayanin na ang makapaglakad ng mag-isa dahil disidido talaga sya na doon magpahatid sa apartment na kanyang inuupahan dati.

Wala naman din nagawa ang kanyang parents kaya pumayag nalang ang mga ito sa kanyang naging disisyon.

Si Raisynzee din ang nagpasyang maghatid sa kanya pauwi sa apartment nang araw na yon.

Hindi rin nya maiwasan ang hindi manlumo kapag naiisip nya si Klien.

Pagkatapos kasi ng eksena noong unang araw nya sa hospital na kung saan ay nagwala sya dahil sa presensya ni Klien Staneil ay hindi na ito muling nagpakita pa.

Mas lalo syang binalot ng sama ng loob...

Pero ang hindi nya alam...

Sa loob pala ng isang linggo na pananatili nya sa hospital ay walang araw din na hindi sumulpot sa kanyang tabi si Klien.

Yun nga lang..saka pa papasok sa loob ng silid ang binata kapag magkataong natutulog na si Rein.

Walang kaalam-alam ang dalaga na nananakawan na sya ng halik ni Klien at nayayakap pa ng mahigpit!

"Kuya,natawagan mo na ba si Manang para sabihin na ngayon na ang labas ko mula sa hospital?"Biglang tanong ni Rein kay Raisynzee.

"Yes baby...sa katunayan nyan ay inaantay na nya ang pagdating mo,nakapaglinis na din sya at naayos na nya ang buong bahay...kaya wala ka ng dapat na ipag-alala.Ang gawin mo lang ngayon ay magpahinga...matulog kana lang muna tutal mahaba pa naman ang byahe!gigisingin nalang kita mamaya kapag dumating na tayo sa apartment mo."

Sagot ni Raisynzee na panay parin ang kanyang panalangin na sana makinig ang kanyang kapatid sa kanyang naging suggestion.

Pero nakahinga naman sya ng maluwag nang mapansin nyang sinimulan na ngang ipikit ni Rein ang kanyang mga mata.

Sumilay ang mapanglokong ngiti sa mga labi ni Raisynzee nang mapagmasdan si Rein na sa ngayon ay mahimbing ng natutulog.

'You're done,baby!'Bulong nya sa isip.

Wala naman kasing kaalam-alam si Rein na may ibang binabalak ang mga pinagkakatiwalaan nyang tao sa kanyang paligid!

Until then......

☆☆☆

Rein's POV

Napasarap yata ako sa aking pagtulog.Ang lambot kasi ng hinihigaan ko..komportable pa akong nakayakap sa malambot at mabangong unan.

Ang bango ng silid..sa wakas ay nakawala narin ako sa silid na puro amoy gamot ang nasasamyo ng ilong ko.

Marahan kong in-stretch ang aking mga kamay at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

Dumating na kaya kami ni kuya?

My eyes widened nang mamulatan ko ang pamilyar na silid na kinaroroonan ko ngayon.
Nang manumbalik ako sa tamang hwisyo ay mabilis akong napabalikwas ng bangon.Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang inis ko.

When The Coldhearted Beast Awaken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon