Nadatnan kong nakapila sa may pintuan ng silid ni giant ang mga kasambahay at kabilang na din doon si Manang.
Agad nila akong binati pagkakita nila sa akin.
"Ano ba kasi ang nangyari?"Tanong ko kay Manang.
"Walang nakakaalam Rein..basta narinig nalang namin ang ingay at nababasag na mga gamit mula sa loob!"
Lumapit ako sa pintuan at bahagyang inilapat ang kabilang tainga sa dahon ng pintuan.
Pero napapitlag nalang ako nang makarinig ako ng malalakas na kalabog mula sa loob.
"GIANT!BUKSAN MO ANG PINTO!!MAG-USAP TAYO...ANO BA ANG PROBLEMA,HA?"
Sigaw ko mula sa labas ng pintuan at nagbabakasakali ako na pagbuksan nya ng pintuan kapag nabosesan nya ako.
Pero ilang minuto na ang lumipas ay walang Klien na nagbukas ng pintuan.
"Manang Emelda,may duplicate key po ba kayo nitong kwarto ni Klien?" Maya-maya ay tanong ko sa kasambahay na matagal ng naninilbihan dito sa mansyon.
"Naku Ma'am Rein!hayaan nyo nalang muna na humupa ang galit ng Master...kasi kapag nagwawala po iyan ay wala syang kinikilala kahit na sino..baka mamaya ay masaktan pa nya kayo hanggat hindi sya kumalma." Natatarantang paliwanag sa akin ni Manang Emelda.
Napa-facepalm nalang ako buhat sa narinig.
Ilang oras na din ang lumipas.Nagsi-akyatan na ang lahat..panghuli si Manang at heto ako nakatayo parin sa labas ng pintuan.
God!akala ko kilalang-kilala ko na ang buong pagkatao ni Klien pero hindi pa pala.
Haist!anong oras na ba?
"Giant?kumalma ka na ba?okay kung ayaw mo talaga akong pagbuksan ng pintuan sige aalis na ako...pero mag-usap tayo ha?kung okay ka na...i love you!!"
Naghintay pa ako ng ilang minuto sakaling may epekto yung sinabi ko pero wala parin.
Siguro tulog na sya...kaya kailangan ko narin umalis.Laglag ang balikat na lumabas ako ng mansyon.
Gusto ko sanang magpalipas ng gabi sa mansyon kaya lang baka hanapin ako ni Missy.Wala pa man din sa bahay si Manang.
Kaya no choice...mabigat ang aking kalooban na umuwi sa bahay.
*
*
*
Maaga akong pumasok sa Alfemo tower kinabukasan.Hindi ko alam kung nakatulog ba ako kagabi dahil sa sobrang pag-iisip ko kay Klien.
Magalang akong binati ni Annie yung secretary ni Klien na sinuklian ko lang ng simpleng ngiti.
"Annie,dumating na ba ang boss mo?"Naisipan kong itanong.
"Kanina pa po Ma'am!"
Napangiti ako nang marinig ang sagot ni Annie.At mabilis na tinungo ang pintuan ng office ni Klien.
You're done giant!
Pero natigilan ako nang bigla kong pihitin ang doorknob..naka-lock iyon.
Shit!
Muli akong bumalik sa desk ni Annie.
"Bakit naka-lock yung pintuan ng office nya?"Kunot-noo kong tanong.
"Ah Ma'am...higpit po nyang bilin sa akin na hwag kayong papasukin sa loob..."May pag-aalangan pa sa boses ni Annie.
"WHAT!?" Gulat kong tanong.
BINABASA MO ANG
When The Coldhearted Beast Awaken
ChickLitMissy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sariling pamilya. Pero..kahit tinalikuran na ako ng lahat ng mga taong pinapahalagahan ko.. I don't fuc...