Chapter 13

25.4K 552 15
                                    

(NARRATOR)

Samantala...

Mula sa pag-alis ng sasakyan ni Klien Staneil papunta sa restaurant na kung saan doon sila kumain ni Rein.

Hanggang sa pagpasok nila sa isang mall..yung mga kilig moment's nilang dalawa na naganap sa hallway.

Ang pagpili ni Klien ng ring para sa kanilang dalawa ni Rein.At pagdala nya kay Rein sa isang boutique ng mga gown.

And the last part ay pagpasok nila sa kids section para bumili ng mga damit ni Missy.

Lahat ng iyon ay may nagmamatyaga na sumusunod sa kanila nang hindi man lang nila namamalayan.

May isang tao na labis na nasasaktan sa mga nasaksihan nya sa mga oras na yaon.

Hindi sya makapaniwala na ang babaeng minsan na nyang minahal at patuloy parin nyang minamahal ay nasa pangangalaga na pala ng kanyang so called close friend!

Dahil sa sakit na nararamdaman ay naisipan nalang nyang tumuloy sa isang bar at doon nagpakalunod sa alak.

☆☆☆

Gio's POV

Giant?

Caregiver?

Damn you woman!

Hanggang ngayon ba ay magagawa parin nya akong gawing tanga?

Is Klien Staneil is the reason why kaya ang lakas ng loob nyang sabihin sa akin na hindi na nya ako mahal?

Sa lahat ng lalaki sa mundo bakit si Klien pa?

Ang lalaking kinatatakutan ng lahat?

Ang lalaking walang sinasanto kapag nagagalit?

Natatakot ako sa maaaring mangyari..baka masaktan nya si Heartily kapag muli nyang uulitin ang ginawa nya sa akin six years ago.

I know his weaknesses...

Ayaw nyang tina-traidor syang patalikod.

And knowing Heartily?the woman who cheated on me six years ago...

Compared to me Klien is very dangerous man to handle with!

Napapikit ako...

At muli namang pumasok sa aking alaala ang ginawa nilang paghahalikan sa may hallway.

Napadiin ang paghawak ko ng wine glass sanhi para mabasag ito mula sa aking kamay.

Hinayaan kong lumandas ang dugo mula doon.

Gagawa ako ng paraan para mapasa-akin muli si Heartily.

Hindi ko matatanggap na patuloy nya akong sinasaktan ng ganito.

Babawiin ko sya!

Babawiin ko sya!

"Sir,your hands is bleeding!"

Dinaluhan ako ng waiter para sana gamutin ang nasugatan kong palad.

Pero singhal lang ang tanging nakuha nila mula sa akin.

"LEAVE ME ALONE!"

Hayaan nyong maubos ang dugo ko!wala ito kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon na dulot ni Heartily!

Ginawa nyang miserably ang buhay ko!

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na napasigok ng iyak habang isinubsob sa ibabaw ng mesa ang aking mukha.

Bakit ba sobra kong minahal si Heartily?

☆☆☆

Klien's POV

When The Coldhearted Beast Awaken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon