Aphrodite Hanael Ascanyo
Naglalaro pa rin sa isipan ko ang sinabi ni baby Eros nung isang araw, kamukha niya nga raw yung lalaking nasa balita.
Well pogi naman yung lalaki and siyempre pogi din yung anak ko mas lamang lang talaga ng konti yung lalaking nasa TV dahil mas mature ang features niya pero bukod dun, isa din sa nakakuha nang pansin ko ay ang mata niyang kaparehas na kaparehas ng mata ng anak ko
Parehas bilugan at parehas na parehas din na kulay asul na kapag tiningnan ka sa mata ay para bang nakatingin ka sa karagatan at parang nakikita nila ang buong ikaw. Tila ba kaya nilang basahin ang nasa isip mo, ang lalim. Para din itong nangungusap at ang pilik mata nila na parehas na napaka lantik bukod dun iyong ilong din nila at hugis ng mukha kulay lang yata ang magkaiba dahil sa akin nakuha ng anak ko ang kulay ang maputing balat niya, samantalang yung lalaki naman sa interview ay tan skin, but all-in-all, para talaga silang pinagbiyak na bunga.
"Uy Girl! Are you even listening to me?" nabalik naman ako sa katinuan ng sinigawan ako sa kaliwang tenga ng nagiisa kong kaibigan. Tsk ang tinis talaga ng boses. Paano ko ba naging kaibigan to ganong puro libre lang naman alam nito?
"Ano nanaman ba kelangan mo at nandito ka? Libre nanaman? Restaurant to hindi charity" sabi ko sabay irap at tiningnan siya ng masama."Oy! Bakla wag mo kong tinitingnan ng ganyan ah. I will make tusok-tusok your eyes with this dinner knife sige." maarteng sabi niya, inirapan ko ulit siya pero ngayon nasa steak na ang kaniyang atensyon.
"What's your problem ba naman kasi? Like duh, kanina pa walang tigil ang bunganga ko ka-ka tell sayo ng story but hindi mo ako ako pinapansin" hirap niyang sabi dahil sa punong puno lang naman kasi ng kanin at steak ang bibig niya. Napangiwi tuloy ako habang tinitingnan siya.
"Ano ba yan? Kung malalaman lang nila na ganiyan kasiba, kakuripot at kadaldal ang iniidolo nilang si Seraphine Parisa Marquez baka maturn-off na mga fans" sabi ko sabay irap sakanya agad naman siyang sumimangot sakin at binaba ang hawak niyang dinner knife at fork. "Tsk. Yaan ko lang sila ma-turn off sila. I'm not here to please everyone. I'm an actress dapat maging mabuti lang akong example sa youth. Let's drop the topic and talk about your problem na lang. Kanina ka pa wala sa sarili. Ano bang problem mo?" she asked, changing the topic, nagpakawala ako ng buntong hininga ng maalala na naman ang gugumugulo sa utak ko simula nung isang araw pa.
"Si Eros kasi eh, he saw a guy on TV yung business tycoon na si Kurt- I forgot his surname basta Kurt." hindi ko matuloy ang sinasabi ko. Paano ba kasi sabihin sa madaling paraan na sobra ang pagkakahawig ng dalawa? Napakaimpossible kasi na magkahawig ang dalawang tao na wala naman koneksyon sa isa't isa
"and then?" she said encouraging me to continue "and then Eros said that-- that they kinda have the same features like their nose, face shape and especially their eyes really looks the same. Parang photo copy, Eros is like his mini me and it's bothering me" napahalumbaba naman siya at parang napapaisip.
Nagitla na lang ako ng hinampas niya yung table at nanlaki ang mata niya habang nakatingin sakin. "Gosh Dite maybe he is Eros father! Kurt? a business tycoon? wait!" agad siyang pumorma na para bang napakalalim ng iniisip niya nakakunot noo pa siya. Ano na naman ba to? Eros father? impossible bakit naman gagawa ang ganon kayaman at kataas na tao ng ganong bagay like unprotected sex saka one-night stand with a stranger?
"Aha I remember na! Tanda mo sabi ko sayo dun sa event na dinaluhan ko 1 year ago may nakita akong guy na ka-look a like ng baby Eros natin like I said his eyes are like our Eros eyes, striking blue and his eyebrow and all as in mapapagkamalan mong tatay talaga siya ni Eros. His name is Kurt Nathaniel Monteclaro napaka matunog ng name niya sa business world. Hindi ka pa naniwala sa akin dati ha"
Now I don't know what to think anymore.
Napaiktad ako nung may kumatok sa pintuan. Nasa restau pa rin ako hanggang ngayon kasi di ko pa natatapos ang mga gawain masyadong naapektuhan ang productivity ko kakaisip kay Kurt Monteclaro. Who is he? Bakit ganun na lang ang pagiging magkamukha nila ng anak ko. Is it fate or what?
Pumasok ang secretary ko na may dalang coffee, inilapag niya yun sa desk ko."Ma'am meron po palang gustong mag pa schedule ng meeting sa inyo. Uhm. Kung pede daw po kayo ngayong lunch" malumanay na sabi sakin ng Secretary ko. Agad namang kumunot ang noo ko. Bakit agad agad? "Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?" confuse at inis na sabi ko.
"Eh ma'am kasi naman po ngayon lang po tumawag and sabi ko po itatanong ko sa inyo kasi wala naman po kayo ngayong schedule ngayong lunch" kumunot ang noo ko "Gaano daw ba kaimportante at bakit agaran?" inis na tanong ko "Ma'am wala po kasing iniwan na information kundi ang sabi lang po pupunta daw po siya dito."
Agad akong napahilot sa sentido ko. Meeting pa wala pa ako sa sarili
Tumayo na ako at pumasok sa loob ng comfort room. Para mag freshen up. Ayoko namang humarap ng mukhang problemado.
"So Ms. Ascanyo you're here. Good afternoon !"
Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Tadhana pa ba to? Sa lahat ng tao na pwede ko kitaain bakit siya pa? It's Eros ka-lool a like.
"So Ms. Ascanyo I'm Mr. Monteclaro" pagpapakilala niya nilahad niya pa ang kamay niya for formality. Pero hindi ko magawang magpakilala at tanggapin ang kamay niya. Dahil ngayon na personal ko na siyang nakita ay napatunayan ko sa sarili ko na talaga ngang mapagkakamalan ama siya ng anak ko. The resemblance is uncanny.
Pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit ang lakas din ng epekto niya sakin dahil ba sa kamukha talaga siya ni Eros?
"So Ms. Ascanyo magtititigan na lang ba tayo?" Agad naman nanlaki ang mata ko at palagay ko ay namumula na ako ngayon sa hiya.
to be continue
BINABASA MO ANG
The CEO's Son ('ezuz series #1)
General FictionHighest Rank Achieved 923 of 46.3K in Love Story You only want to forget and escape from your problems, get drunk and lose yourself. You want to be free kahit isang gabi lang. Nakakapagod kasing sumunod, i-please at ipagpilitan ang sarili mo sa taon...