Chapter 6: Meet

181 11 0
                                    

Kurt Nathaniel Monteclaro's 

Katatapos lang naming kumain at pag-uusapan pa lang namin ang about sa mga services ng restaurant nila. 

Kanina nga nung nagpakilala ako medyo parang nagulat pa siya at natulala sa akin. Kaya I thought, maybe she knows something and maybe she remembers me. Batid ko rin ang paghanga sa mata niya habang tinitingnan niya ako kanina. 

"So sir this is the most affordable catering service that we can offer you this includes the Comiendo en el Cielo basic dishes." she said that without even looking at me, she's just so focus sa papers kung saan naka indicate ang mga products and services nila.

Nagpatuloy pa siya sa pag papaliwanag pero hindi ko na nagawang makinig pa, dahil tutok na tutok lang ako kung pano bumuka ang mga labi niya tuwing nagsasalita at kung pano niya dalhin ang sarili niya. You can see that she's really passionate and determined sa ginagawa niya at inaalala ko din kung paano niya ako tingnan kanina, kitang kita ko kung pano siya humanga sakin. Pero di ko din maiwasan isipin na baka sa mga nakaraang taon na wala ako ay may tiningnan din siyang iba ng may paghanga. Fuck gusto ko ako lang ang titingnan niya ng ganon makakapatay talaga ako. I sighed to calm myself at patuloy na tinitigan siya.

She's really beautiful, a goddess. She's so fucking perfect in my eyes. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya Aphrodite.

I will make her mine and once she's mine I will make sure that she will never want to lose me ever again. Gagawin ko ang lahat para hanap-hanapin niya ako. And this is my first step to get her and ito lang ang alam kong paraan to slowly enter into her life.


Aphrodite Yanogen Ascanyo

Patuloy lang ako sa pag papaliwanag about sa services at dishes na ino-offer ng restaurant namin. And I'm actually enjoying it cause this my passion. I like it when I'm talking about my business.

"So Mr. Monteclaro this is  the best buffet we can offer you, it includes all of our best selling dishes and desserts. So what do you think? What do you want us to serve to your event?" sabi ko pagkatapos ay tumingin sa kaniya. Pero tulala lang na nakatingin sakin si Mr. Monteclaro habang naka halumbaba pa?

Problema nito?

"Mr. Monteclaro" Agad akong napasimangot ang haba ng sinabi ko tapos malalaman ko na hindi naman pala siya nakikinig tsk. Hay. Kailangan lang siguro ng sapak which is I can and will gladly do. Pero dahil formal meeting to I need to act finest.

"AHEM! So Mr. Monteclaro hows my proposal?" agad akumunot ang noo ko nang nginisian niya lang ako.

"You're cute Ms. Ascanyo" agad ko siyang sinimangutan at humalukipkip
"I'm not a pet to be called 'cute' Mr. Monteclaro!" Sabi ko habang nakasimangot pa rin

"Pero wala naman akong sinabing aso o pusa ka... I only said you're cute" sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko

Tsk. So yabang. Inirapan ko na lang siya.

"Just so you know Mr. Monteclaro cute is only for pets and please let's get back to our main point. So Mr. Monteclaro ano bang plano niyo for your party?" Tanong ko gamit ang naiinis na tono ko. Nakakawala ng professionalism ang taong to.

"I want the most expensive and elegant. I want it all to be perfect that's it." tapos ay tumayo na siya, nag iwan lang siya ng lilibuhin sa lamesa pagkatapos nun ay dumiretso na palabas ng restaurant.

Bastos talaga di man lang nakipag kamay. Para kasi sakin ang pakikipagkamay pagkatapos ng nagawang deal ay ang pagclose nito so yun. Nakakapagsisi talaga, bakit ba ako nag timpi pa? inisip ko pa yang professionalism na yan gayong wala naman hiya itong lalaking to. Inayos ko na lang ang mga gamit ko at binalik na sa office ko. Napagdesisyonan ko na din umuwi para makapagluto ako ng lunch ni Eros.

Nasa labas na ako ng restaurant at iniintay yung binook kong grab. Pero nagulat na lang ako ng may tumigil na isang puting Tesla car sa harapan ko. Hahanga na sa na ako kung hindi lang bumukas ang bintana non at bumungad sakin ang nakangising Kurt Monteclaro.

"Hey I just want to tell you that... You will be my date on that day" at bago pa ako makaangal ay nawala na siya lulan ng kanyang Tesla.

What the EFF?!

What did he just say?

DATE?! Nababaliw na ba ang isang yun? 

to be continued

The CEO's Son ('ezuz series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon