Aphrodite Hanael Ascanyo
Papasok na sana ako sa restaurant ng pinigilan ako ni Manong Jek, guard namin sa restau, at itinuro nito sa akin ang itim na mustang na nakaparada sa tabi ng kotse ko.
"Ma'am gusto ko lang po kasi i-report yung sasakyan na itim. Lagi po kasing naka parada sa parking space natin kadalasan ay darating yan ng alas-siyete ng umaga at aalis ng alas-onse, pero kahit kailan ay wala akong nakitang tao na bumaba mula diyan." may halong duda at paga-alalang sabi ni Kuya Jek, agad kumunot ang noo ko. Hindi naman pedeng kay Kurt yan dahil madalang ko lang siyang makita gamit ang mustang niya kadalasan ay yung tesla ang dala niya.
"Thanks po Manong Jek, makikisuyo na lang po ako na obserbahan niyo po ng maiigi sa mga susunod pang araw at pag may napansin po kayong kakaiba ay paki-report na lang po sa akin." nag salute si manong guard sa akin. "Yes po ma'am" tapos ay pinagbuksan na ako ng pintuan. Habang tinatahak ko ang daan papapunta sa kitchen ay bumabati ang mga nadadaanan kong staff, I just smile at them in return.
Pagkadating ko sa kitchen ay agad kong chineck ang mga stocks, utensils and equipment. Sinigurado ko na maayos pa ang kagamitan sa kusina at tiningan ko din kung may kelangan paltan pero ayos naman lahat. Bago mag-opening ay nag pa meeting na din ako sa buong staff to know kung ayos lang sila or may na encounter silang problems, but everything is pretty okay.
Kakapasok ko lang sa office ng mag ring ang phone ko. Someone's calling me and it's unregistered caller. Napakunot pa ang noo ko, who could this be?
"Hello? This is Ms. Ascanyo speaking, how may I help you?" I said trying to sound professional. Although I know that my voice sounds a bit hesitant. I'm really not expecting someone to call me, tatlo lang ang taong pinagbigyan ko ng personal contact number ko si Kurt, Angela and Eros. Sa mga business matter naman ay yung nasa office ang binibigay kong nunber and kadalasan ay yung sa secretary ko. Now, who on earth could this be.
A minute has passed pero hindi pa rin nag sasalita ang nasa kabilang linya. Well maybe, this is just a prank. I just sighed. "Look I have no time for this, you're wasting my time. Good--" but before I can even finish, he speak.
"Hide Hanael. Baka hindi mo mamalayan na sa susunod na araw, yun na pala ang huling araw na makikita mo ang tatay ng anak mo at ang anak mo. Hide before I find you, magtago ka na bago pa kita mapatay." I can't feel my body, I was numb for a minute or so. His deep threatening voice is giving me chills and before I can even contain myself and ask him, he ended the call.
Nang makarating na ako sa office ay wala sa sarili akong naupo sa swivel chair ko, thinking of the call. Who could that be? Wala akong kaaway, I can't even remember hurting someone. What did I do? What about Eros? Baka saktan o kunin nila ang anak ko. Oh god please, not my son.
Agad kong tinawagan si Eros dahil siguradong hindi ako matatahimik hanggat hindi ko naririnig na ayos lang siya. After two rings ay sinagot na din niya ang tawag.
"Hey baby! May tumawag ba sayo?" I tried so hard to calm my self, but I can sense the panic in my voice. "Wala naman po. Nagle-lecture po kami and my teacher is teaching us to sing and dance sitsirtisit. It's amazing mom" tuwang tuwa niyang sabi, nakahinga naman na ako ng maluwag. "Okay baby remember yung tinuro ko ah. Don't talk to strangers and yung phone mo pag may nag call sayo na unregistered number, ignore it. Copy baby?" paalala ko sakanya, I heard him giggle. "Okay po Mommy. I love you." I can imagine him smiling sweetly while saying that. "I love you too baby. Take care okay? I will be the one to fetch you later, we'll bond." narinig ko pa ang pag 'Yes!' niya bago naputol ang linya.
Kung sino man ang tumawag he knows me very well, and tatay ng anak ko? Hindi ko na ulit makikita? Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako, kilala nung lalaki ang tatay ng anak ko, and sa sinabi niya ay maaring kilala ko din ito at nagkikita kami. Who could that be? I'm not even seeing anyone, well si Kurt. But that's impossible, hindi pwedeng si Kurt. Kung siya nga hindi ba dapat sinabi niya na sa akin? Halos ilang buwan na din ang nakalipas at may tiwala na ako sa kanya.
Sa buong maghapon ay inisip ko lang ang sinabi nung caller. Anong kailangan niya? Sinong tatay ng anak ko ang tinutukoy niya? Hindi ko rin mapigilan pagtuunan ng pansin ang biglangpagbabago nang takbo ng buhay ko mula nung dumating si Kurt? Masisira lang ba ulit ang tiwalang nabuo ko?
Kurt Nathaniel Monteclaro
"Mr. Monteclaro, na track na po namin ang may-ari ng number ng tumawag kay Ms. Ascanyo. The person is near her, he's inside the restaurant spying and we are sure that Ms. Ascanyo is in great danger." Sgt. Moonclaire said. My heart stop, how can we solve this? Masyadong mabilis ang galaw ng kalaban, nakalapit agad sila kay Dite. Hindi ko alam kung paano ko siya mababantayan. "Shit. How can I protect her? Ang bibilis ng kalaban at wala pa tayong alam kung sino ba sila." naiinis kong sabi at sinabunutan ang sarili ko. "Well Mr. Ascanyo, the only way that you can protect her is to convice her to live with you, kahit pansamatala lang. Habang humahanap tayo ng impormasyon tungkol sa suspect. Well, you're mansion is located at the most secured subdivision in the country. We can be sure na protaktado sila dun." suhestyon niya. Well that's a good idea, pero ano naman sasabihin ko kay Dite para tumira siya with me. "I will try to convince her, but for now dig informations about the suspects. Maiinip din sila kakatago, pag may nakuha ka ulit na impormasyon, send it to me asap" I said before ending the call. Mabuti na lang nagpalagay ako ng hidden cameras sa office ni Dite, so that I can monitor her. Tumayo na ako at mabilis na nagtungo palabas ng office, I need to be at Dite side, hindi na siya ligtas. Kung sana may lead lang kami then maybe we can solve this.
Aphrodite Hanael Ascanyo
"Why are you here?" gulat kong tanong ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa nun si Kurt. He looks worried at medyo hinihingal pa siya, derederetso siyang pumunta sa akin, hinila ako patayo at niyakap. Anong problema nito?
"Woah. woah. Bakit?" nagtataka kong sabi at bahagya siyang tinulak pero hindi siya nagpatinag. "Dito muna ako, dito lang ako." he whispered sweetly that made me feel weak. Why Kurt? Bakit pakiramdam ko may alam ka? Bakit parang may tinatago ka? Pero bakit gusto ng puso kong pagkatiwalaan ka? I'm trying to ignore the fact na sa isang buwan na pagkakilala namin ay nabuwag na ang pader na pilit kong binuo sa nakalipas na taon.
"You're weird. Why do you always come pagka kailangan ko?" I whispered pero hinigpitan niya lang ang yakap niya sa akin.
to be continue.
BINABASA MO ANG
The CEO's Son ('ezuz series #1)
Ficción GeneralHighest Rank Achieved 923 of 46.3K in Love Story You only want to forget and escape from your problems, get drunk and lose yourself. You want to be free kahit isang gabi lang. Nakakapagod kasing sumunod, i-please at ipagpilitan ang sarili mo sa taon...