Aphrodite Yanogen Ascanyo
Pagkarating na pagkarating namin sa isang abandonadong lugar ay agad akong bumaba sa sasakyan para sana agad na pumasok sa loob pero natigilan at agad na nag sitayuan ang balahibo ko. This place is giving me chills, pinasadahan ko ng tingin ang abandonadong gusali mula sa basag na salamin, mga bubog na nagkalat, ang mga halaman na halos palibutan na ang kabuuan ng gusali at habang mariing sinusuyod ng mata ko ang lugar ay nanatiling nakapako ang mga paa ko lupa. I'm scared, natatakot ako na baka wala akong maabutan, natatakot ako para sa anak ko.
Napabalik ako sa katinuan ng sumulpot ang isang di ko kilalang lalaki, he looks mysterious wearing clothes that I usually see on agent in a movies. Bago ako nito lagpasan para pumunta kay Kurt ay bahagya siyang yumuko sa harapan ko.
"Mr. Monteclaro our men is on work and we assure you that your son will be safe." the mysterious man said with affirmation in his voice, and I hate how calm he is with the situation. Agad akong galit na bumaling sa kanya at kinuwelyuhan siya. "Hey fucker, we don't need your words. What we need is for you to move and get my son." galit na sabi ko at tiningnan siya ng diretso sa mata. He's just looking at me calmly and expressionless, ramdam ko naman ang bahagyang paghila ni Kurt sa akin.
"You're not helping Dite, calm down will you?" inis na baling sa akin ni Kurt tiningnan ko lang siya habang nanlilisik ang mga mata ko. "How could I, at sa tingin mo ba nakakatulong ka? Yung anak ko nasa peligro, I don't have any clue kung ano na ang nangyayari sa loob. You can only stay calm and say that kasi hindi mo naman anak si Eros. You only care about having me, ako lang ang gusto mo at hindi ko naiintindihan kung bakit, am I a trophy to your collection? Tangina Kurt." galit na sigaw ko sa pagmumukha niya. If he's looking at me like that, then there's no chance for the both of us. Might as well I take care of my own shit and layuan niya na ako. The thought of losing Eros is the thought I can't bear, I'm ready to sacrifice my self for him. It's now or never.
"If you won't do anything, then ako na lang. Kaya ko." pagkatapos ko sabihin yun ay tinalikuran ko na siya at agad na tumakbo papasok sa abandonadong building, narinig ko pa ang sigaw niya pero nag patuloy lang ako sa pagtakbo papasok.
Bawat akbang na ginagawa ko ay parang kulang. Tumatakbo na ako, pero parang ang bagal. I want to find him, I want to see him and I want to know he's okay. Patuloy ang pagtakbo ko papunta sa loob, di ko man alam kung saan ako pupunta pero hinayaan ko na lang ang paa ko na dalhin ako kung saan, baka sa paraang yun ay mahanap ko si Eros.
"Eros! Eros! Eros!" paos na sigaw ko habang binabaybay ang bawat daan at hallway, masiyadong malawak ang building. Kinain na lahat ng takot ko ng kagustuhan na makitang ayos lang ang anak ko. Ang pakiramdam ko ngayon ay patuloy akong tumatakbo sa kawalan hoping to see my son sa bawat pag liko ko sa bawat pasilyo ng gusali ay pinapanghinaan ako ng loob. "Eros!" paos na sigaw ko. "Nandito na si Mommy. You're safe na, we'll go home safe. Please Eros." nanghihina at pabulong na sabi ko.
Nakarating na ako sa tingin ko ay gitna ng gusali at parang tumigil ang mundo ko dahil sa nadatnan ko. There are fresh blood marks at kahit nang lalambot ang mga tuhod ko ay dahan-dahan akong humakbang para sundan ang bakas ng dugo, ngunit narating ko na ang labas ng building at nawala na rin ang bakas ng dugo pero di ko pa rin nakikita si Eros.
"Eros!" ginamit ko ang lahat ng lakas ko para isigaw yun, para nanaman akong nawalan ng lakas at pag-asa, di ko alam ang gagawin ko. Wala akong kwentang ina, di ko kayang protektahan si Eros. Bakit kelangan mangyari pa to? Bakit si Eros pa?
"MOMMY!" I heard someone shout at alam kong boses yun ni Eros, agad akong nabuhayan ng loob. Tumakbo ako patungo sa pinanggalingan ng boses, parang bigla akong nagkalakas at sa oras na yun wala na akong gugustuhin pa kundi makita siya. "Eros!" isinigaw ko yun sa pinakamalakas na kaya ko at para bang matutunaw ang puso ko ng makita kong patakbong lumalapit sa akin si Eros.
Nang makalapit na siya sa akin ay agad ko kinarga at niyakap ng mahigpit, a hug that I thought hindi ko na muli magagawa. Pinunpon ko din ng halik ang pisngi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko at parehas kaming patuloy sa pag-iyak. "Ang baby ko. Sorry! Sorry!" bumaba na si Eros sa pagkakabuhat ko at lumuhod naman ako para mapantayan siya.
"It's okay mommy. I'm okay lang po." sabi niya habangnakangiti sa akin at nag pipigil ng ngiti. Humanga naman ako sa tatag niya, how could I forget? Kailanman ay hindi niya gusto na naiyak at nag wo-worry ako ng dahil sa kaniya, tinuruan ko siya maging malakas to the point that he would always kept his true feelings. He maybe a child but he's mind works different.
"Eros I know how scary this experience for you. You can say your feeling to mommy, I told you to be strong pero hindi ganito baby. Mommy's here, you can always tell me your fears." I said, na naging dahilan ng pag-iyak niya ng malakas.
"Mommy I was so scared. There are six man wearing all black suits and they are also wearing clown mask. They have guns and I'm really scared mommy." habang sinasabi niya yun ay palakas ng palakas ang pag-iyak niya. "Sinaktan ka ba nila?" pagtatanong ko, umiling naman siya. Hinawakan ko siya sa balikat at pinaikot para tingnan kung may sugat o mga pasa siya pero wala naman, nag dumi lang ang suot niyang uniform.
"There you are... Eros" napukaw ang atensiyon naming dalawa ng marinig namin ang boses ni Kurt. Tumakbo naman si Eros papunta sa kaniya ng makita siya nito, agad naman niya itong binuhat at parang wala siya sa sarili, hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako o may tumulong luha sa mga mata niya. "Thank God Eros. Sinaktan ka ba nila? May masakit ba? Anong ginawa nila sayo? Tell me, sabihin mo lang kay Daddy Kurt ang lahat and I will do everything." sunod-sunod na tanong niya na inilingan naman ni Eros at sumubsob sa leeg niya. Bahagya naman akong napag bungisngis kaya napatingin siya sa akin. I feel sorry sa sinabi ko sakniya kanina dahil sa nakikita ko ngayon. He cares, but he's not impulsive like me, pinaghahandaan at pinag-iisipan niya muna ang lahat bago siya gumalaw. Nag-lakad na ako palapit sakanila habang nakatingin pa rin kami sa isa't isa, bahagya ko siyang nginitian.
"Sorry Kurt, I should've not said that, nadala lang ako sa emosyon ko at takot na baka ma mangyaring masama kay Eros." I sincerely mumble every word, pero pinanlisikan niya lang naman ako ng mata. "We will talk later lady. Hindi mo alam ang pinasok mo." he said that in a very dangerous tone, napanguso lang naman ako. Tinalikuran niya naman na ako at sinagot ang cellphoneniya na kanina pa pala nag ri-ring.
"Hello Mr. Hans, nasa likod kami ng building" he said that in a monotone voice, mukhang nakatulog na din si Eros sa balikat niya. "Please ask someone to fetch us. Uuwi na kami. Thank you." habang sinasabi niya yun ay masama siyang nakatingin sa akin, napa kibit balikat na lang ako.
to be continue
BINABASA MO ANG
The CEO's Son ('ezuz series #1)
General FictionHighest Rank Achieved 923 of 46.3K in Love Story You only want to forget and escape from your problems, get drunk and lose yourself. You want to be free kahit isang gabi lang. Nakakapagod kasing sumunod, i-please at ipagpilitan ang sarili mo sa taon...