Chapter 18: Tanggap Kita

61 1 0
                                    


Aphrodite Hanael Ascanyo

Hindi ko alam kung paano ako makakatapos ng paper works ko, gayong walang ginawa si Kurt kundi lumandi. Ngayon nga ay siya ang nakaupo sa swivel chair habang kalong niya naman ako at inaamoy amoy ang leeg ko. God this is so awkward, sinubukan kong pumalag but he locked me in his arms.

"Amoy baby" he whispered and I don' t know why I find it sexy. Napairap na  lang ako sa kawalan dahil sa mga pumapasok sa isip ko. "Wala ka ba talagang balak patapusin ako?" inis na sabi ko na tinawan lang naman niya. "Well it's a matter of concentration babe, focus on what matters. Why? Am I that destructing?" he whispered. I can feel his breath at my neck, blowing my senses away and that's it, I stand on my feet at binatukan siya.

"Ouch. Why?" natatawang sabi niya pa habang hinihimas ang ulo niya. "Anong why? Ikaw dapat tinanatanong ko? Why are you here at anong drama mo kanina?" I said habang nakataas ang isa kong kilay. Nginisian niya lang naman ako. "Well, gusto lang kita makita, I miss you?" hinila niya ulit ako pabalik sa pagkakaupo ko sa binti niya and mas naging awkward ang posisyon namin ngayon dahil mas napalapit ako sa kaniya. I'm now reminding myself na friends is friends and hindi dapat ganito. "You know friends don't do this kind of stuff, and nag-usap tayo na friends lang muna diba? Bakit lagi kong kelangan ipaalala sayo." nginisian niya lang ako, kung madali lang mapunit ang mukha baka kanina pa punit ang mukha niya kakangisi niya. "Well, we're friends pero ibang level." kinunutan ko siya ng noo "Ibang level?" medyo may inis at kyuryosong tanong ko. 

"Well nasa intimate level tayo, friends na may halong kalandian." he said while laughing, habang ako ay nanlalaking mga mata at inis na hinampas siya. "What the? Are you saying na parang friends with benefits tayo? Gago ka ba?" sabi ko habang patuloy siyang hihampas at dahil sa hindi na ata kinaya ng swivel chair ko ang kalikutan namin ay natumba ito at parehas kaming nahulog sa sahig. Napadagaan ako sakaniya at imbis na indahin ang nasaktan niyang likod at ang bigat kong nakapatong sa kaniya, ay pinagpatuloy niya lang ang pag tawa at hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko para mapigilan ako sa balak kong pag tayo. "Stay." he said at inabot ng isang kamay niya ang ulo ko para ihilig sa dibdib niya while his other hand ay nakapulupot pa rin sa bewang ko and I was a bit shocked ng nag simula na siyang kumanta. Sinubukan kong iangat ang ulo ko para tingnan siya pero mas siniksik niya lang ako sa dibdib niya. Hindi ko tuloy mapigilang amuyin siya, I can smell the forest, woods and leather from him, he smells so manly and luxurious.

'The stars beneath the sky they tell me you're a secret.
And every time I wake up in the morning
Rain is falling down on me; I feel free.'

Pinili ko na lang na ipikit ang mga mata ko at humilig asa dibdib niya habang pinapakinggan siya kumanta. I tried to stop myself from smiling like an idiot, but failed. How can this man be so perfect? Wala ba siyang kapintasan? Is he really good at everything?

'You caught me by surprise. I asked you to believe me.
Without a lie we'll never have to say and feel we're sorry.
Don't say we're sorry. Soon you'll see.

I'm learning, I'm learning you now.
Stars fading, free falling into you'

He sings like he's talking to me and I just found my self in tears. He's voice is so manly and calming. Kung kaya ko lang Kurt. Kung sana noon pa lang nagkita na tayo baka ikaw na, kaso sa sitwasyon ko, hindi na pede. 

'This time I'm sure of what I'm looking for.
And that's what I want you to know.
And I won't ever let you go, let you go'

He whispered the last words and I just cried harder, I tried to stop myself from sobbing by biting my lips, but failed and shit I don't even know why am I crying. Napatawa na lang ako sa sarili ko.   

"I'm sorry, lagi ka na lang naiyak dahil sa akin, but promise I will protect you. Ikaw at si Eros, mahal na mahal ko kayo." I feel him kissing my hair and sniffing it before he sit and dahil nasa ibabaw niya ako, ay nakakalong ako sakanya.

"Why Kurt?" I ask while directly looking at his eyes. "Bakit ako? You're rich, handsome, kind and you literally can have every woman you want. Pero bakit ako pa? May anak na ako." pabulong na tanong ko. Marami pa akong gustong itanong pero hindi ko na magawang magsalita pa dahil sa klase ng titig na binibigay niya sa akin, nakakalunod ang pag-titig niya at natatakot ako na baka hindi na ako makaahon.

"Don't say that, you deserve more. You deserve the world.  Your main problem is hindi ko matatanggap si Eros? If you only knew what I can sacrifice for him, he's my son too, our son and I love him as much as I love you. Open your heart Dite, don't keep me waiting. Hindi mo din mapipigilan ang damdamin mo. You're already falling and I'll make you fall even more yung tipong hindi ka na makakawala pa. Huwag mo nang pinggilin, wala ka dapat ikatakot. Tanggap kita at mahal na mahal ko kayo ni Eros, higit pa sa buhay ko." He was looking intently at me at kitang-kita ko samga mata niya ang sinseridad. How can I stop myself from falling? Well in the first place, did I really tried to stop myself to fall for him? Pinilit kong ipikit ang mata ko kung paano niya alagaan, tingnan at pahalagahan si Eros. Binalewala ko ang posibilidad na mamahalin ako gayong may Eros na ako. Now I feel lucky that I met Kurt, he always made me feel that I'm worth it. I feel sorry for pushing him away.

Everything is perfect and calm as we stared at each other's eyes. I feel warm and safe in his arms. Napunta ang mga tingin niya sa labi ko at dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa akin, I close my eyes and when I feel his lips on my lips, everything stops, my fears and all of my exhibitions was gone. I won't stop myself this time, handa na ako ano man mangyari. He deepened the kiss and wrapped his arms on my waist to pull me closer, while I encircle my arms around his neck to also  deepened the kiss. 


"OH MY GOSH! MY VIRGIN EYES!" agad akong napatayo sa pagkakaupo ko sa hita ni Kurt, muntik pa nga akong matumba dahil sa pagkabigla. Bumaling ako sa pintuan at nakitang nakatayo dun si Gela at nakanganga. "Oh my gosh friend sorry naabala ko ba baby making session niyo? But my gosh Aphrodite Hanael, dito talaga sa office? Saka hindi naman kayo masiyadong wild niyan ah? Pati swivel chair taob." inirapan ko lang siya habang inaayos ang suot kung pencil skirt na medyo nagusot. "Well, so your Ms. Angela? the best actress of this year Philippines Artists Award, I'm Kurt Monteclaro, nice to meet you." pormal na sabi ni Kurt ng makatayo siya at naayos na ang sarili niya. 

"Well Mr. Whoever-you-are, I really do want to meet you too pero di ko ine-expect na sa gantong paraan, tanghaling tapat, omg. Your suffocating my friend, gosh kung hindi ako dumating baka di na yan humuhinga ngayon." natatawang sabi niya, hang mapang-asar na tinitingnan ako. Pero dahil ata sa kahihiyan ay walang lumalabas na salita sa bibig ko at wala akong magawa kungdi irapan lang siya. 

"Gosh girl galit ka ba? Hindi mo na nga ako binati inirapan mo pa ako, pa-two times mo na yan ah. Kung galit ka sige na nga, pasensya ka na, god bless ha." 

to be continue

The CEO's Son ('ezuz series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon