Chapter 11: Kurt meets Eros

142 9 0
                                    



Kurt Nathaniel Monteclaro

"Good Morning Sir here's your coffee and also may iniwan po si Sgt. Moonclaire na bagong report it's in this envelope" pagimporma ng sekretarya ko at maayos niyaing inilapag sa harapan ko ang envelope. Agad ko naman na itong binuksan, this report is all about Mr. Perseus Ascanyo. Dite's father and my son's, Eros grandfather. Why do I need to investigate him?

Well, while digging in Dite's life, we accidentally saw something interesting about Mr. Ascanyo. Isa daw si Mr. Ascanyo sa members ng 'Ezuz, isang secret fraternity at sa sobrang sekretong nga ng grupong nito ay ang hirap magkalap ng impormasyon. Ang nakuha lang namin impormasyon ay isa itong maliit na grupo ng mga mayayaman at matagal ng nai-tatag. Wala pa rin kaming ideya sa kung anong ang ginagawa at para saan ang samahan nila.

I really feel like I need to know all about this fraternity. Feeling ko may kinalaman to sa nangyari noon.


Aphrodite Hanael Ascanyo

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung party and 'over-night' ko sa penthouse ni Mr. Monteclaro at pitong araw na din akong nakakatanggap ng bulaklak galing sakanya pero di naman siya nagpaparamdam bukod sa pagpapadala ng bulaklak at chocolates na si Eros lang naman ang nakain. Kaya tingin ko ay di naman siya gaanong ka-interesado sa akin.

"Mommy I'm hungry, I want a strawberry and chocolate flavor ice cream and also blueberry cheesecake, can you ask someone to bring it here" pangungulit ni Eros it's friday today at nandito siya sa restaurant dahil wala siyang makaksama sa bahay ay dito muna siya para mabantayan ko at ako na din ang kumaon sakanya kanina from school. Agad kong nirequest sa kitchen ang sinabi niya at pinakisuyuan na ipadala na lang sa office ko.

Bago ko balikan ang mga binabasa at inaayos kong report ay sandali kong tinitigan si Eros mula kasi ng pagdating niya dito ay walang sawa na niyang pinanunuod ang Inuyasha, at ngayon nga ay ginagaya niya pa yung batang fox sa palabas, nagtatatalon din siya sa sofa napailing na lang tuloy ako habang napapangiti.

Nakakatuwa lang panuorin kung gaano siya kainosente, ka care-free at contended. Napaisip ako kung hanggang kailan kaya siya magiging ganiyan? I feel like I don't want him to grow na, I just want him to stay like that. Natatakot ako na baka pag dating ng panahon mag-tanong siya tungkol sa tatay niya, ano namang i-sasagot ko? Pano ko ipapaintindi sa kaniya na hindi ko kilala ang tatay niya and that he is a product of a one-night casual sex?

Iniisip ko pa lang yun ay para na akong nasasakal at kinakapos ng hininga.

Agad akong napabalik sa wisyo ko ng tumunog ang telepono dahil sa pagkataranta ay dali daliko itong sinagot "Miss may bisita po kayo, papapasukin ko po ba?" bungad nito sa akin. Napaayos ako ng upo "Bisita?" pabalik na tanong ko dito "Opo Miss, si Mr. Monteclaro daw po ng Emerald Hotel and Restaurant. Papapuntahin ko po ba sa dito sa office or sa dining hall? Naghihintay po kasi siya ngayon sa receiver's area" nanalaki ang mata ko. Ang mokong na yun anong ginagawa nun dito ng walang pasabi?

Napatingin ako kay Eros na madungis na kinakain ang kaniyang ice creams at blueberry cheesecake. Pano na ito ngayon? Di ko naman to pwedeng iwan na walang bantay. "Lead him here. Pakisabi din sa kitchen na magdala ng snacks and drinks dito. Salamat Arianne" bilin ko "Copy Miss" pagkasabi niya nun ay lumabas na ulit ito.

Wala pang ilang minuto ay may kumatok na sa pintuan at walang pasabing binuksan yun. Napatayo tuloy ako mula sa pagkakaupo ko sa aking swivel chair ng pumasok dere-deretso ssa pag-pasok si Mr. Monteclaro na naka black na polo, black slack at may dala-dalang isang boquet ng red roses.

Nakangisi ito at direktang nakatingin sa akin. "Hi babe! Did you miss me?" tanong nito at dire-diretsong naglakad papunta sa akin, hahalik na sana ito sa pisngi ko pero iniwas ko ang mukha ko at tumingin sa direksyon ni Eros na ngayon ay masamang nakatingin sa bagong dating, agad itong tumakbo papalapit sa akin at pumagitna sa amin ni Mr. Monteclaro.

"Hey Mister, you have no rights to kiss my mom" nakasimangot na sabi nito habang pilit niya din tinutulak si Mr. Monteclaro papalayo sa akin. Ang akala ko ay magulat ang mokong sa kaalamang may anak na ako, pero mukhang tuwang tuwa pa siya kay Eros, lumuhod pa siya para magkapantay sila.

"Sorry young man. Kung nakita agad kita I will not recklessly do that. I don't want to corrupt your young mind" sabi nito at ginulo ang buhok ni Eros na parang na hypnotize sa kanya. "You're that guy po, the guy that I watched sa news." manghang pahayag ni Eros at agad na lumingon sa akin "Mom do you remember him? He's my ka-look-a-like po" natutuwang pahayag niya pa na naging dahilan para mas lalo pang matuwa sa kaniya si Mr. Monteclaro.

"This young man here is very brilliant. Alam na alam kung kanino siya nag-mana. Isang high-five nga diyan man" tuwang-tuwa naman na nakipag high-five si Eros sa kaniya at nagkaroon na nga sila ng sarili nilang mundo. Parang bumalik rin sa pagkabata niya si Mr. Monteclaro. Sinamahan niya si Eros sa panunuod ng Inuyasha, na napag-alaman kong paborito din pala niyang anime.

And for the rest of the day ay walang ginawa ang dalawa kundi ang magkulitan at kumain, habang ako naman ay pinagpatuloy ng tapusin ang mga trabaho ko at paminsan-minsan ay natutuwang pinapanuod sila.


to be continue

The CEO's Son ('ezuz series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon