Chapter 74: Together Again

3.9K 65 1
                                    

A/N:nga pala guys nakalimutan kong ilagay na after 2 weeks na pala to......

........

Artemis POV

Hapon na nang makarating ako sa bahay namen, pero nagtaka ako kase nakabukas ang gate ng bahay,kaya nagpark ako mga 5 meters ang layo mula sa bahay, naghintay muna ako ng 5 minutes dahil nagbabakasakali akong may lumabas mula sa bahay, pero wala...So Kinuha ko ang baril ko at lumabas ng kotse, dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay....

Pumasok ako sa gate, at nakita kong bukas rin ang front door, maglalakad na sana ako pero nahagip ng mata ko ang mga tulo ng dugo... Tiningnan ko ng mabuti, at mukhang bagong tulo pa lang to.. Nagsimula na akong kabahan, hindi ko alam kung anong sosorpresa saken sa loob ng bahay...

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagdesisyon akong sundan kung saan papunta ang mga bloodstains sa sahig, mas lalo akong kinabahan... umakyat ako ng hagdan,dahil paakyat ang direksyon habang nakatutok ang baril ko sa harap..

Mas mabuti ng maging handa para maagapan...Sinundan ko kung saan papunta ang mga ito, hanggang sa tumigil ito sa Tapat ng kwarto namen....mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, nakasarado ang pinto kaya hindi ko makikita kung ano ang nasa loob....Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ang pinto o hindi...Hahawakan ko na sana ang doorknob pero napaatras ako dahil nagdadalawang-isip nga ako diba..

Huminga ako ng malalim,hinawakan ko na ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pintuan, sumilip ako sa loob, at nakita kong may dugo ang bawat sulok ng kwarto...Ngayon hindi na kaba ang nararamdaman ko, kundi takot.... dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nang makapasok na ako, dahan-dahan akong lumapit sa higaan, para kasing may nakahiga...pero hindi gumagalaw...

Nang makalapit ako sa higaan, napahawak ako sa bibig ko dahil puno ng dugo ang kumot ng higaan, nakatalukbong ng kumot kung sino man ang taong nakahiga, hinawakan ko ang kumot at dahan-dahang ibinaba, para malaman kung sino ang nakahiga... nang matanggal ko na ang kumot ay ganun na lamang ang pagkagulat ko dahil sa nakikita ko..."Kurt"sambit ko..at di ko maiwasang mapaluha..pero bigla na lang dumilim ang buong paligid....

Third Person's POV

"Will she be okay?"tanong ni Hera sa Doktor.."Yes as long as she regain her health, and I advise na pakainin nyo sya ng mga masusustansyang pagkain and hindi sya pwedeng magutom... "sabi ng doktor...tumango naman silang tatlo dahil naiintindihan nila.."Wala po bang nangyareng masama sa baby? "tanong ni Aphrodite.."The baby is healthy, kaya walang masamang nangyare sa kanya, but kailangan nyo pa ring sundin ang advice ko okay?"paalala ng doktor...

"Yes, dok, Arigatou Gozaimasu.."sabi ni Athena..."Okay thats all, if you have any questions, just call my office number okay?"sabi ng doktor at umalis na ito. Napatingin naman agad silang tatlo sa kaibigan nila, umupo si Aphrodite sa upuan malapit sa higaan, at ang dalawa naman sa sofa.."Natawagan mo na ba sya Athena?"tanong ni Hera, "Yup, sabi nya ongoing na daw sya"sagot ni Athena...

Napatingin naman si Aphrodite kay Artemis dahil napansin nyang tumutulo ang luha nito..."K-Kurt" sambit ni Artemis, "Mukhang may napapaniginipang masama si Artemis about sa asawa nya.."sabi ni Aphrodite...."Yan nga ang mahirap kapag may asawa ka na, masyadong kumplikado ang buhay. Nakakabadtrip."hugot ni Hera.."Bakit Hera nakaexperience ka na ba?"tanong ni Athena,"Nope at wala akong balak...."Sabi ni Hera..."Pero sigurado ako si Aphrodite may balak yan"sabi ni Athena, napalingon naman si Aphrodite sa kanilang dalawa...."Tumahimik nga kayo dyan!"saway nya habang namumula pa, napatawa na lang ang dalawa...


Artemis: The Mafia Hunter(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon