Puro galit at hinagpis ang nararamdaman ko, maging ang sakit ay hindi ko alam kung saan napunta. Ang alam ko lang ngayon ay hindi tumitigil ang mga luha ko sa pag tulo, ang mga luhang puno ng galit at paghihiganti. Pagsisisihan nilang ginalaw nila ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko, pag sisisihan nilang pinatay nila ang nanay ko!
Humahangos si Uno na pumasok sa loob ng aming bahay at saka lumuhod sa sahig upang mapantayan ako, niyakap niya ako ng mahigpit pero parang hindi ko siya maramdaman. Tila ba naging yelo ako at na estatwa ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig.
"Cha, let's go." Inalalayan niya ako patayo sa sahig at nanghihina pa din ang mga tuhod ko. Puno din ng dugo ang mga kamay at damit ko.
"Uno..." mahinang tawag ko sa kaniya. "Where's my, and dy? P...patay na din ba sila?" when that thing comes up into my mind parang na ubusan ako lalo ng lakas. What if? What if my parents is also dead? Paano na ako, paano pa ako mabubuhay?
"No. They're still alive, ligtas sila Cha. So you have nothing to worry tara na." parang nawalan ako ng malaking bato sa dibdib ko at naka hinga ng maluwag. Sumunod na ako sa kaniya sa labas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Pinaharurot niya ito sa lugar na hindi ako pamilyar.
"You can stay here for a while." pumasok kami sa condo niya. Walang imik akong umupo sa kaniyang sofa, I'm so tired, everything's not okay. I want to rest, but how? Lalo na ngayon na hindi ko alam kung na saan ang mga magulang ko, are they really safe? If they're safe mas mabuting wala muna sila sa tabi ko para hindi sila mapahamak.
"Uno, thank you." Out of nowhere ay nag pasalamat ako sa kaniya. Siguro kung hindi niya ako sinundo sa bahay namin ay naka upo pa din ako do'n hanggang ngayon. Hindi niya ako sinagot at bigla na lang ako hinagisan ng damit.
"There's the bathroom, clean your self." pumasok na siya sa kwarto niya at mukha nag pahinga na. Pumasok na din ako sa banyo at naligo. Matapos kong maligo ay sinuot ko ang bathrobe na naka hang sa likod ng pintuan ng panyo dahil inaantay ko pang matuyo ang underwears ko. Binuksan ko muna ang tv at nanuod ng palabas. Gusto ko munang libangin ang sarili ko para hindi ko muna maisip ang nangyari sa bahay namin.
Matapos manuod ng tv ay nag palit an din ako ng damit isang boxer short at pinagliitang t shirt ni Uno ata itong pinahiram niya sa akin. Kinatok ko ang pinto niya pero walang nag bubukas, kaya binuksan ko na lang ito. Nakita kong naka pikit lang si Uno sa kama niya mukhang nagpapahinga siya kaya na isipan kong mag luto ng dinner, tutal pareho naman kaming hindi pa kumakain.
Sinilip ko ang laman ng ref niya kumpleto naman sa rekados, 'yun nga lang hindi ako marunong mag luto. I just know how to bake, but not to cook. Naisip ko bigla ang chop suey, it's just a mix vegetables siguro naman ay madali na lang 'yon.
Kinuha ko ang repolyo, sayote, patatas, kangkong, malunggay, ang mini corns, at carrots. At may tirang baboy naman sa ref kaya hinawa ko ito ng pino. Hiniwa ko na din ang iba pang mga gulay, una kong isinalang ang tubig na may toyo, asukal, asin at betsin. Nag hiwa din ako ng luya at saka tinabog sa kakaunting tubig. Sunod na inilagay ko ang mga gulay hanggang sa kumulo ito ay nilagay ko na ang baboy. Maya-maya pa ay luto na din ang chop suey, thank you naman at 'di ito sunog.