Chapter 14

414 17 5
                                    

Gulong gulo pa din ang utak ko until now, I can't still find myself. Nahihirapan pa din akong unawain lahat ng sinabi ng mga sindikatong 'yon, no, no! They're not ordinary gangsters, they have some powers. Some super natural powers, at sa tingin ko ay ako ang pinaka malala sa kanila dahil feeling ko ay nananaginip lang ako. Hanggang ngayon sa bahay ay pa ulit ulit pa din ang mga sinabi nila sa utak ko, it's keep rewinding, repeating, parang tangang gustong ipaintindi sa akin ng sarili ko ang mga sinabi nila.


Na gulat naman ako sa biglang pagkatok ni Mommy sa pinto ng kwarto ko.


"May I come in?" tiningnan ko lang siya. Dumagdag pa si my sa lahat ng 'to, don't tell me she set another blind dates for me, too much my! It's too much! Masyado ng nagugulo ang buhay ko ng mga alien na 'yon, please sana ay tumigil na din kayo sa pag gulo ng buhay ko. I'm tired of understanding everything!


Tumabi naman si Mommy sa akin sa mini couch sa loob ng kwarto ko, Shocked? Oo dahil sa ginawa ni Mommy. Kung papasok man siya sa kwarto ko at kakausapin niya ako ay paniguradong susukatin niya muna ng tatlong ruler ang pagitan naming dalawa. 


"Cha," panimula niya. I just look at her, innocently. Wala akong ideya kung anong pag uusapan namin dahil unang una pinanimulan ni Mommy ang pakikipag usap sa akin ng malumanay. 


"I'm sorry..." At ngayon mas lalo pa akong na gulat, I can't even imagine this day would come. 'Yung araw na matagal ko ng hinihintay, the day my mom would actually say sorry to me. Bakit? Simple lang humihingi siya ng sorry dahil alam niya na ang pagkakamali niya, ang pagkakamaling ako ang sinisisi niya all this years.


"I know Cha, the years passed have been hard to you. I'm sorry, anak. I know it's all my fault, ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganito ang pamilya natin, I'm sorry." Her eyes were very sincere looking at me. My, why? Bakit ngayon lang, but hindi naman ako demanding. I'm so happy finally, I can see na maaayos na kami.


"Anak, I don't know if you can forgive me. Pero Cha i just want you to know that I'm still your mother. Kahit anong mangyari nanay mo pa din ako, and i still care for you. I hope you believe me, Cha." Unti unting pumatak ang mga luhang kanina pa nag babadya sa mga mata ni Mommy, at nang dahil sa mga luhang 'yon ay pumatak din ang mga luha ko. Damn it! She's still my mother, at 'di mo kayang nakikitang umiiyak ang nanay mo. 


"My, don't cry. It doesn't suits you." biro ko pero mas lalo siyang na iyak. What, did i say something wrong? This is the way I act when I'm with mom no'ng panahong buhay pa si Kuya. Close na close kaming dalawa. "My, I said hindi bagay sa'yo ang umiiyak, mas bagay ang mag taray at naka ngiti." tumawa siya ng bahagya at pinunasan ang kaniyang mga luha.


"Can you do me a favor?" tumango ako. "Can you hug me, anak?" she spread her arms at inaantay na yakapin ko siya, as what she ask for niyakap ko siya, 'yung pinaka mahigpit. Ngayon ko na lang ulit na ramdaman ito, ang saya saya, ang luwag sa pakiramdam. 


Kuya, finally! Maayos na ulit ang lahat ikaw na lang ang kulang, masaya na ulit sana tayo. I miss you so much, Kuya. We miss you so much, and it hurts that you can't be with us anymore. 


"Oh, bakit kayo nag sosolo? Pasali naman sa yakapan na 'yan!" tumakbo si Daddy papalapit sa amin ni mommy at dinamba kami ng katawan niyang mabigat at ikinulong kami sa mahipit niyang yakap. 

The HydraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon