Chapter 10

444 18 2
                                    

Pag pasok ko sa building ng Red Seniors ay agad akong pinag tinginan ng mga estudyante. Malamang dahil ito sa namamaga kong labi, nag lagay naman ako ng concealer para matakpan ang pasa.

Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad at hinayaan ko na lang na pag tinginan at pag usapan ako ng nga tao. Wala naman akong magagawa kung gusto nila akong pag tsismisan.

Hindi ko namalayang may lalaking mabilis na nag lalakad at na sanggi nito ang braso ko. Napa atras naman ako hindi gano'n kalakas ang pagkakabunggo niya sa akin pero para akong lantang gulay.

Para bang 'di niya ako nakita at hindi niya alam na may na bangga na siya tao dahil nag tuloy pa din ito sa kaniyang pag lalakad.

"Manners, mister!" Sigaw ko at hinigit ang polo niya.
Tumingin ito sa akin na parang siya pa itong irritado. "I said manners." Tumingin ako sa kaniya ng masama, at para bang na intindihan niya kung anong gusto kong mangyari.

"Sorry." Binitawan ko siya at tumakbo papalayo.

Nag simula na mag turo si Ma'am Zoila, wala ako sa mood kaya naman wala akong balak pakinggan ang itinururo niya. Antok na antok na din ako, unti unti ng bumabagsak ang mga mata ko ng biglang may padabog na pumasok ng room.

Wow. Hindi ko alam na marunong pa lang pumasok ang lalaking ito, Uno. At ka klase ko pala siya sa research 3 at 4.

Na huli niya akong naka tingin sa kaniya kaya tinapunan niya ako ng masamang tingin. Itong taong 'to, parati na lang galit sa mundo. Akala mo naman ay inaaway siya ng lahat ng tao. Laki ng problema mo buwiset ka! Mas lalong nag init ang ulo ko dahil kay Uno.

"Rivas. You look busy day dreaming, care to share?" Hindi ko na pigilang mapa ikot ang mata dahil sa sinabi ni Ma'am Zoila.

"Clinic lang." Kinuha ko ang bag ko at hindi na inintay ang isasagot sa akin ni Ma'am.

Bigla namang nag ring ang phone kaya nilabas ko ito mula sa bulsa ko.

Mommy Calling

Bakit naman kaya siya tumatawag? May na gawa na naman ba akong kasalanan? Wala naman. Hindi naman ako nag cut ngayon, nag paalam naman ako na mag clinic ako.

"What took you so long?" Irritadong tanong niya mula sa kabilang linya. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"May klase pa ho ako my, nag paalam lang po ako sa prof ko." Hindi niya kasi alam kung kailan lang ako may free time, si daddy lang kumuha ng schedule ko. Since si daddy lang naman ang may paki.

"Anyway, you have to meet someone tomorrow iha." Biglang naging malambing ang boses nito, ano naman ba 'to? Sino naman ang kailangan kong makita? Kanino na naman niya ako ibubugaw?

"Tomorrow 8 pm, you have to meet Adella's Son." Do I have a choice, even if I have. Si mommy pa din ang masusunod. I hang up the call dahil masiyadong masakit ang ulo ko. I don't want to talk to anyone. Kung nandito lang si Monica, at si Ron. For sure they know what to do.

Nag ring ulit ang phone ko, she's calling again. Hindi pa ba tapos ang mga ipagagawa niya sa akin.

"So you learned something from that new circle of friends, bastos ka na ba Cha? You hanged up the call without saying anything!" Ramdam ko ang galit ni mommy mula sa kabilang linya dahil naka sigaw na ito.

"I'm going, okay? There's nothing to worry about. I don't break promises. I'm going to end the call now." Ngayon ko lang sinagot ng pabalang ang mommy, I always respect her dahil 'yun ang itunuro niya. Respect the elders.

Nag lakad ako papunta sa tambayan ng mga Hydra, sila lang ang p'wede kong malapitan ngayon. I don't know if I could tell them my problem, or p'wede naman siguro mag vent na lang sa kanila.

Pag pasok ko sa pintuan ay sumalubong sa akin ang vase na naka display sa lamesa, tinitigan ko lang ang vase na 'yon.

Is it hard to accept my? Hindi ako ang pumatay kay Kuya, I am not at fault. Nawalan din ako, he's my brother and my best friend. Hindi lang kayo ang na sasaktan! Ako din!

Biglang na basag ang vase at ang mga baso. What happened? I just stared at it. Dahil ba na galit ako? Is this part of my power?

Nag mamadaling tumakbo papalapit sa akin si Dos, nakita nilang napuno ng bubog ang sahig at basag na lahat ng kanila baso.

"Cha? Anong nangyari?" Tanong sa akin ni Dos. Tumingin ito sa akin at inilipat ang tingin sa kamay kong kanina pa naka kuyom ng mahigpit.

Naramdaman kong tumulo ang luha ko, I just want to let it all out. Pero hindi sa harap ng mga taong ito, kaya agad kong pinunasan ang luha ko.

"I'll just go get some fresh air." Paalis na sana ako ng bigla na namang lumiwanag ang pulso ko at sumikip ang dib dib ko.

"Ahhh!" Ngayon ay mas masakit ito kaya napa ubo ulit ako ng dugo.

"Cha!" Sabay sabay silang lumapit sa akin dahil sa pag aalala. Hinawi ko sila at tumayo na lamang at lumabas na ng tuluyan.

Pag labas ko ay nakita ko si Uno naka sandal sa pader at nag sisindi ng sigarilyo. I grabbed his cigarette at parang gusto kong subukan, pero sa huli ay hinagis ko ito sa malayo. I hate smokes.

Umuwi na lang ako kahit na hindi pa naman puwedeng lumabas ng school. Kaya tumakas na lang ako sa mga guard. Tinext ko na din ang driver namin na 'wag na akong sunduin.

'Pag pasok ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng katulong namin.

"Ma'am dumating na nga po pala ang daddy niyo, nando'n po siya sa office niya." Tumango lang at hindi pinansin ang sinabi niya. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig.

"Cha, you're already home? Five pa ang dismissal mo 'di ba?" Nag mano ako at tumango na lang. Sorry dy, wala lang talaga ko sa mood makipag usap kaya umakyat na ako sa kwarto ko.

Biglang pumasok si daddy sa kuwarto ko at umupo sa kama katabi ko.

"May problema ba Cha?" Humiga ako sa kama at tumalikod kay daddy. No words came out from my mouth, puro lang luha ang lumabas sa mata ko.

"Do you still blame me dy for kuya's death?" Tuloy-tuloy pa din ang mga luha ko sa pag tulo.

"I'm still hurting dy, I lost my brother, and I feel like I lost my mother too. You're the only one I have dy." He tapped my back.

"Everything will be okay Cha, okay? I will fix it." I hope so dy, I hope so.

——

I can read everyone's mind, except her mind.

——

EDITED. 12-30-14

Vote & Comment

The HydraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon