Pumasok ako sa office ni Daddy at hinanap ang susi ng kotse ni Kuya, ilang taon na din naman 'tong naka tambak sa garahe at naisipan kong imaneho ulit dahil baka masira lang ito kung hindi gagamitin, at saka wala pa din naman sa manila ang mga magulang ko kaya hindi nila malalaman kung ginamit ko ba ito o hindi. Incase of emergency kinuha ko ang student's license ko kakapagawa ko lang nito last birthday ko. Dahil sa panibagong kurikulum ng bansa ay grade 12 pa lang ako ngayon at hindi college.
Binuksan ko ang isang maliit na kabinet sa office ni Daddy kung saan naka sabit lahat ng mga susi at hinanap ko ang kay Kuya. Nang makita ko 'yon ay dumiretso ako sa garahe. Pero bigla naman akong hinarang ni Manong.
"Ma'am saan po kayo pupunta?" tiningnan ko lang siya at nag patuloy papunta sa sasakyan ni Kuya. "Ma'am ako na po mag mamaneho, baka ho mapaano kayo sa daan."
"I can do it, Manong. No need to worry naturuan na ako ni Kuya dati, and i still remember how to drive." Ngumiti ako at saka sumakay sa kotse at pinaandar ito.
Maingat akong nag maneho papuntang school, biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Tres. Kailangan namin mag kita sa parking lot dahil pupunta kami sa BUG. Binilisan ko pa ang pag mamaneho dahil baka isipin ng mga sindikatong 'yon e nag papa importante ako.
May iilang mga sasakyan ang naka hazard sa labas ng school, ano bang mayro'n? Biglang lumabas sa isang sasakyan si Francis. Kaya itinabi ko na din ang sasakyan ko.
"Ang bagal mo." Malamig na tugon sa akin ni Uno. Inirapan ko lang siya at dumiretso kay Tres, sadyang maaga lang sila.
"You're just to early." Malamig ko ding sagot sa kaniya. Napansin kong iisa ang kulay ng suot nila. They're not wearing school uniforms. Lahat sila ay naka formal coat and slacks na itim.
"Cha... sa tingin ko ay mas mabuti kung mag papalit ka ng damit bago tayo pumunta sa BUG." Sabi ni Bianca. Tiningnan ko ang suot ko, polo at palda at itim na sapatos, school uniform. May mali ba sa suot ko? Saan ba kasi 'yang BUG na 'yan?
"Sumama ka na lang Cha, baka ma late pa tayo sa BUG." Itinulak nila ako papunta sa kotse ni Kuya, naka hazard kami at sinundan ko lang sila. Nag iba ng daan si Uno, siguro ay mauuna na siya sa BUG.
Pumasok kami sa isang masikip na eskinita, at ang dulo ng eskinitang 'yon ay isang hindi kalakihang mall. This mall exist? Ngayon ko lang nalaman na may mall sa eskinitang 'to. Nag park sila kaya nag park na din ako.
"Cha, welcome to Quatro Pavilion pag aari ito ni Quatro." Tumingin ako kay Bianca, in the age of 18 may mall na siya? Grabe hindi ko talaga alam anong mayro'n sa grupong 'to.
"Talaga? Kailan pa itinayo ang mall na 'to? Bakit halos walang nakakaalam." Tanong ko sa kanila, sabay sabay silang tumingin sa akin.
"Hindi ito nakikita ng mga normal na tao." Hay, ayan na naman sila sa mga usapang hindi ko maintindihan. Tumango na lamang ako at sumama sa kanila sa loob. Pumasok na kami sa loob at na unang pumasok sa isang salon.
"Touch of blue please." Inumpisahan ng galawin ng babae ang buhok ko.
"Papakulayan niyo ang buhok ko? Hindi p'wede!" Tumawa si Chris sa reaksyon ko. "What's funny?" Tanong ko.
"Hindi makikita ng normal na tao ang kulay ng buhok mo, ibang klase ang ilalagay ni Patricia sa buhok mo. Agad na malalaman ng iba na hindi ka normal kapag nakita nila ito." Kung gano'n pati ang mga kulay nila sa buhok walang ibang nakakakita?
"Pati 'yang kulay ninyo sa buhok." Tumango silang lahat ng sabay sabay.
"Colors represents what you can do, as of now... hindi pa natin alam kung anong kaya mong gawin." Tumango na lang ako ulit dahil ayoko ng mag tanong at maka tanggap ng sagot na hindi ko naman maintindihan.
Matapos ang pag aayos sa buhok ko ay dinala nila ako sa isang store kung saan mukhang mamahalin ang mga damit. Binigyan nila ako ng isang itim na jumpsuit at feather coat, nang isuot ko 'yon ay init na init ako. Sino ba naman ang mag fe-feather coat sa kasagsagan ng summer?
"All done. Tara na nag iintay na si Uno." Sumasakay na ulit kami sa kaniya kaniyang sasakyan at gaya kanina sumunod lang ako sa kanila. Pumasok ulit kami sa isang maliit na eskinita, ito 'yung eskinitang tahimik at walang tao. Ito 'yung eskinita kung saan kami nagkita ni Uno.
Tahimik lang ako nag maneho hanggang sa huminto silang lahat at bumaba sa kani-kanilang sasakyan kaya bumaba na din ako. Tahimik lang akong sumunod kung saan sila nag papasok na pinto. At sinalubong kami ni Uno.
Tumingin ito sa akin at binawi din agad. Problema no'n? Bigla niya itinapat ang kaniyang pulso sa isang pinto at agad itong bumukas.
Bumungad sa akin ang isang madilim na function hall na puno ng salamin ang paligid, isang malamig na hangin ang dumampi sa balat ko, nakakapangilabot, nakakatakot. Biglang may tumutok na ilaw sa amin at naka tingin lahat ng tao. Hindi ako makakilos dahil hindi ako sanay sa atensyon na ibinibigay ng mga tao dito.
"Just in time Uno." Ani ng lalaking na sa stage. Tumingin siya sa akin na para bang kinikilatis ako, isang matinding pag taas ng palahibo ang na ramdaman ko.
Nag lakad si Uno papalapit sa stage at sumunod naman sila Dos, ako ang na sa dulo at hindi ako inaabot ng ilaw. Gusto kong tumakbo papalabas sa lugar na 'to, gusto kong umalis dahil maling mali ang desisyon kong sumama sa kanila dito.
"Attention everyone, this night is a very special night." Tumaas na naman ang mga balahibo ko, anak ng ano ba ang mayro'n sa pananalita ng lalaking 'yon at nakakatakot. Para bang lahat ng tao dito ay nakikinig sa kaniya.
"Everyone," Huminto ito saglit at napa tingin sa dereksyon ko. "Please welcome, no other than the Hydra's Superior." Imbis na palakpakan ang na rinig ko, ay bulungan ng mga tao.
Nahanap na nila ang kanilang pinuno?
Ilang taon na siyang nawawala. Bakit ngayon pa siya nag pakita?
Babae ulit ang pinuno? Hindi kaya matulad ito sa nangyari noon? Baga mabigo rin siya sa kaniyang tungkulin at misyon.
Hindi ko pinansin ang mga bulong-bulongan sa aking paligid. Hindi ko alam kung anong nag tulak sa akin para umakyat sa stage, lumamig lalo ang paligid kasabay nito ang pag lamig ng mga mata ko, at na wala na naman akong maramdaman.
"Black Feather, ha." Ngumisi ang kaninang lalaking nag sasalita sa mikropono at saka umalis at iniwan akong mag isa sa entablado. Nang maka alis ito ay na gulat ang mga tao maging ako dahil umuulan ng black feathers, what is happening?
Nang mapa tingin ako sa isang madilim na parte ng kuwartong ito nakita ko ang isang pamilyar na mukha, napansin niya 'atang naka tingin ako sa kaniya at agad itong nawala.
-
EDITED. 5/9/18
Vote & Comment.