Chapter 4: Blue
Sa sumunod na araw ay walang respetong pumasok sa room namin si Margotte at Francis at hinila ako patayo sa upuan ko, mga bastos ba sila? Kita naman na may prof sa unahan at nag le-lesson siya.
"Ms Fox, Mr Sy... to the detention now." Nakipag titigan lamang si Margotte at Francis kay Sir Rodique at parang walang na rinig. "You are disturbing the class Ms Rivas, go out." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Sir Rodique.
"Sir, I don't know them bakit po ako ang lalabas at hindi sila?" Nakakainis pati ba ang nga prof tinatakot ng mga taong 'to!
"Out Rivas!" Dali dali akong hinila pa labas nila Margotte, ano na naman ba ang gusto nilang mangyari? Gulong gulo na 'yung buhay ko o!
"What the hell is wrong with you? Hindi niyo ba nakikitang nag aaral ako do'n? Ganiyan na kayo ka bastos?" Para bang wala silang na rinig at kinaladkad lang nila ako papunta sa likod ng parking.
"Uno." Tawag ni Margotte sa lalaking naka sambakol ang mukha habang humihithit ng yosi. "We need to tell her everything, what I mean by everything lahat ng tungkol sa atin at sa sarili niya." Tumayo si Uno mula sa pag kakaupo sa at itinapon ang kaniyang sigarilyo sa malayo.
"Go, tell her everything Dos. Goodluck, for sure that woman wouldn't belive you." Ngumisi siya at umalis na sa maliit na bahay sa likod ng parking lot.
"Break up with your boyfriend Cha," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. At bakit naman ako makikipag hiwalay kay Ron? Kahit ilang rason pa ang ibigay nila sa akin hindi ako makikipag hiwalay sa kaniya.
"I can see what's going to happen Cha, he's cheating on you. Break up with him." Tinuruan din ako ng mga magulang ko na kapag galit ako hindi na muna dapat ako mag salita, I stayed quiet. Bahala silang mag salita.
"Listen to me Cha, alisin mo lahat ng taong makakasira sa'yo. Break up with him." Talaga namang nag mamarunong siya.
"Shut up." Mariin at malamig kong sagot sa kaniya.
Umalis na ako do'n dahil hindi ko na kayang pakisamahan ang mga tao ro'n. Ang mga magulang ko kahit na kailan hindi nila hiniling sa akin na hiwalayan ko si Ron, ngayon siya na isang lang namang hamak na autistic o baliw sa school na 'to inuutusan akong makipag hiwalay sa boyfriend ko.
Absent si Mons kaya wala akong kasama, wala akong mapag labasan ng sama ng loob. Si Ron hindi ko rin alam kung na saan, sana lang talaga matapos na ang eleksyon na 'to para naman magka oras na siya sa akin ulit. Pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Margotte kanina.
"I can see what's going to happen Cha, he's cheating on you. Break up with him."
Ano siya nakakakita ng future? Ano bang akala niga sa akin gano'n ka tanga, dahil sa sobrang galit ko kay Margotte umakyat akong rooftop. I want to scream, 'yung tipong luluwa na ang lalamunan ko.
Malakas na hangin ang humampas sa mukha ko pag akyat ko sa rooftop, dinungaw ko kung gaano kataas ang school building na 'to. Huminga ako ng malalim at handa ng sumigaw pero may na rinig akong dalawang taong nag uusap sa sulok.
"Hindi ba ako lang mahal mo?" Agh, ngayon talaga? Ngayon talaga mag d-dramahan? P'wede bang bukas na, o kaya pag wala na ako dito?
"I'm sorry Cath, I promise you. Aayusin ko lang lahat, I love you." Na agaw ng atensyon ko ang boses ng lalaking nag salita, Ron? Ha! Imposible, ako lang ang mahal niya kasalanan 'to ni Margotte e!
"Stop it Ron, I've waiting for almost one year, palagi na lang tayong pa tago. Kung hindi mo kayang iwanan si Cha ngayong linggo, tayo na lang ang mag hiwalay!" Napa ngisi ako, wow. Halos isang taon na nila akong niloloko.
Cath is a bitch, she's my ex friend. Dati kaming mag ka-kaibigan ni Mons at ni Cath. Pero simula ng ligawan ako ni Ron lumayo siya sa amin, sa akin. And now, Ron is cheating with me with my ex friend. Margotte you witch! Nag tutubig ang mata ko, she warned me 'di ba? Sinabihan niya naman ako, damn it.
Dahan dahan akong lumapit kung na saan sila, pinunasan ko ang mata kong nag luluha.
"Ah. I caught you cheating." Tumawa ako ng mapait, paano ko ba nagagawang mag panggap ngayong sobrang sakit na nang nararamdaman ko.
"Surprised? Ako din kasi na gulat e. Pero 'wag ka mag alala, para hindi ka na mahirapan ako na makikipag hiwalay sa'yo. Right now, right here." nanatili akong naka ngiti day bjnkahit na gusto ko ng umiyak sa harap nilang dalawa.
"Cha, wait lang. Let me–" tumawa ako na parang masaya talaga ako. Let him what, explain? Caught in the act na nga e, who needs an explanation?
"Jerk, no one will explain. No one need your explanation!" Tumakbo ako palayo sa kaniya, palayo sa kanila, palayo sa sakit.
Na abutan ako ni Ron at hinila ang braso ko papalapit sa kaniya, he hugged me as tight as he can. Wow, parang ayaw bumitiw ah? E matagal na nga akong binitawan kasi may babae ng iba.
"Cha, I'm sorry please listen to me, please hear my explanation." Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya, o baka tanga lang ako?
"I don't need your explanation, puro lang 'yan kasinungalingan." Itinulak ko siya papalayo sa akin at muling tumakbo pababa ng hagdan.
Ramdam kong naka sunod pa din siya sa akin kaya huminto ako para harapin siya, ngayon ay kasunod na niya si Cath.
"Look who's running like a bitch, kapal naman ng mukha mong iharap pa 'yang mukha mo sa harap ko!" Cha, calm down. Remember what your Kuya told you, 'wag kang mananakit ng iba unless na una ka nilang saktan.
"Cha watch your mouth," pag babanta sa akin ni Ron, ipag tanggol mo pa 'yang babae mo, ang dudumi niyo.
"Ha. Sorry, ganito ako e, hindi mo pa 'ata ako kilala Ron." I said with the most coldest voice.
"Cha, listen to me, please." Humarap ako sa kaniya at sinampal ko siya ng malakas.
"Don't begged for forgiveness, you don't deserve it." Tumulo ang luha ko at madali ko din itong pinunasan. Lumuhod sa harap ko si Ron, na gulat ako sa ginawa niya maging si Cath ay na gulat kaya tumakbo na lang siya palayo sa amin.
"Napag pustahan ka lang. But believe me Cha, I loved you, and I still do. Oo si Cath ang gusto ko noon, pero napag pustahan ka namin I lose kaya kita niligawan. As times goes by, hindi ko namamalayan ang sarili ko na nahuhulog na pala sa'yo." Tumigil siya saglit para tingnan ako sa mata para ipaalam sa akin na seryoso siya sa bawat salitang binibitawan niya.
"Nakipag relasyon ako kay Cath dahil kuya ni Cath 'yung kapustahan ko. Ang sabi niya kapag umabot tayo ng isang taon tutulungan niya ako kay Cath, and now hindi ko alam paano ko ba sasabihin sa kaniya na hindi ko naman talaga siya gusto." Tumawa ako ng malakas, sapat na para marinig niya.
"You already fooled me, but you can't fool me twice. Once is enough, hindi ako 'yung tipo ng tao na nag bibigay ng second chance. Because giving someone a second chance, means giving them another chance to hurt you." Napa sabunot siya sa kaniya buhok, don't act as if you're the one in pain Ron. Ako ang na loko, ako ang napag laruan, ako ang napag pustahan.
"Please Cha, give me a second chance. 'Wag naman ganito, I'm sorry. Alam ko mali ako, please hayaan mo naman akong patunayan sa'yong nag sisisi ako." Not again Ron, hindi naman ako tanga para maniwala ulit sa mga salita mo.
"My decision is final, ayoko na." Walang emosyon kong sinabi sa kaniya. I try to act cool kahit na durog na durog na ako, na para bang masanggi lang ako ay mawawasak pa akong lalo.
He just stared at me with the most saddest eyes I've seen. Pero biglang nag bago ang expresyon ng mga mata niya, napalitan ito ng gulat at takot.
"C-cha. Ang mga mata mo." Nanlamig ang mga mga mga mata ko kaya tumakbo ako papuntang cr.
Tumingin ako sa salamin at na gulat ako ng makita kulay blue na ang mata ko. Anong nangyayari, bakit ganito?