Pilit kong pinakakalma si Neccie, ngayon ko lang siyang nakita gan'yan 'yung galit na galit. Halos gusto na 'ata niyang pumatay ngayon, kahit ako ay natatakot para sa kaniya.
"Cha." Na gulat ako sa tumawag ng pangalan ko. Kaya dali-dali akong nalaglag sa puno. Mabuti na lang at na salo ako ni Uno, baka na balian na ako ng buto kung tuluyan akong nalaglag sa lupa. Lumayo agad ako sa kaniya at iniayos ang aking damit.
"Salamat, bakit mo nga pala ako tinawag. Bakit mag papaturo ka na kung paano makipag usap?" tiningnan niya lang ako ng masama.
"Dos says you were looking for me, may kailangan ka ba?" binilang ko kung ilang words ang sinabi niya. Kahit na malamig ang pagkakatanong niya ay at least marunong naman pala siyang mag approach.
"Ah, 'yon ba? May gusto lang sana akong itanong sa'yo. Pero, alam ko naman na hindi ka nag sasalita so 'wag na lang." tiningnan ko siya. Wala emosyon. Sinusubukan ko kung tatalikuran niya ba ako, o willing siyang mag kwento sa akin. Hindi siya sumagot at naka tingin din siya sa akin.
"Nevermind. Ma una na ako may klase pa ako e, bye." Tumalikod na ako at nag lakad papalayo sa kaniya ng bigla niya ulit akong tawagin.
"We have the same class, let's go." Na una siyang mag lakad at na sa likod naman niya ako. Pumapasok pa pala siya sa mga klase 'no, akala ko ay lagi na lang silang naka tambay sa bahay na 'yon.
Nang maka abot kami sa hallway ng building ay pinagtitinginan kami, o ako ng mga estudyante. What now? Dahil kasama ko si Uno, o 'di kaya dahil sa naka sulat sa seniors board?
Totoo bang may kaaway siya sa college building? Grabe 'no. Mukha naman siyang mabait, pero marami-rami ang nagagalit sa kaniya.
Malay mo ay na iinsecure lang sa kaniya. Siguro dahil ka sundo niya ang dalawang pinaka mailap na grupo sa university.
Kaya maraming galit sa kaniya dahil madami rin kasi siyang nilalandi. Una si Anthony, ngayon naman si Austin.
Austin? Sino si Austin, hindi kaya ang pangalan ni Uno ay Austin? Dahil na inis ako sa sinabi ng babaeng 'yon ay hinila ko si Uno papunta sa tabi ko.
"Tumabi ka nga sa akin, baka akalain pa ng mga babae mo e inaagaw kita sa kanila." Sabi ko sa kaniya, tiningnan niya lang ako at sinabayan ako sa pag lalakad.
"Bakit, hindi ba totoo?" malamig niyang tanong. Alin ang hindi totoo? Ah 'yung inaagaw ko siya sa mga babae niya, nako! Ang kapal nga naman ng mukha nito.
"Hindi. D'yan ka na nga!" Binilisan ko ang pag lakad dahil ilang hakbang nalang nasa classroom ko na ako.
Pag pasok ko sa loob ay nando'n na si Sir Clarke, mukhang kadarating lang din niya at inaayos niya pa sa table niya ang laptop at libro niya. Dumeretso na ako sa bakanteng upuan sa likod.
"Hey, Cha." Pag lingon ko kung sino 'yon ay si Anthony pala. Hindi ko pa din makakalimutan 'yung pang iinsulto niya sa akin no'ng nag blind kami ano, at isa pa. Na iinis pa din ako sa presensya niya. At ako nga 'tong si malas at katabi ko pa 'ata siya sa buong klase.