Kuya Gre this is for you! Haha! :) New friend/KuyaKo!
20★
Carl Rae Jao's POV (UNO)
Nung matapos umiyak si Charlene sa dibdib ko naka tulog na din siya, Tinitigan ko muna siya ng Ilang saglit pa. Mukha pala talag siyang anghel ano, Kanina nung umiyak siya alam ko nung una pang aasar na iyak niya lang 'yon pero nung tumagal alam kong may problema 'tong isang 'to.
Kaya tuloy parang pakiramdam ko kailangan ko siyang protektahan. Alam ko siya ang pinuno ng SM, pero Isa lang siyang simpleng babae sa mata ng mga tao, kahit paniniwala niya sa sarili niya. Ano ba 'tong mga sinasabi ko! Psh!
Binuhat ko na siya at Isinakay sa kotse ko, Sa'n naman bahay nitong babaeng 'to? Inalog ko siya at na gising naman siya.
"Na sa'n ako? RAPIST! " E kung pasabugin ko sa mukha niya 'yung airbag ng kotse ko!
"Bangag ka pa! Anong Rapist? Ikaw nga d'yan ang na tulog sa dibdib ko! " Sigaw ko sa kaniya, Sumandal na lang siya ulit sa upuan at tumingin sa labas.
"Sa'n ba kita ihahatid? Para maka uwi na ako, " Inis kong tanong, Hindi niya ako sinagot at bumaba siya ng kotse. Bastos? Bastos! Buti nga at ihahatid ko pa siya!
Charlene Rivas POV (LIDEO)
Bumaba na lang ako ng kotse ni Uno slash Yabang, Gusto 'kong mag bar, Maka experience man lang. Hay! Napaka dami kong problema kailangan ko muna 'yon kalimutan kahit saglit lang. Ano ba'ng magandang bar na p'wede puntahan? Padis Point? The Oarhouse Pub, Oarhouse na lang. Halos mapatalon ako sa gulat dahil may bumusina sa gilid ko, Aba'y petengene naman nito e!
"Get In! " Boss, Boss? Maka utos 'tong si Uno e.
"Hindi pa ako uuwi, Ma una ka na, 'wag mo 'ko pakielaman! " At mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko, Ang layo naman kasi ng pesteng gate ng school na 'to!
"And where do you think you're going, Huh?! " Kailan ko pa siya naging body guard, My Gahd!
"Mind your own Monkey business! " At tumakbo na ako dahil malapit na akong maka labas ng school, Sakto naman at may Taxi agad akong nakita kaya ipinara ko na.
"Manong sa The Oarhouse pub po. " Tinignan naman ako ni Manong sa salamin, Bakit? Bawal ba akong mag bar? Muka naman akong Eighteen above ah!
"Ma'am kanina pa po naka sunod sa atin 'yung magandang kotse sa likod, " Papaalala ni Manong tumingin naman ako sa likod, Aba naman! Si uno, Bakit dito ba daan pa uwi n'yan?
"Hayaan mo na po Manong, Baka same way lang po. " Hindi na umimik si Manong at nag maneho na lang ulit, Ng makarating na kami sa Pub, Bumaba na ako.
At nag park pa talaga ang sasakyan ni Uno ah, 'Lema nito? Sunod pa din ng sunod?
Lumakad na ako papunta ng Entrance ng Pub, pero may humila sa Oh so flawless braso ko, Hmp!
"So, Dito ka lang pala pupunta, Mag ba-bar ka ng mag isa ka lang? Oh come on Charlene, Are you nuts! " Sumunod siya para sermunan ako? My gahd lang ah!
"P'wede ba, 'Wag mo 'kong ma nuts nuts d'yan! Mag ba-bar ako kung kailan ko gusto, Bitaw! " At tuluyan na akong pumasok sa maingay at madaming taong bar. Umupo ako sa counter at nag simulang tumingin tingin ng alak. Wala akong alam dito e, Poor me!
"Isang martini at tatlong Tequila. " sabi ko sa Barista do'n! Maya maya ay inilapag na niya sa harap ko ang mga inorder ko. Anong uunahin ko dito? Tequila o Martini? Martini na lang unang dampi pa lang nito sa dila halos isumpa ko ng ang lasa nito! Ang panget! Ka suka, Er!