Chapter 1: Superior
"Kamusta ka naman d'yan Kuya? Kung itatanong mo kung ayos lang ba sila mommy at daddy, well hindi pa din sila okay nahihirapan pa din kasi si mommy tanggapin lahat e." Tumigil muna ako at napapikit ng mariin.
"Miss na miss ka pa rin namin Kuya." Kinakausap ko na naman ang puntod ng kuya ko. Isang taon na simula ng mangyari ang aksidente. Aksidenteng sumira sa pamilya ko dahil sa aksidenteng 'yon nalayo ang loob ng magulang ko sa akin.
"Cha umuwi na kasi tayo, hindi ka pa pagod?" reklamo ni kuya dahil inip na inip na siya sa pag sama sa akin sa mall.
"Kuya mamaya na please hindi pa ako napapagod pupunta pa akong pinkbox e." Bumuntong hininga na lamang siya.
"Cha hanggang anong oras pa ba tayo dito?" Halata mo sa boses nito ang pag ka inis.
"Ma una ka na lang umuwi kuya mag co-commute na lang po ako." sabi ko sa kan'ya napa ngiti siya at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Sige basta mag iingat ka ha? Nako ako pagagalitan ni mommy pag may mangyari sayo e." Paalala niya sa akin.
"Bye kuya ikaw ang mag ingat kasi maraming babaeng naghahabol sa'yo diyan sa tabi tabi." Katulad ni Ate Marjorie. Baliw na baliw siya kay kuya hiniwalayan siya ni kuya dahil hindi na niya nakayanan ang ugali nito.
Isang pamilyar na boses ng lalaki ang na rinig ko 'pag pasok ko ng pink box, at gaya ng hinala ko si Ron nga ito, ang pinaka mamahal kong boyfriend.
"By? Anong ginagawa mo dito?" Na gulat siya sa pagkalabit ko sa kaniya.
"C-cha?" Tumawa ito at kumuha ng isang head band mula sa basket. "Bibilhan sana kita nito e, hindi ba mahilig ka sa mga ganito." Napakamot na lamang siya sa ulo.
Tumawa lang ako at pinisil ang pisngi niya, napaka cute talaga ng by ko. Pumili na ako ng mga cute na head band at ipit sa buhok at binayaran na ito. Biglang tumunog ang cellphone ko at dali dali ko itong kinuha sa pouch ko.
"Hello? Kuya, pa uwi na din ako, ihahatid na din ako ni Ron." Imbis na sumagot agad si kuya sa kabilang linya ay isang umiiyak na babae ang sumagot dito.
"C-cha, we're at the hospital." What the hell are they doing at the hospital? At bakit sila mag kasama ni Kuya? "Na aksidente kami Cha." Ibinaba ko agad ang tawag at dali daling umalis ng mall at pumunta sa hospital na sinabi ni Marj.
"Ate Marj, si Kuya? Anong nangyari ate?" Hindi na ako mapakali, niyugyog ko siya para sabihin niya sa akin kung ano ba talaga ang nangyari. Puno ng dugo ang kulay puti niyang damit.
"Cha... I'm sorry, it's my fault." Sinampal ko siya ng malakas, tinulak ko siya ng malakas dahil sa sobrang galit ko. Pinilit na naman niya ang kuya ko makipag balikan sa kaniya, hinabol na naman ni ate marj si kuya.